Archive of Youth & Students

Koordinadong protesta para sa karapataan at kalayaan, inilunsad ng mga estudyante
November 18, 2023

Naglunsad ng koordinadong pagkilos ang mga kabataan at estudyante sa 16 na sentro ng protesta sa bansa noong Nobyembre 17 para gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Estudyante. Tampok ang pagkilos ng mga estudyante sa University of the Philippines (Diliman, Manila, Los Baños, Tacloban, Iloilo at Mindanao), Polytechnic University of the Philippines, Ateneo de Manila […]

Lider-kabataan sa Bulacan, ginigipit ng militar
November 16, 2023

Pinuntahan ng anim na sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bahay ng lider-kabataan ng Anakbayan-Bulacan na si Kristel Asilom noong Nobyembre 11 upang siya’y sindakin at gipitin. Hinanap si Asilom sa kanyang tiyuhin para “pangaralan,” patigilin sa pakikialam niya sa mga isyung panlipunan at paalisin sa progresibong kilusan. Ipinakita pa ng mga […]

Hustisya para sa pagkamatay ng isang estudyante ng Rizal Technological University, ipinanawagan
October 29, 2023

Nagsama-sama ang mga estudyante ng Rizal Technological University (RTU) sa kampus nito sa Mandaluyong City noong Oktubre 27 para magtirik ng kandila at manawagan ng hustisya sa pagkamatay ng estudyante sa grade 7 na si Yuwan Lorenzo Magdato. Si Magdato, 12 taong gulang, ay nagpatiwakal noong Oktubre 19 dahil sa isyu sa kanyang pag-aaral. Sa […]

Panunupil ng UST sa mga estudyante, binatikos
October 27, 2023

Nagprotesta ang estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) noong Oktubre 25 para batikusin ang panggigipit ng administrasyon ng UST sa kasapi ng isang samahang kabataan. Ipinatawag ng administrasyon ang lider ng grupong Anakbayan-UST na si Allen Marc Ballesteros dahil sa paglabag diumano niya sa UST Code of Conduct PPS1027 na nagbabawal sa pagsali sa […]

Panggigipit sa pahayagang pangkampus sa Leyte, binatikos
October 25, 2023

Kabi-kabilang pagbatikos ang kinaharap ng administrasyon ng Leyte Normal University (LNU) sa Tacloban City matapos gipitin nito ang pahayagan ng mga estudyante na An Lantawan. Noong Oktubre 23, nakatanggap ang pahayagan ng atas mula sa administrasyon na nagbabawal sa paggamit ng logo at pangalan ng kanilang publikasyon dahil hindi sila diumano “accredited.” Ayon sa mga […]

Niratsadang panukalang badyet sa pasismo at kurapsyon, binatikos ng kabataan
September 30, 2023

Naglunsad ng koordinadong protesta ang mga estudyante sa pitong pribado at pampublikong unibersidad sa Metro Manila noong Setyembre 29 para batikusin ang batbat sa korapsyon at niratsadang panukalang badyet para sa 2024. Sa pangunguna ng mga progresibong organisasyon tulad ng League of Filipino Students, ipinabatid nila ang pagkabahala sa napakalaking pondo para sa confidential at […]

AFP, kidnapper at sinungaling!
September 24, 2023

Naglunsad ng raling-iglap ang kabataan sa ilalim ng Anakbayan at iba pang grupo sa harap ng Camp Aguinaldo kahapon, Setyembre 23, para kundenahin ang pagdukot o pagkidnap, detensyon at pamimilit sa dalawang aktibistang pangkalikasan na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Kinundena din nila ang mga kasinungalingang patuloy na ipinalalaganap ng militar matapos matapang na […]

NTF-ELcac-AFP-PNP, mistulang mga basang sisiw matapos ang inilunsad na press conferece para sa dalawang organisador ng mangingisda
September 20, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | NDF-Camarines Norte | Kabataang Makabayan-Camarines Norte |

Mistulang mga sisiw na binuhusan ng malamig na tubig ang mga opisyal ng NTF-Elcac-AFP-PNP sa kalagitnaan ng kanilang inilunsad na press conference para kina Jhed Tamano at Jonela Castro, matapos ang matapang na pagbubunyag ng dalawang aktibista ng tunay na nangyari sa kanila mula sa kamay ng NTF-ELCAC at AFP. Matatandaang dinukot ng mga mersinaryong […]

Mga mag-aaral ng Ateneo sa iba't ibang kampus, nanindigan laban sa mandatory ROTC
September 16, 2023

Magkasunod na protesta ang inilunsad ng mga estudyante ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) at Ateneo de Davao University (AdDU) kahapon at ngayong araw bilang paninindigan laban sa pagpapatupad ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa bansa. Inilunsad ito kaugnay ng nalalapit na pinal na pagdinig ng panukalang Mandatory ROTC sa Senado sa Setyembre […]

Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon
September 14, 2023

Para ipakita ang nag-aalburutong galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol. “31st IB, layas! Mamamatay-tao!” “AFP Terorista!” “Oust Marcos Jr!” ang ilan sa matatapang na salitang ipininta […]