Various democratic groups gathered at Liwasang Bonifacio, Manila on January 31 to hold a protest against the “3K” or the People’s Movement against poverty, corruption and lack of accountability. Students, teachers, workers, professionals, church people, university administrators, and progressive parties participated in the action led by the Taumbayan Ayaw sa Magnanakaw at Abusado Network Alliance […]
Sa susunod na mga buwan at darating na taon, puspusan at sistematiko nating palawakin at palakasin ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) bilang bisig ng sambayanang Pilipino sa paglaban sa pasistang paghahari ng rehimeng US-Marcos. Sa harap ng papalubhang pang-aapi sa taumbayan, papatinding pampulitikang panunupil at lumiliiit na puwang para sa demokratikong pagpapahayag at pagkilos, lumalaki […]
Sa isang larangan sa Cordillera, nauwi ang inakalang mababalam na selebrasyon ng anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 2024 sa isang pyesta ng pagkakaisa at pag-aaral ng mga Pulang mandirigma at masa. Lugmok sa hirap ang masa sa Barangay Ranyag (Liwanag) na dinatnan ng mga kasama. Bagsak ang taunang ani ng palay […]
Noong Pebrero 5, pumirma ang hindi bababa sa 215 kongresista sa kasong impeachment o asunto kontra kay bise presidente Sara Duterte para patalsikin ito sa pwesto. Itinuloy ang kasong impeachment kontra kay Duterte matapos ang halos dalawang buwang pagbalam dito ng rehimeng Marcos. Pinangunahan mismo ng anak ng presidente na si Ferdinand Marcos na si […]
Ipinagdiwang ng Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) ang ika-49 anibersaryo nito noong Disyembre 2024. Sa isang sikretong pagtitipon sa National Capital Region, aabot sa 50 kasapi nito ang nagsama-sama para sabayang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo at ang ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Binalikan nila at ipinagdiwang ang iba’t ibang tagumpay na […]
Sa Pebrero 8, ipagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang ika-86 na kaarawan ni Kasamang Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP). Dalawang taon na ang nakalipas mula nang pumanaw si Ka Joma, subalit nananatili pa rin siyang inspirasyon sa mga kabataan at buong bayan. Ang iniwan niyang mayamang kaban […]
Sa mahigit na pagtuwang ng masa, naidaos ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) ang pagdiriwang sa ika-56 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa prubinsya. Dumalo sa pagtitipon ang mga kaspai ng Partido at mga rebolusyonaryong pwersa mula sa sektor ng mga magsasaka, kababaihan, kabataan-estudyante, manggagawa at maralitang lungsod. Naisagawa ito sa […]
Protesta sa UP. Linggu-linggo ang protesta ng mga estudyante at guro ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa iba’t ibang kampus nito bilang pagsalubong sa ikalawang semestre noong Enero. Pinatampok sa mga protesta ang kaltas sa badyet, banta sa seguridad at kalayaang pang-akademiko, kasama rin ang panawagang “Duterte Panagutin, Marcos Singilin!” Pinakamalaki ang rali sa […]
Sa harap ng komun na hinaing, itinatag noong Enero 25 ng mga manggagawa sa BPO (business process outsourcing), telekomunikasyon, drayber na taga-deliber at iba pang trabahong pinatatakbo ng mga digital platform (o mga sistemang online) ang Coalition of Digital Employees-Artificial Intelligence o CODE-AI. Itinatag ang naturang koalisyon para kumatawan sa mga manggagawa at empleyado sa […]