Archive of International

Pasalubong ni Marcos mula sa US: Mas mahigpit ng ugnayang neokolonyal
May 10, 2023

Kabi-kabila ang mga pangakong “pakikipagtulungan” at pamumuhunan ang inuwi ni Ferdinand Marcos Jr mula sa kanyang pangalawang byahe sa US. Buong ipinagmamalaki niya ang mga nalimos niyang luma at bagong “bentahe, “mula sa mga armas at gamit pandigma, pagbabahagianan ng inteledyens, kapital at pamumuhunan, puhunan sa edukasyon hanggang sa programa sa pangangalaga ng hayop (veterinary). […]

Pagtatagpong Biden-Marcos, rehabilitasyon ng pamilya ng diktador sa US
May 10, 2023

Noong dekada 1980, isa ang noo’y senador na si Joseph Biden sa pinakamaingay na kritiko ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr at ang tagasuporta nito sa US na administrasyong Reagan. Pero hindi nagmula ang kanyang pagtutol sa diktadura sa pagsisimpatya sa mamamayang Pilipino kundi sa alanganing kalagayan ng noo’y mga base militar ng US […]

Pandaigdigang Araw ng Aksyon Laban sa G7, ipinanawagan
May 09, 2023

Nanawagan ang International People’s Front sa mga demokratiko at progresibong grupo sa buong mundo na magsagawa ng mga pagkilos at pagtitipon bilang protesta sa nakatakdang pagpupulong ng G7 sa Japan sa Mayo 19-22. “Sa pamumuno ng US, gumagamit ang G7 ng mga sangsyon, lakas militar, interbensyon, agresyon, pananakop at gera para ipataw ang isang internasyunal […]

Pakikipagpulong ni Marcos kay Biden sa US, hinabol ng protesta
May 03, 2023

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-USA para batikusin ang pagpunta ni Ferdinand Marcos Jr sa US at pakikipagpulong niya sa hepe ng imperyalistang US na si Joe Biden mula Abril 30. Magtatagal si Marcos Jr ng apat na araw sa bansa para maglamyerda at ibugaw […]

Agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal, binatikos
April 29, 2023

Binatikos ng pambansa-demokratikong grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang naiulat na agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa BRP Malapascua, barkong Pilipino, na papunta sa Ayungin Shoal. Ayon sa grupo, “walang kahit anong karapatan ang China na harangin ang akses ng Pilipinas sa sarili nitong exclusive economic zone (EEZ)”, kung saan bahagi ang […]

AFP, humingi ng dagdag na baseng EDCA para sa "proteksyon"
April 29, 2023

Kinumpirma kahapon, Abril 28, ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines ang planong dagdagan pa ang siyam nang “lokasyong EDCA” o mga base militar ng US sa bansa. Sa isang panayam, binigyang-katwiran ito ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP, sa pagsasabing kailangan ng Pilipinas ng “360-degree” o lahatang-panig na proteksyon. Kabalintunaang panawagan ni […]

Mahigit 100, patay sa karumaldumal ng pambobomba sa Myanmar
April 19, 2023

Nasa 110 ang naitalang patay sa kahindik-hindik na pambobomba ng hunta militar ng Myanmar sa isang pagtitipon ng mamamayang Karen sa Pazi Gyi sa bayan ng Kantbalu, rehiyon ng Sagaing noong Abril 11. Sinundan ang pambobomba ng pang-iistraping ng helikopter na pangkombat, na nagdulot ng dagdag na mga kaswalti sa mga nagsumikap iligtas ang mga […]

Pagbisita ni US President Biden sa Ireland, binatikos
April 15, 2023

Nagprotesta sa Dublin, Ireland ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Anti-Imperialist Action Ireland (AIAI) noong Abril 12 kaugnay ng pagbisita ni US President Joe Biden. Ayon sa AIAI, ang pagbisita ng punong hepe ng imperyalistang US ay bahagi ng pagdadawit sa Ireland para maging bahagi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at hatakin sa […]

Aerial bombing sa Bastar sa India, binatikos
April 14, 2023

Kinundena ng mga Adivasi (mga katutubong mamamayan) sa distrito ng Bastar sa estado ng Chhattisgarh, India ang panibagong serye ng aerial bombing sa kanilang mga komunidad noong Abril 7. Ayon sa mga ulat ng midya, binomba ang mga komunidad ng Jabbagatta, Meenagatta, Kavargatta at Bhattiguda. Hinihinalang gumamit ang estado ng India ng mga drone para […]

Mga armadong opensiba sa India sa nakaraang 5 taon
April 14, 2023

Nagtasa kamakailan ang Central Military Commission (CMC) ng Communist Party of India-Maoist kaugnay sa mga opensiba ng hukbang bayan sa India laban sa Oplan Samadhan, ang kampanyang panunupil ng reaksyunaryong estadong Indian. Ayon sa CMC, nakapaglunsad ang People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), ang armadong hukbo ng CPI-Maoist ng 1,300 taktikla na opensiba sa nakaraang limang […]