Mga mersenaryo sa likod ng masaker sa Sagay, pinarusahan ng BHB

,
Ang artikulong ito ay may salin sa IlocoEnglishBisayaHiligaynon

Magkakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros laban sa mersenaryong Sarona Group noong Enero 2 sa bayan ng Purok Kawayan, Barangay Bug-ang, Toboso, Negros Occidental.

Inambus at napatay ng BHB ang lider ng grupo na si Juvie Sarona. Pinaralisa at sinunog din ang traktorang pag-aari ng kanyang ama. Nakumpiska naman sa bahay ng mga Sarona ang isang M2 Carbine, isang .45 Colt, isang .357 revolver, isang shotgun, samu’t-saring mga magasin at bala. Kinumpiska rin ang kanilang gadyet na may laman na mahahalagang impormasyon.

Imbwelto ang grupo sa pagmasaker sa siyam na mga manggagawa sa tubuhan noong Oktubre 20, 2018. Naganap ang tinawag na “Sagay masaker” sa Barangay Bulanon, Sagay City. Bayaran din ito at suportado ng militar at malalaking kumprador-panginoong maylupa at asendero sa isla.

Ipinagdiwang ng mamamayan ng Northern Negros ang pagpaparusa sa mga Sarona dahil nabigyang hustisya ang pang-aapi at pagsasamantalang kanilang sinapit sa kamay ng mga ito.

Samantala, tinambangan ng BHB-Central Negros ang elemento ng CAFGU na si Sunnyboy Teves sa Sityo Tulingon, Barangay Binubohan, Guihulngan City, Negros Oriental noong Disyembre 27, 2023. Sangkot si Teves sa maraming krimen sa mamamayan ng Central Negros.

Pinasalamatan ng BHB ang masang tumulong sa armadong aksyon at patuloy na pagsuporta nito sa hukbong bayan.

Mga mersenaryo sa likod ng masaker sa Sagay, pinarusahan ng BHB