Nagbalik-lansangan ang daan-daang aktibista matapos ang halos tatlong buwang lockdown para tutulan ang panukalang “kontra-terorismo” ng rehimeng Duterte. Nagtipon ang isang libong raliyista sa loob ng University of the Philippines (UP)-Diliman sa Quezon City at iba pa sa Laguna noong Hunyo 4 habang iniraratsada ang panukala sa mababang kapulungan. Nagkaroon din ng mga pagkilos noong […]
Nalatantad noong nakaraang buwan ang maanomalyang pagbili ng rehimeng Duterte ng napakamahal na mga kagamitang medikal. Pinakahuli rito ang 10 milyong protective personal equipment o PPE set na binili nito mula sa isang hindi tinukoy na kumpanyang Chinese sa halagang P1,800 kada set o P20 bilyon sa kabuuan. Karaniwang makakabili ng PPE sa halagang P400-P1,000 […]
Palpak ang tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Lugmok sa gutom at kawalang trabaho ang mamamayan habang patuloy na nananalasa ang bayrus matapos ang halos tatlong buwang lockdown. Winaldas nito ang mga sakripisyo ng mamamayan sa isa sa pinakamatagal na lockdown sa buong mundo. Hindi nito pinalakas ang sistema sa kalusugan. Walang isinagawang mass […]
Anim na drayber ng dyip ang ikinulong ng mga pulis sa Caloocan City matapos magprotesta noong Hunyo 2 para muling makapasada. Bahagi ang protesta ng pambansang kampanya para sa pagbabalik-pasada ng mga dyip sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston). Kabilang sa mga ikinulong si Elmer Cordero, 72, at […]
Mariing kinundena ng Migrante Philippines ang pagpapabaya ng rehimeng Duterte sa umuuwing mga overseas Filipino worker (OFW) na nabimbin sa Metro Manila dahil sa pandemyang Covid-19. Nasa 24,000 sa kanila ang uminda ng mahabang pagkakakulong sa mga pasilidad pangkwarantina dahil sa mabagal na testing at pagproseso ng kanilang mga resulta. Isang migrante na ang nagpakamatay. […]
Walang kapantay na pinsala ang inabot ng mamamayang Pilipino sa halos tatlong buwang lockdown at matinding kainutilan ni Duterte sa pagharap sa pandemyang Covid-19. Ang kababaihan, laluna ang manggagawang kababaihan, ang pinakapumasan sa hirap na idinulot nito. Nasa unahan sila ng laban sa Covid-19. Nasa 80% ng mga nars, at malaking bilang ng mga duktor […]
Araw-araw, laman ng balita ang ibinibigay na mga “donasyon” ng malalaking negosyong pag-aari ng mga bilyunaryong kapitalistang komprador. “Narito ang mga kumpanya namin para suportahan ang lahat ng pagsisikap, at patuloy kaming naghahanap ng paraan na makatulong at makasuporta,” deklarasyon ni Kevin Andrew Tan, pinuno ng Alliance Global Group Inc., kumpanyang kumokontrol sa Megaworld, Emperador […]
Ang konsepto ng responsibilidad ng gubyerno sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan ay unang itinaguyod ng Russia (kalaunan ang pederasyong Soviet Union) sa ilalim ng sosyalistang estado at pamumuno ng lider komunistang si Vladimir Lenin. Noong 1920, idineklara niya: “Sinimulan natin ang isang dakilang gera, isang gerang di natin kaagad tatapusin. Ito’y isang walang dugong […]
Sinasamantala ng adik sa utang na rehimeng Duterte ang pandemyang Covid-19 para makakuha ng malalaking pautang sa tabing ng muling pagpapasikad sa ekonomya at pagbibigay ng pangkagipitang ayuda. Sa loob lamang ng tatlong buwan, umutang ang rehimen ng $5.5 bilyon (P275 bilyon) mula sa mga bangko at imperyalistang institusyong pampinansya. Dahil dito, umabot na sa […]
Nanawagan noong Mayo 31 si Pope Francis na “maantig nawa ang konsensya ng mga lider nang sa gayo’y ang napakalaking halagang para sa pagbili ng mga armas ay ilaan sa pagsusulong ng pananaliksik nang sa gayo’y maiwasan ang mga sakuna sa hinaharap.” Aniya, kinakailangan ng mga lider na “tumanaw nang malayo, tulungan ang mga naghihikahos […]