Archive of Southern Tagalog

Panawagan sa mga patriyotikong sundalo at pulis: pumanig sa mamamayan!
February 08, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Ngayong 2024, tuluyang nalantad sa taumbayan ang biyakan ng nangungunang paksyon ng naghaharing uri na mga Marcos at Duterte. Garapalan na ang kanilang mga siraan, labasan ng baho at pagpapakita ng lakas (show of force) mula sa dating pailalim na iringan. Mayroon ding mga lihim at lantarang galawan sa militar at pulitika para maungusan ang […]

Manggagawang pangkultura, mag-aral, magsikhay lumikha ng rebolusyonaryong sining at panitikan!
February 08, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Artista at Manunulat ng Sambayanan-Southern Tagalog (Balangay Racquel Aumentado) | Nika Antares | Spokesperson |

Masiglang sinasalubong at ipinagdiriwang ng ARMAS-TK ang Pebrero bilang buwan ng Sining at upang bigyan ng pinakamataas na parangal at pagpupugay si Kasamang Jose Maria Sison sa kanyang inspirasyon at iniwang pamana bilang makata, rebolusyonaryo at pangulong tagapagtatag ng PKP. Walang kasing halagang kabang yaman para sa lahat ng mga artista, manunulat at manggagawang pangkultura […]

Ipagbunyi ang tagumpay ng NPA laban sa pasistang 80th IBPA! Ilantad ang kasinungalingan ng AFP!
February 07, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Noong Enero 31, ganap na 5:10 ng umaga, binigwasan ng NAAC-NPA-Rizal ang tropa ng 80th IBPA sa Mt. Balagbag, Barangay Lukutang Malaki, Rodriguez, Rizal. Tatlo ang kumpirmadong patay (kumpara sa isa na nauna naming naiulat) sa hanay ng pasistang tropa habang ligtas na nakaatras at walang ni anumang pinsala ang yunit ng NPA. Mula Nobyembre […]

Ipagtanggol ang kalayaan at karapatan! Buwagin ang NTF-ELCAC!
February 07, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ikinagagalak ng NDFP-ST ang rekomendasyon ni UN Special Rapporteur (SR) on Free Expression and Opinion Irene Khan na pagbuwag sa NTF-ELCAC at pagbubuo ng patakaran kontra red-tagging matapos ang kanyang 10-araw na bisita sa bansa. Higit nitong palalakasin ang lehitimong panawagan mula sa mga progresibo at mga organisasyong nagtatanggol sa karapatan at kalayaan ng mamamayang […]

Doble-karang mukha ng berdugong AFP at 59th IBPA, kinasusuklaman ng mamamayan ng Batangas
February 07, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Batangas (Eduardo Dagli Command) | Gregorio Caraig | Spokesperson |

Tila ibang mukha ng 59th IBPA ang mababakas sa kanilang huling mga pahayag matapos ang naganap na labanan sa Barangay Guinhawa, Taysan nitong nakaraang Pebrero 2. Nagtangkang maging malumanay at animo’y pagpapaawa sa publiko, lalo na sa mamamayan ng Barangay Guinhawa ang pahayag ng 59th IBPA. Pero tulad ng isang hunyango, magbago-bago man ang anyo […]

Labanan ang makadayuhan at anti-mamamayang Cha-Cha at huwad na People's Initiative! Isulong ang tunay at makabuluhang interes ng mamamayang Pilipino!
February 05, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Batangas | Ma. Gliceria Rosal | Spokesperson |

Umabot na sa Batangas ang “people’s initiative” na binabalahura at ginagamit ngayon ng mga alipores ni Marcos Jr upang baguhin ang konstitusyon ng papet na Republika ng Pilipinas. Sa halip na matapat na paliwanagan hinggil sa tunay na layunin ng papeles na pinapipirmahan, tinatakot o di kaya’y nililinlang ang mamamayan sa pagsasabing para ito sa […]

Panlilinlang at panlalason ng 59th IBPA sa mga unibersidad at kolehiyo sa Batangas, tungkuling labanan ng laksa-laksang kabataan at estudyante
February 05, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Kabataang Makabayan-Batangas | Edrian Hernandez | Spokesperson |

Sa desperado nitong panaginip na wakasan ang rebolusyonaryong kilusan at pigilan ang pagkamulat ng mga kabataan, di-mabilang na ulit na tinangkang linlangin ng 59th IBPA, AFP-PNP at NTF-ELCAC ang libu-libong estudyante sa porma ng mga ‘symposium’ sa iba’t-ibang kolehiyo at pamantasan sa lalawigan ng Batangas. Ilan lamang dito ang Batangas State University, TUP Batangas, PUP […]

Dismayadong-dismayado ang mga tsuper sa e-jeep
February 03, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Balitang-balita kamakailan ang panununog ng apat na lalaking nakatakip ang mukha sa isang pampasaherong e-jeep (o minibus) noong Enero 31 ng gabi sa Dahican sa Catanauan. Hanggang ngayon ay hindi pa alam kung sino ang nasa likod ng naturang panunonog. Bagaman wala pang pinanghahawakang ebidensya, nagpahayag ang mga nag-iimbestigang pulis na may kinalaman ang panununog […]

Matagumpay na Pagbigwas sa 80th IBPA, ipinamalas ng NAAC-NPA-Rizal
January 31, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Matagumpay na tinambangan ng NAAC-NPA-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng bayarang 80th IBPA ganap na 5:10 ng madaling araw, Enero 31, 2024 sa Lukutang Malaki, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal. Nagresulta ito sa pagkamatay ng isang sundalo at pagkasugat ng dalawa pa habang wala naman napinsala sa panig ng mga Pulang mandirigma. Matatandaan na mula pa […]

Labanan ang inhustisya at pangangamkam ng lupa, isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon
January 28, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ginugunita ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987. Iniresulta ng masaker ang 13 magsasakang patay at higit 60 sugatan sa isang protesta para igiit ang lupa, karapatan at hustisya sa ilalim ng rehimeng US-Aquino I. Muling inaalaala at binibigyang pugay ng NDFP-ST at mamamayan ng TK ang mga […]