Bukas na liham sa mga kabataan ng Cordillera

Kumusta mga kasama?
Isang mataas na pulang bagbati sa inyo!
Balita ko ngayong taon ay marami kayong napagtagumpayan na laban para sa kabataan ng Kordilyera. Hindi ko na iisa-isahin baka mapahaba pa ang liham ko. Pero, you know it within yourselves kung ano ang mga naiambag niyo para sa pakikibaka ng sangkaestudyantehan at ng kabataan gaano man yan kalaki o kaliit ay ambag ‘yan sa rebolusyon na tinatahak natin.
Sa panahon na ito, alam ko na karamihan sa inyo ay nagagahol upang habulin ang inyong mga requirements dahil ilang buwan na lang ay graduation na. Sa panahon din na ito, alam ko ang ilan sa inyo ay may nakalatag nang mga plano pagkatapos lisanin ang burgis sa paaralan. Maaaring kayo ay nagsisimula nang maghanap ng trabaho, magbakasyon, o ‘di kaya ay kinokonsidera na magpultaym. May ilan na mukhang at lost pa kung ano ang gagawin, pero okay lang yan hehe.
Bilang mga kabataang aktibista ng kampus at lansangan, batid ko na sapat na ang kaalaman ninyo kung bakit kailangan ng Bagong Hukbong Bayan at ng armadong pakikibaka. Batid ko din na ramdam niyo ang mahalagang papel ng Kabataang Makabayan sa paggampan ng tungkulin upang magpalakas at magsulong ng pinakamataas na porma ng pakikibaka-ang tumungo sa kanayunan at lumahok sa digmang bayan.
Oo, hindi ito madaling tahakin. Naiintindihan ko na bilang mga peti-burges na nakatali sa mga burges na kaisipan-pagdududa, pangangamba, o pagdadalawang isip. Life in a semi-colonial and semi-feudal society is not that easy. Alam ko na alam niyo na iisa lang ang sagot dito. Kaya nga tayo narito sa landas ng mga hindi pangkaraniwan para baguhin ang hindi pagkapantay-pantay at ng lipunan. Narito tayo, nagpupuna at nagwawasto.
Agasem ngay, ilang taon na tayo hindi parint magapi-gapi. Kaya nasa kamay nating mga tagapagmana ng rebolusyon na isulong ang DRB hangang sa tagumpay. Kung kinaya ng mga nauna sa atin na magsakripisyo at tumugon sa panawagan na humawak ng armas para ipaglaban ang hustisya at kapayapaan ay lalong hamon sa atin na tumugon dito.
Mga Kabataang Makabayan, bukas na bukas ang bulubundukin ng Kordilyera. Hinihintay na kayo ng mga kasaman ng masa, at ng digmang bayan.
Kidawa Dayawen
Tagapagsalita ng KM-DATAKO
Balangay ng Ka Mando