Inianunsyo kahapon ng gubyernong Marcos ang mga plano nitong alisin na ang patakaran sa obligadong pagsusuot ng face mask para umano “bigyan ang bansa ng pagkakataong yumabong.” Ang pagdadahilang ito na ginawa para lituhin ang mamamayan at palabuin ang tunay na kalagayang panlipunan, ay dapat ilantad, batikusin at itakwil. Ang mabilis na paglubha ng kalagayang […]
Kabi-kabila ang pagbatikos ng mga grupo ng manggagawang pangkalusugan sa pagtatalaga ni President Ferdinand Marcos Jr kay Camilo Cascolan, dating hepe ng Philippine National Police, bilang undersecretary ng Department of Health (DOH). Giit ng grupong Health Alliance for Democracy (HEAD), tahasan itong militarisasyon sa serbisyong pangkalusugan. “Ang pagtatalaga kay Cascolan habang mayroong napakaraming iba na […]
The Marcos government yesterday announced plans to lift the mandatory face mask policy, purportedly “to give our country the opportunity to thrive.” This reasoning was made to confuse people and obscure social realities, and must be exposed, criticized and rejected. The rapidly deteriorating social conditions of the people and heightening economic crisis have nothing to […]
Mariing kinundena ng All UP Workers Union-Manila/PGH sa isang pahayag noong Agosto 28 ang panukalang kaltas sa badyet ng Philippine General Hospital sa taong 2023. Sa isinumite ng Department of Budget and Management na panukalang pambansang badyet sa Kongreso, binasawan ng rehimeng Marcos nang ₱890 milyon ang badyet ng ospital mula sa ₱6.302 bilyon ngayong […]
Nagpiket ang mga manggagawang pangkalusugan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Heart Center (PHC) sa harap ng NKTI sa Quezon City kahapon, Agosto 12. Iginigiit nila ang kagyat na pamamahagi ng One COVID-19 Allowance (OCA) para sa mga manggagawang pangkalusugan. Sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW), pinuna nila ang Department […]
Sa pangatlong taon ng pandemya, nasa 71.5 milyong Pilipino (o 65%) pa lamang ang naturukan ng dalawang dosis ng bakuna. Hindi nito abot ang mababa na ngang target na 78.1 milyon o 70% ng populasyon. (Sa maraming bansa, itinaas na ang target tungong 90% ng populasyon, kabilang ang mga bata.) Mas mababa pa ang nabigyan […]
Inianunsyo ng Cuba noong Hulyo 20 na papasok na sa Phase III ng clinical trial ang gamot na NeuroEPO (komersyal na pangalan: NeuralCIM), ang gamot na pinaunlad sa Cuba laban sa sakit na Alzheimer’s. Sisimulan ang trial sa Setyembre o Oktubre sa mga pasyenteng dumaranas ng mild o moderate (hindi malalang sintomas) na Alzheimer. Ayon […]
Sumiklab ang mga protesta sa mayor ng mga syudad sa US mula Hunyo 20 matapos baligtarin ng Korte Suprema ng US ang batas na nagtitiyak sa karapatan ng kababaihan na magkaroon ng opsyon sa aborsyon. Liban sa malalaking rali sa labas ng Korte Suprema sa Washington DC, nagkaroon ng mga pagkilos sa New York City, […]
Dalawang taon na matapos marahas na binuwag, inaresto at iligal na idinitine ng mga pulis ang 21 maralita na naggigiit ng kanilang karapatan sa pagkain at ayuda. Noong Hunyo 7, ipinawalangsala sila sa kasong paglabag sa mga alituntunin ng “enhanced community quarantine” o ECQ, ang pinakamahigpit at pinakamilitarisadong antas ng lockdown na ipinataw ng rehimeng […]
Maituturing na tagumpay ang desisyon ng Regional Trial Court sa Marinduque noong Mayo 16 na nag-utos sa Marcopper Mining Corporation na magbayad ng danyos nang hanggang ₱10 milyon para sa insidente ng mine spill noong 1993. Gayunpaman, hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ang paulit-ulit at matagalang mga pinsalang idinulot ng pagmimina ng kumpanya sa […]