Tinatayang 7,000 drayber at rider (mga nagdedeliber na nakamotorsiklo o bisikleta) ng Lalamove ang lalahok sa “strike booking” o hindi pagtanggap ng trabahong deliberi ngayong araw, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. Layon nilang iprotesta ang hindi makataong pamamalakad ng kumpanya at igiit ang kanilang panawagan para sa makatarungang […]
Mahigit 4,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa isa na namang serye ng mga tanggalan sa Mactan Export Processing Zones (MEPZ) noong Hulyo 19. Bago nito, mahigit 8,000 na ang sinisante sa loob ng sona ng paggawa noong Setyembre 2022 at Setyembre 2020 sa pagdadahilang “nalulugi” ang mga kumpanya. Sa ulat ng Alyansa sa mga […]
Naglunsad ngayong araw ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para igiit ang dagdag-sahod at pagbibigay ng mga naantalang alawans at para ipahayag ang pagtutol sa planong pag-abolish sa RITM ng rehimeng Marcos Jr. Anila, magdudulot ng malawakang tanggalan ang planong pag-abolish sa RITM para bigyang daan ang pagtatayo […]
Isang hakbang tungo sa gerang nukleyar ang sadyang ginawa ng US nang ipalayag nito sa karagatan ng Korea ang isang submarinong nagdadala ng mga armas nukleyar nitong Hulyo 18. Ibinalita sa iba’t ibang pahayagan ang kauna-unahang pagdaong ng naturang submarino sa Busan, South Korea sa loob ng apat na dekada. Huling nagpadala ng gayong submarino […]
Ikinasa ng mga manggagawa ng Hollywood, katawagan sa industriya ng entertainmet sa US, ang kanilang welga noong Hulyo 14 matapos ang ilang buwang negosasyon sa malalaking kumpanya na kinakatawan ng Alliance of Motion Picture and Television Producers (AMPTP). Ang mga aktor at iba pang manggagawa ay bahagi ng Screen Actors Guild – American Federation of […]
Nagprotesta ang sinisanteng mga manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa restawran ng kumpanya sa Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US noong Hulyo 6. Inilunsad nila ang pagkilos matapos magsumite ng reklamo sa US National Labor Relations Board noong nakaraang linggo at planong pagsumite ng sulat sa maneydsment ng Jollibee na tinanggihan ng […]
Binatikos ng grupong Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) ang inilunsad ng “konsultasyon” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at opereytor ng dyip kahapon, Hulyo 7, sa Camp Karingal sa Quezon City. Imbes na kapakanan ng sektor ang pag-usapan, paninira sa mga progresibong grupo ang naging […]
Tinatayang aabot sa kalahating milyong Koreano ang lalahok sa dalawang linggong welgang bayan sa Korea sa pangunguna ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) laban sa rehimeng Yoon Suk-yeol na nagsimula noong Hulyo 3 at tatagal hanggang Hulyo 15. Iginigiit ng mga unyon ang pagbaba sa pwesto ng anti-manggagawa at maka-negosyong si Yoon, pagpapahinto sa […]
Inianunsyo kahapon ng Department of Labor of Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng kakarampot na ₱40 na dagdag-sahod o katiting na 7% pagtaas sa National Capital Region matapos desisyunan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang hiling ng mga manggagagawa. Ayon sa sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU), “tinipid at binarat […]
Nakiisa ang mga manggagawang Pilipino sa manggagawang Koreano sa kanilang laban sa tumitinding panunupil ng estadong Korean at di makataong kundisyon sa paggawa sa South Korea. Nakiisa sila, kasama ang International League of People’s Struggles, sa Korean Construction Workers Union (KCWU) at sa Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) sa pakikibaka ng mga ito sa […]