Archive of Peasants

Pandarahas ng mga sundalo sa mga magsasaka sa Masbate, walang awat
August 16, 2023

Magkakasunod na kaso ng karahasan at paglabag sa karapatang-tao ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naitala sa mga bayan ng Mobo at Uson sa Masbate mula Agosto 5 hanggang Agosto 6. Hindi alintana ng AFP na ginugunita ngayong Agosto ang International Humanitarian Law. Dagdag ang mga kaso ng karahasang ito […]

Pagkakaisa ng mga magtutubo sa Batangas, pinagtibay
August 15, 2023

Higit 1,000 magtutubo, kasapi ng demokratikong organisasyon at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka ang nagtipun-tipon sa isang solidarity mission sa Barangay Calantas, Calaca City, Batangas noong Agosto 13. Ang aktibidad ay pagpapamalas ng kanilang pagkakaisa laban sa militarisasyon ng 59th IB sa kanilang mga komunidad at para igiit ang pagbibigay ng sapat na suporta […]

Hedkwarters ng 2nd Infantry Battalion, matagumpay na napaalis ng mamamayan sa Milagros
August 14, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Dulot nang hindi na maatim na epekto sa kabuhayan at pangamba sa buhay, ispontanyong kumilos ang mga mamamayan sa bayan ng Milagros upang palayasin ang punong himpilan ng 2nd Infantry Battalion-Philippine Army na nakabase sa naturang bayan. Ayon sa nakuhang ulat ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate, nagtipon sa bulwagan ng munisipyo ang mga residente ng […]

Babaeng lider-magsasaka sa Isabela, hindi nagpapatinag sa 502nd IBde
August 13, 2023

Buong-tapang na tumitindig at lumalaban ang isang may-edad nang babaeng lider-magsasaka sa harap ng panggigipit sa kanya at kapwa niyang magsasaka sa prubinsya ng Isabela. Sinugod ng apat na sundalo ng 502nd IBde ang bahay ni Ka Reolita Rivera, lider magsasaka, sa bayan ng Angadanan noong Agosto 8. Ayon sa mga ulat, isinailalim si Rivera […]

Laban sa "Golden Rice," tumuntong sa ika-10 taon
August 10, 2023

Nagtipun-tipon noong Martes, Agosto 8, ang mga magsasaka, syentista at iba pang sektor sa prubinsya ng Albay upang gunitain ang isang dekada ng pagtutol ng mamamayan sa kontrol ng mga korporasyon sa binhi, teknolohiya, lupa at karapatan ng mga magsasaka sa mga barayti o uri ng pananmin sa kanilang mga sakahan. Noong Agosto 8, 2013, […]

Pagpatay sa NDFP konsultant, wala pa ring hustisya pagkatapos ng 3 taon
August 10, 2023

Nagprotesta sa harap ng Department of Justice ang mga myembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ngayong araw, Agosto 10, para kundenahin ang kawalang pag-usad sa kaso ng pagpaslang kay Randall Echanis at nagpapatuloy na kawalang hustisya sa bansa. Tatlong taon na ngayong araw mula nang brutal […]

₱100 dagdag-sahod, itinulak sa Region 7
August 10, 2023

Nagpiket kahapon, Agosto 9, ang mga manggagawa sa harap ng Department of Labor and Employment sa Cebu City para ipanawagan ang kagyat na pagpapatupad ng dagdag-sahod sa syudad. Kasabay nito, isinumite nila ang petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Central Visayas para sa ₱100 pagtaas ng minimum na sahod sa Region 7. […]

Mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita, muling iginigiit ang kanilang karapatan sa lupa
August 10, 2023

Nagtungo sa Mendiola noong Agosto 8 ang mga manggagawang-bukid sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), kasama ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), para muling igiit ang kanilang karapatan sa Hacienda Luisita. Ang aksyong protesta ay kasabay ng paghahapag ng kanilang mga abugado ng motion for reconsideration para […]

Bahay ng lider-magsasaka sa Tarlac, pinagbabaril
August 08, 2023

Ilang ulit na nagpaputok ang hindi kilalang mga indibidwal sa labas ng bahay ng lider-magsasakang si Alvin Dimaracut sa Tarlac noong Agosto 6, alas-10 ng gabi. Ayon sa ulat ng Malayang Samahan ng mga Magsasaka sa Tinang (Makisama-Tinang), inikutan ng mga indibidwal na nakasakay ng motor at isang kotse sa bahay at huminto sa tarangkahan […]

Walong magsasaka sa Negros Occidental, dinakip ng 15th IB
August 06, 2023

Iligal na inaresto ng mga sundalo ng 15th IB ang walong magsasaka sa Sityo Tugas, Barangay Pinggot, Ilog, Negros Occidental noong Hulyo 29. Malisyosyong idinadawit ang walo sa isinagawang armadong opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang bayan noong Enero 28. Ang walong biktima na kinilala bilang sina Allen Fica, (35 anyos), Alfonso Fica […]