Oplan sabit at oplan dikit, inilunsad sa Rizal at Maynila

,
Ang artikulong ito ay may salin sa BisayaEnglishIlocoHiligaynon

Isinagawa ng mga rebolusyonaryong organisasyon sa Metro Manila at katabing prubinsyang Rizal ang oplan sabit at oplan dikit para patampukin ang anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas at ang rebolusyonaryong kilusan.

Sa Rizal, nagsagawa ng oplan sabit ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)-Rizal noong Enero 9 sa Antipolo City para gunitain ang ika-55 na anibersaryo ng Partido at unang anibersaryo ng pagkamatay ni Kasamang Jose Maria Sison. Nagsabit sila ng dalawang malaking balatengga sa palengke ng syudad kung saan maraming nagdaraan.

Sa EDSA Avenue sa Metro Manila, nagpaskil ng likhang sining at nagpinta sa pader ang mga kasapi ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)-Balangay Marlon Caacbay noong nagdaang linggo para ipagdiwang ang ika-37 anibersaryo ng Armas. Pinatampok ng grupo ang pagsuporta nila sa digmang bayan sa bansa para ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo. Binatikos din ng grupo ang umiiral na burges-dekadenteng kultura na bumubulok sa arte at literatura ng bansa.

Oplan sabit at oplan dikit, inilunsad sa Rizal at Maynila