Doktor, di pulis. Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan noong Oktubre 23 laban sa pagtatalaga kay dating hepe ng pulis na si Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health (DOH). Tinawag nila itong tahasang militarisasyon sa serbisyong pangkalusugan. NCIP, buwagin! Tumungo sa upisina ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Quezon City noong […]
Naglunsad ng mga protesta at sama-samang pagkilos ang apat na unyon nitong nakaraang linggo para isulong ang kanilang karapatan sa kolektibong pakikipagtawaran at igiit ang makatarungang pagtaas sa sahod. Sa Quezon City, nagprotesta ang mga manggagawa ng restawran na Kowloon House sa oras ng kanilang pananghalian noong Nobyembre 3. Iginiit nila ang pagtalima ng kumpanya […]
Lubos na ikinalungkot ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang pagpanaw ni Emmanuel Fernandez (Ka Ampog/Akuy/Brad), myembro ng Komite Sentral at isa sa mga rebolusyonaryong lider sa Far South Mindanao. Namatay noong Oktubre 30 si Ka Ampog sa sakit na matagal na niyang iniinda. Dinala ng mga medik ang kanyang mga labi sa isang kubo […]
Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga grupong magsasaka para gunitain ang Buwan ng Magsasaka noong Oktubre. Nakiisa sila sa ika-14 na International Day of Rural Women (Pandaidigang Araw ng Kababaihan sa Kanayunan) noong Oktubre 15 at ika-43 na World Food Day (Araw ng Pagkain) noong Oktubre 17 na binabansagan ding “World Hunger Day” (Pandaigdigang […]
Magkakasunod na insidente ng panganganyon, iligal na paghahalughog at paghihimpil sa sentro ng barangay ang ilan sa malalang paglabag sa karapatang-tao na ginawa ng militar sa Negros nitong nagdaang mga linggo. Himamaylan City. Nanghalughog at nanindak ng mga residente ang mga elemento ng 94th IB sa mga bahay sa anim na sityo ng Barangay Buenavista. […]
Dinakip at ikinulong ng pulis sa gawa-gawang kaso si Benjamin Cordero, pinuno ng Labor Sector ng Quezon City Development Council, myembro ng Samahan ng Manggagawa sa Quezon City at upisyal sa kampanya ng Urban Poor Coordinator Council ng National Capital Region, noong Oktubre 25 nang alas-11:40 ng gabi sa kanyang tirahan sa Quezon City. Sinampahan […]
Walang patid na ligalig at karahasang militar ang halos araw-araw na bumabagabag sa masang maglulukad ng niyog sa mga bayan sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Quezon. Biktima sila ng iba’t ibang tipo ng paglabag sa karapatang-tao sa tabing ng “gera laban sa terorismo.” Todo-largang pinakawalan ng 85th IB, 59th IB, 201st IBde, 2nd […]
Kasalukuyang isinusulong ng San Miguel Energy Corporation (SMEC) ang pagmimina nito ng karbon sa Barangay Ned, Lake Sebu sa prubinsya ng South Cotabato. Ipinipilit ng kumpanya ang operasyon matapos ang mahigit isang dekadang pagkakatigil nito dahil sa mariing pagtutol ng mamamayan at pagbabawal ng open-pit mining sa lugar. Naglunsad ang militar ng nakapokus na operasyon […]
Sibilyan si Moana, isang katutubong Agta, nang “isuplong” siya ng sariling tiyuhin sa 95th IB kapalit ng ₱2,000 pabuya. Idineklara siyang “surenderi” at “pinag-report” sa kampo militar kasama ng iba pa. Doon niya naranasan ang nakasusuklam na pagtrato sa kanya at kapwa niya Agta. “Ginawa kaming mga alipin ng mga sundalo,” kwento ni Moana. Sapilitan […]