Archive of Articles

Isulong at lubusin ang kilusang pagwawasto!
January 07, 2024

Malugod na sinalubong ng mga kadre at komite ng Partido sa buong bansa ang panawagan ng Komite Sentral noong ika-55 anibersaryo na isulong at lubusin ang kilusang pagwawasto upang mapalakas ang Partido sa pamumuno nito sa sambayanang Pilipino sa paglaban sa rehimeng US-Marcos at pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Napuspos ng bagong rebolusyonaryong enerhiya at […]

Ika-55 anibersaryo ng Partido, ginunita sa mga pagtitipon
January 07, 2024

Inilunsad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga pagdiriwang, pagtitipon at pulong pag-aaral ng mga sangay at komite ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), ng National Democratic Front of the Philippines at mga alyadong organisasyon nito, sa huling dalawang linggo ng Disyembre 2023. Ito ay bilang paggunita […]

Bangayang US-China at ang lumalalim na sigalot sa hanay ng naghaharing uri
January 07, 2024

Sa isang panayam noong Disyembre 2023, umalma si Teresita Sy-Coson, vice-chairperson ng SM Investment Corporation, sa aniya’y “antagonistikong pakikitungo” ng gubyernong Marcos Jr sa China. Tinutukoy niya ang sunud-sunod na hayagang pagpuna ng mga upisyal ng rehimen sa mga kiskisan sa pagitan ng mga barkong militar ng Pilipinas at coast guard ng China sa huling […]

Mga mersenaryo sa likod ng masaker sa Sagay, pinarusahan ng BHB
January 07, 2024

Magkakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros laban sa mersenaryong Sarona Group noong Enero 2 sa bayan ng Purok Kawayan, Barangay Bug-ang, Toboso, Negros Occidental. Inambus at napatay ng BHB ang lider ng grupo na si Juvie Sarona. Pinaralisa at sinunog din ang traktorang pag-aari ng kanyang ama. Nakumpiska naman […]

Papet na AFP, tiba-tiba pa rin sa ilalim ng rehimeng Marcos
January 07, 2024

Isiningit ni Ferdinand Marcos Jr, kasama ang kanyang mga kasapakat sa Kongreso at Senado, ang ₱6.17 bilyon sa badyet ng Department of National Defense sa ipinasa at pinirmahan niyang pambansang badyet para sa 2024 noong Disyembre 20, 2023. Liban sa DND, dinagdagan din ni Marcos ang badyet ng Philippine Coast Guard nang ₱2.8 billion at […]

4 sibilyan, pinaslang ng militar sa Sorsogon, Batangas at Iloilo
January 07, 2024

Dalawang sibilyan ang pinaslang ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Disyembre 10 sa Iloilo at Disyembre 17 sa Sorsogon noong nakaraang taon. Samantala, pinatay din ng militar ang dalawang sibilyang bumibisita sa kanilang kaanak na Pulang mandirigma sa Batangas noong Disyembre 17, 2023. Pinatay ng uhaw sa dugong mga pasista […]

Labis-labis na pwersa sa aerial bombing sa Bukidnon, kinundena
January 07, 2024

Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang “disproportionate use of force” o labis-labis na paggamit ng pwersa ng militar laban sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa Bukidnon noong huling linggo ng Disyembre. Labag ito sa internasyunal na makataong batas, na gumagabay sa kondukta ng modernong pakikidigma. Naghulog ng apat na bomba […]

Kambal-delubyo sa mamamayan ang mga proyektong dam sa Ilocos Norte
January 07, 2024

Nagbabadyang kambal-delubyo ang idudulot ng Cabacanan Small Reservoir Irrigation Project (CSRIP) at Ilocos Norte-Ilocos Sur-Abra Irrigation Project (INISAIP), na minamadaling itayo sa maagang bahagi ng 2024 sa Ilocos Norte. Hungkag ang ibinabandila ng National Irrigation Administration (NIA) na makikinabang ang masang magsasaka at pambansang minorya sa prubinsya at katabing mga lugar. Sa halip, kinakaharap nila […]

Sa madaling salita
January 07, 2024
Tuluy-tuloy na protesta kontra PUV phaseout, ikakasa ngayong Enero
January 07, 2024

Magtutuluy-tuloy ang protesta at sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor ng dyip kontra sa sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at pagpapatupad ng huwad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pagbubukas ng taong 2024. Ito ang kanilang tugon sa pagkikibit-balikat ni Ferdinand Marcos Jr sa hinaing ng mga tsuper at opereytor. Ayon sa Pagkakaisa […]