Archive of Economy

Sa kada bilyunaryo, isang milyon ang nasasadlak sa labis na kahirapan
May 27, 2022

Isang bagong bilyunaryo kada 30 oras (o kabuuang 536 indibidwal) ang lumitaw sa panahon ng pandemya o mula noong 2020. Ang impormasyong ito ay tinukoy ng Oxfam International, isang pandaigdigang katipunan ng 21 grupong mapagkawanggawa, sa ulat nitong “Pagpiga ng tubo sa Pagdurusa.” Habang may ilandaang bagong bilyunaryo, aabot naman sa 250 milyong katao ang […]

₱35 dagdag sahod sa MIMAROPA, limos at pangungutya para sa mga manggagawa!
May 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Isang malaking insulto para sa mga manggagawa sa lalawigan ng Palawan ang ipinagmamalaking P35 dagdag-sahod na ipinag-utos ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment nitong Mayo 20. Mistulang pangungutya ito sa mahirap na sitwasyon ng pamumuhay ng mga manggagawa at maralita sa probinsya at buong rehiyon ng MIMAROPA. Kung sabagay, […]

Supertubo ng mga monopolyo ng langis, lumaki nang 300% dulot ng gera sa Ukraine
May 24, 2022

Tatlong beses na lumaki ang tubo ng limang pinakamalalaking kumpanya ng langis sa mundo para sa unang kwarto ng 2022, ayon sa isang ulat na inilabas ng Center for American Progress (CAP) noong Mayo 18. Ito ay matapos sumirit ang presyo ng mga produktong petrolyo bunga ng ispekulasyon sa merkado dulot ng imperyalistang gera na […]

Tunay na halaga ng sahod, bagsak sa panahon ni Duterte
May 23, 2022

Bumagsak ang tunay na halaga ng sahod sa ilalim ng rehimeng Duterte dahil sa makupad at maliliit na dagdag-sahod at pagsirit ng mga presyo. Ayon sa Ibon Foundation, grupo sa pananaliksik sa mga usaping sosyo-ekonomiko, “bumagsak nang 4% ang tunay na sahod dahil tatatlong beses lamang na taas-sahod ang ipinatupad sa nakaraang anim na taon […]

Grabeng pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa Mindoro epekto ng neoliberal na patakaran ng rehimeng US-Duterte
May 04, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ang isla ng Mindoro ay isa sa malaking prodyuser ng sibuyas sa bansa na nagsusuplay sa Kabisayaan at Palawan. Noong 2014 umaabot sa 13,330 metriko tonelada ang produksyon ng sibuyas sa isla kung saan ang 99% nito ay mula sa Occidental Mindoro. Ang mga bayang pangunahing prodyuser ng sibuyas ay ang San Jose, Calintaan at […]

NCR, nilumpo ng mga lockdown ni Duterte
May 02, 2022

Hanggang ngayon, iniinda ng mamamayang Pilipino ang resulta ng palpak na tugon ng rehimeng Duterte sa pandemyang Covid-19. Pinakalitaw ito sa National Capital Region, kung saan pinakamadalas na ipinataw ang pinakamatagal at mapaminsalang mga lockdown na nagresulta sa pagkawasak ng kabuhayan ng milyun-milyong mamamayan. Bumubuntot sa sinasabing “pagbangon ng ekonomya” ang pambansang kabisera, ayonsa datos […]

Mga kroning burgesya-kumprador, namamayagpag sa listahan ng mga bilyunaryo
April 12, 2022

Dalawampung burgesya-kumprador ang pumasok sa listahan ng Forbes magazine ng mga dollar billionaire (bilyunaryo sa halagang dolyar) na inilathala noong Abril 6. Nadagdagan ang bilang na ito ng tatlo, mula sa 17 noong nakaraang taon. Nangunguna sa pinakamayamang burgesyang kumprador si Manny Villar, na may yamang $$8.3 bilyon (₱431.6 bilyon) ngayong taon. Mas mataas ito […]

Panibagong tulak para sa importasyon ng asukal, hinarang
April 12, 2022

Binatikos ng National Federation of Sugar Workers ang pagpupumilit ng rehimeng Duterte na mag-import ng asukal sa darating mga buwan dahil tiyak pipinsala ito sa lokal na industriya ng asukal. Ang planong ito ang nilalaman ng Sugar Order No. 4 na nagsasaad ng kahandaan ng ahensya na mag-angkat ng 350,000 metrikong tonelada sa mga darating […]

Pilipinas, pang-apat sa pinakatalamak ang kroniyismo sa mundo
March 31, 2022

Pang-apat ang Pilipinas sa 22 bansang talamak ang kroniyismo, ayon sa The Economist, isang organisasyong midya na nakabase sa United Kingdom. Ang kroniyismo, sa simpleng salita, ay isang kaayusan sa ekonomya kung saan lihim na nakikipagkasundo ang mga negosyante sa mga upisyal ng estado para makakuha ng mga pakinabang tulad ng mga espesyal na permit, […]

Pagbubukas sa mga susing industriya sa mga dayuhan, magpapahirap sa mga Pilipino
March 27, 2022

Magpapahirap sa mga Pilipinong negosyante at sa mamamayan sa pangkalahatan ang pagbubukas ng rehimeng Duterte sa susing mga industriya at pampublikong serbisyo sa ganap dayuhang pagmamay-ari. “Lalo nitong pahihirapan ang mga negosyanteng Pilipino na umunlad,” ayon sa Ibon Foundatiion. Delikado umano ang pagbubukas sa sektor sa mga dayuhan dahil mapupunta sa mga dayuhan ang pakinabang […]