Archive of Health

Protestang 'Black Hearts Day,' inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan
February 16, 2023

Nagtungo sa upisina ng Department of Health (DOH) ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa pribado at pampublikong ospital para sa protestang ‘Black Hearts Day’ kasabay ng araw ng mga puso noong Pebrero 14. Ayon sa Alliance of Health Workers (AHW), kinalampag nila ang ahensya para ibigay sa kanila ang mga benepisyong nararapat at wakasan ang […]

Pagkawawa sa mga Pilipinong nars: 12-oras na paggawa, barat na sahod
January 18, 2023

Umaabot sa 12 oras ang karaniwang duty o araw ng pagtatrabaho ng mga nars De La Salle University (DLSU) Medical Center, ang pinakamalaking pribadong ospital sa Cavite. Ayon kay Vilma Garcia, tagapangulo ng unyon ng mga empleyado ng ospital, ito ay dahil kulang na kulang ang iniempleyo ng kapitalistang may-ari na mga nars para mag-asikaso […]

Maramihang pangingibang-bansa ng mga nars, pinangangambahan
December 15, 2022

Nangangamba ang Filipino Nurses United na maramihang aalis ang mga may karanasang nars matapos ang alok ng New Zealand ng “residency” (permanenteng paninirahan) at mas mataas na sahod sa sinumang nars na handang magtrabaho doon. Gayundin ang pahayag ng Philippine Nurses Association na nagsabing posibleng maapektuhan ang operasyon laluna ng mga pribadong ospital kung mangyari […]

Rebolusyonaryong samahan ng manggagawang pangkalusugan, nagraling-iglap
December 07, 2022

Tahimik na nagtipon at surpresang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Carriedo Avenue sa Lunsod ng Maynila ang mga kasapi ng Makabayang Samahang Pangkalusugan (MSP), ang rebolusyonaryong organisasyon ng mga manggagawang pangkalusugan. Bahagi ito ng paggunita sa ika-44 anibersaryo ng kanilang organisasyon. Sa maiksing programa, ipinabatid ng MSP ang pangangailangang lumahok sa armadong rebolusyon ng mga […]

Minimum ng mga manggagawang pangkalusugan, itaas sa 33k!
November 26, 2022

Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]

Manggagawang pangkalusugan ng RITM, tutol sa balak na pagsasara sa ospital
November 21, 2022

Naglunsad ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Nobyembre 18 para batikusin ang bantang pagpapasara ng ospital. Kinundena rin nila ang hindi pagbabayad ng kanilang Health Emergency Allowance para sa Hulyo-Disyembre 2021 at Hulyo-Disyembre 2022. Pinangunahan ng Alliance of Health Workers (AHW) ang naturang pagkilos. Nangangamba ang mga […]

Dagdag-sweldo at dagdag-badyet para sa mga ospital, ipinanawagan
November 17, 2022

Nagtungo sa Senado ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers ngayong araw para ipanawagan ang dagdag-badyet para sa mga pampublikong ospital. “Sa halip na dagdagan ang badyet, itinutulak ng administrasyong Marcos ang ibayong pribatisasyon ng mga pampublikong ospital sa pamamagitan ng pagbabawas ng badyet nito para sa Maintenance and Other Operating […]

Walang lugar ang berdugong si Cascolan sa sektor ng kalusugan
November 08, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Isang malaking sampal para sa mga propesyunal at manggagawang pangkalusugan ang pagtatalaga sa isang heneral ng PNP na si Camilo Cascolan bilang isa sa pinakamatataas na upisyal ng Department of Health (DOH). Una sa lahat, walang anumang kwalipikasyon si Cascolan para sa naturang pusisyon. Wala siyang alam sa pagliligtas ng buhay at pagkalinga sa masa. […]

Fascists like Cascolan has no place in the health sector
November 08, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

The appointment of Camilo Cascolan, a PNP general, as one of the Department of Health (DOH)’s top officials is a huge insult for medical professionals and workers. Above all, Cascolan has no qualification for the said position. He knows nothing about saving lives and upholding the masses’ welfare. During his whole career as a police […]

Kontra-unyon na direktor ng ospital pambata, ipinatatanggal
November 05, 2022

Naglunsad ng “snake rally” ang mga manggagawang pangkalusugan ng National Children’s Hospital kahapon para ipaabot ang kanilang disgusto sa Medical Center Chief (MCC) ng ospital at ipanawagan na huwag nang palawigin ang kanyang termimo. Dismayado ang mga manggagawa kay MCC Moriel Creencia dahil sa anila’y mga kontra-unyong hakbang at mga paglabag sa mga probisyon ng […]