Naglunsad ng pagkilos ang mga grupong estudyante noong Nobyembre 4 sa harap ng Far Eastern University sa Morayta Avenue sa Lungsod ng Maynila. Kinundena nila ang panggigipit at napipintong pagsipa sa tatlong estudyanteng kinasuhan ng unibersidad ng “mga akto ng subersyon at insurhensya, tulad ng paglulunsad ng di awtorisadong mga demonstrasyon…” Ang tinutukoy nitong mga […]
Pinatampok ng lubos na pagbubukas ng face-to-face (F2F) harapang klase sa mga paaralan noong Nobyembre 2 ang lala ng krisis ng batayang edukasyon sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan ang bumulagtang mga problema sa mga eskwelahan at hindi lahat ang kinayanang magbukas. Ibinunyag ng ng Alliance of Concerned Teachers of the Philippines ang maraming kaso ng kung […]
Mariing kinukundena ng mga grupong estudyante ang hakbang ng administrasyon ng Far Eastern University na pagbawalan ang tatlong estudyante na mag-enrol sa susunod na semestre dahil sa paglahok nila sa mga aktibidad noong Setyembre 21. Sa salaysay ng mga grupo, nagkaroon ng serye ng mga akbibidad sa loob ng unibersidad para gunitain ang lagim ng […]
Sa paggigiit at panawagan ng mga kasapi ng komunidad ng LGBT+ sa Capiz State University (CAPSU) sa Roxas City, kinilala ng administrasyon ng unibersidad ang karapatan ng mga LGBT+ at mag-aaral sa kanilang identidad. Simula noong Oktubre 17, pinahintulutan ang mga mag-aaral ng CAPSU na pumasok kahit mahaba ang kanilang mga buhok, may kulay o […]
Pinakabago sa mga pakana ng pagbabaluktot ng kasaysayan ang pagtatanggal ng terminong ‘batas militar’ sa lahat ng mga aklat at kurikulum sa paaralan at pagpalit dito ng ‘bagong lipunan’. Ang usaping ito ay hindi lamang simpleng isyu ng semantika. May pulitika ang mga salita. Sa pagpapalit-termino, itinatatwa rin ang kasaysayan at iniralang konteksto ng orihinal […]
Latest among the maneuvers to distort history is the attempt to replace the term ‘martial law’ with ‘new society’ in all books and across all school curricula. The issue here is not simple semantics. Words are political. By changing the terminology, the history and context in which the word was originally used is lost. This […]
Simula pa lamang ng pangangampanya ni Sara Duterte para sa pagka-bise presidente, inihanay na niya sa kanyang pangunahing adyenda ang pagsasabatas ng mandatoryong ROTC sa Senior high school. Aniya, para umano maging makabayan ang mga kabataan. Ngunit para saan at para kanino ba talaga ang ROTC? Sasanayin ang kabataan para gawing sunud-sunuran ng mga naglalaway […]
From the very beginning of Sara Duterte’s bid for vice presidency, she already declared among her priority agenda the mandatory ROTC for Senior high school. Supposedly, it will instill patriotism among the youth. But for whom and for what ends is ROTC in reality? The youth will be trained to be servile subordinates of generals […]
Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) at gubyernong Marcos na kagyat na isaayos ang mga eskwelahang nasira dulot ng superbagyong Karding na tumama sa malaking bahagi ng bansa noong Sabado at Linggo. Ayon sa ACT, dapat mabilis na ayusin ang mga nasirang eskwelahan dahil makaaapekto ito sa 100% harapang […]
Ginugunita ng sambayanan ang ika-50 taon ng Batas Militar ng 1972 sa harap ng trahedyang nakapanumbalik sa kapangyarihan ang pinalayas na pamilyang Marcos. Pangulo na ang anak ng diktador na si Bongbong Marcos. Nasaksihan ng sambayanan kung paano siya sinuportahan ng malalaking burukrata kapitalista at imperyalistang US upang makaupo sa pwesto. Simula pa lamang sa […]