Sa pang-apat na pagkakataon, naglunsad ng “Friday protest” noong Hulyo 28 ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng All UP Workers Union-Manila/Philippine General Hospital para igiit sa maneydsment nito na itigil na ang pagkuha ng serbisyo ng mga pribadong kumpanya para sa ilang aspeto ng gawain sa ospital at sa halip ay punan ang bakanteng […]
Naglunsad ngayong araw ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para igiit ang dagdag-sahod at pagbibigay ng mga naantalang alawans at para ipahayag ang pagtutol sa planong pag-abolish sa RITM ng rehimeng Marcos Jr. Anila, magdudulot ng malawakang tanggalan ang planong pag-abolish sa RITM para bigyang daan ang pagtatayo […]
Isang hakbang tungo sa gerang nukleyar ang sadyang ginawa ng US nang ipalayag nito sa karagatan ng Korea ang isang submarinong nagdadala ng mga armas nukleyar nitong Hulyo 18. Ibinalita sa iba’t ibang pahayagan ang kauna-unahang pagdaong ng naturang submarino sa Busan, South Korea sa loob ng apat na dekada. Huling nagpadala ng gayong submarino […]
Magkakasunod na protesta at pangangalampag ang inilunsad ng mga unyon ng mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa limang ospital sa Metro Manila nitong Hunyo 23 at Hunyo 27. Inilunsad ang mga protesta kaugnay ng nalalapit na isang taon sa poder ng rehimeng Marcos at ikalawang state of the nation […]
Binatikos ng Fiiipino Nurses United (FNU) ang pakana ng bagong kalihim ng Department of Health na si Teodoro Herbosa na mag-empleyo ng mga bagong gradweyt na nars na hindi nakapasa sa nursing board o pagsusulit para sa sertipikasyon ng mga nars. “Hindi ito angkop na solusyon sa kakulangan ng mga nars,” ayon sa FNU. “Ang […]
Hindi sang-ayon ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pagkakatalaga kay Teodoro “Ted” Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Anang grupo, isa itong “malinaw na manipestasyon ng lubhang kawalang malasakit ng pangulo sa buhay, kalusugan at kagalingan ng mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan.” Tandang-tanda pa umano ng […]
Ginunita sa Cuba noong huling linggo ng Mayo ang 60 taong pagseserbisyo ng mga duktor na Cuban sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Itinaon ang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagpapadala ng Cuba ng mga duktor sa Algeria noong 1963 para tumulong sa pagbangon ng bansa matapos lumaya ito sa kolonyalistang France. Inalala nila ang pahayag […]
Naglunsad ng isang araw na welga ang libu-libong nars at estudyante ng kursong nursing sa South Korea noong Mayo 19 para kundenahin ang pag-veto o pagbasura ng presidente ng bansa sa isang panukala na magbibibgay ng dagdag na mga benepisyo at sahod, at magpapaunlad ng kanilang kundisyon sa paggawa. Ang panukalang Nursing Act ay ibinasura […]
Inianunsyo kahapon ng mga manggagawang pangkalusugan na nagbuklod sa ilalim ng grupong Health Workers United for Wage Fight (HWUWF) ang nakatakdang martsa nila sa darating na Mayo 5 para manawagan ng dagdag sahod, mga benepisyo, regularisasyon at disenteng trabaho. Kaugnay ito ng paggunita sa National Health Workers’ Day sa darating na Mayo 7. Ang grupo […]
Nagmartsa ang mga nars na kasapi ng Filipino Nurses United (FNU) sa Taft Avenue sa City of Manila tungong Philippine General Hospital noong Abril 12 para ipanawagan ang pagtaas ng entry salary ng mga nars sa pampubliko at pribadong ospital tungong ₱50,000. Lumahok sa protesta ang mga nars mula sa iba’t ibang tsapter ng FNU […]