Batay sa pinakalayuning “baguhin ang mga probisyong pang-ekonomya” para bigyan ng mas malaking kalayaan ang mga dayuhang kapitalista na angkinin at dambungin ang yaman ng bansa at magkamal ng supertubo, malinaw na kamay ng imperyalismong US ang tunay na nasa likod ng kasalukuyang iniraratsada ng rehimeng US-Marcos na pakanang baguhin ang reaksyunaryong konstitusyong 1987. Daan-daang […]
Kinatangian ng maramihang pagsisisante at pagsasara ng mga pabrika ang ekonomya ng Pilipinas noong 2023. Puu-puong libong mga trabaho ang sabay-sabay na nawala dulot ng paglilipat ng mga dayuhang kumpanya ng kanilang mga operasyon sa ibang bansa. Pinakamatingkad na mga halimbawa ang malawakang pagsisisante sa Mactan Export Processing Zone, kabilang ang di bababa sa 10,000 […]
Muling nagkaraban-martsa noong Enero 16 sa Maynila ang libu-libong mga tsuper, opereytor at kanilang mga pamilya para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan sa pamamasada at ibalik ang kanilang 5-taong prangkisa. Nagtipon sila sa Quezon City bago nagkaraban tungong Mendiola sa Maynila ngunit hinarang ng mga pulis sa kahabana ng Espana, Manila. Dito sila naglunsad ng programa […]
Pinatamaan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang nag-ooperasyong tropa ng 96th sa Sityo Lantawan, Barangay Gangao, Baleno, Masbate noong Enero 13. Nabulabog ang naturang yunit militar at kagyat na itinago ang kanilang kaswalti upang pagtakpan ang kahihiyan. Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Mabaste, ang armadong opensiba ay bahagi ng […]
Walang naniwala sa kamakailang deklarasyon ni Ferdinand Marcos Jr na wala nang “aktibong larangang gerilya” ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa buong bansa. Naobliga kahit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na salungatin ito at sinabi na lamang na “mahihina” ang diumano’y natitirang 11 larangan ng BHB. Ayon sa AFP, may 1,500 Pulang mandirigma […]
Nakumpirma na dumating sa Pilipinas ang mga tauhan ng International Criminal Court (ICC) para mag-imbestiga sa krimen laban sa sangkatauhan na kasong isinampa laban kay Rodrigo Duterte at kanyang mga kasapakat. Ayon sa mga abugado ng mga biktima, tapos na ang imbestigasyon laban kay Duterte. Halos tapos na rin ang imbestigasyon sa iba pang pinangalanang […]
Pagbebenta ng kopra ang ikinabubuhay ni Tatay Gil. Sa kanyang bayan, umaabot lamang nang ₱25 ang kada kilo ng kopra. Bawat tatlong buwan, 300 kilo lamang ng kopra ang kanyang naibebenta sa mamimili. Sa madaling sabi, kumikita lamang siya ng ₱7,500. Sobrang mababa ito kahit pa malapit lamang sa kanilang barangay ang kumpanyang nagpuproseso rito. […]
Sunud-sunod ang mga pagpatay, tangkang pagpatay, panggigipit at iba pang mga paglabag sa karapatang-tao sa isla ng Negros ang isinagawa ng mga yunit ng 62nd IB sa nagdaang mga linggo. Dinampot at tinortyur bago pinaslang ng mga sundalo ang dalawang sibilyan sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 17 ng umaga. Para pagtakpan […]
Kinundena ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) at Friends of the Filipino People in Struggle ang pambobomba ng Armed Forces of the Philippine sa isang kampo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Malaybalay City noong Disyembre 25, 2023. Anang mga grupo, labag sa internasyunal na makataong batas (IHL) ang pambobombang gumamit […]
Isinagawa ng mga rebolusyonaryong organisasyon sa Metro Manila at katabing prubinsyang Rizal ang oplan sabit at oplan dikit para patampukin ang anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas at ang rebolusyonaryong kilusan. Sa Rizal, nagsagawa ng oplan sabit ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)-Rizal noong Enero 9 sa Antipolo City para gunitain ang ika-55 na anibersaryo […]