Pahayag

Daan sa Kapahamakan ng Mamamayan ang Deklarasyong Insurgency Free ang CALABARZON

Insulto na nga ang pagdiriwang ng huwad na Independence Day noong June 12, ay pinasahol pa ito ng walang katapat na kabulastugan ng pagbibigay sa CALABARZON ng kategoryang “Stable Internal Peace and Security”.

Pinagpistahang mabuti ang naturang okasyon ng mga opisyal ng reaksyunaryong pamahalaan na pangunahing kinatawan ng pasismo at anti-mamamayang programa sa bansa gaya nina DILG Secretary Jonvic Remulla, NTF-ELCAC Director Ernesto Torres Jr. at Gobernadora Helen Tan na siya ring pangrehiyong pinuno ng Peace and Order Council. Naroon din ang mga heneral ng pasismo mula sa Southern Luzon Command (Solcom) ng AFP, 2nd Infrantry Division ng Philippine Army at Police Regional Office 4A.

Walang katotohanan ang istabilidad ng pangloob na kapayapaan at seguridad sa buong rehiyon, lalo na sa lalawigan ng Quezon, ang totoo ay mayroong mga batalyon ng sundalo na patuloy na naghahasik ng ligalig sa mga kanayunan kunsaan naroon ang maralitang magsasaka sa niyugan.

Hindi ang diumanong banta ng CPP-NPA-NDFP sa peace and order ang kinatatakutan ng rehimeng US-Marcos II, sa halip ay ang patuloy na pananalig ng mamamayang api sa tamang landas ng paglaban na pinamumunuan ng rebolusyonaryong kilusan.

Ito ang tunay na kalagayan ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon—ang nakikibakang mamamayan na hindi na makapagtiis sa krisis na dinaranas nila ngayon, at kumikilala sa pambansa demokratikong paglaban, armado man o sa ibang pamamaraan.

Walang ibang landas na pupuntahan ang selebrasyon sa kapitolyo ng Quezon noong nakaraang linggo kundi ang patuloy na pagtutol at paglaban ng maralitang mamamayan dahil wala namang pakinabang para sa kanila ang mga deklarasyong binitiwan.

Katunayan, matapos ideklara ni Gov. Helen Tan at 201st IBde ng Philippine Army noog June 12, 2023 ang insurgency free at SIPS category ng lalawigan, nagulantang sila sa matagumpay na ambus ng NPA laban sa 85th IBPA sa Tagkawayan pagdating ng September 1, 2023. Kahit nga hanggang ngayon, hindi nila maitatatwa ang presensya ng NPA at patuloy na pagtangkilik ng maralita sa kanayunan kagaya ng mga magsasaka sa niyugan at katutubo sa kabundukan ng lalawigan.

Hindi “road to peace”, kagaya ng binitiwan ni Lt. Gen. Cerilo Balaoro Jr. ng Solcom ang nakikita ng mamamayan ng Quezon na tatahakin nila pagkatapos ng bagong deklarasyon, kundi ay kapahamakan, ligalig at lalong kahirapan.

Makalipas ang walong taon na ibinibida ng Heneral, walang ekonomyang lumago sa lalawigan, walang istabilidad sa hanapbuhay at pamumuhay, at walang lumawak na oportunidad. Kung mayroong nakinabang, dili’t walang iba kundi ang pamilya ni Helen at Ronel Tan, mga kapwa nila burukrata at kontratista, at mga opisyal ng AFP at PNP na nasa kanilang payroll.

Hindi ito dapat palampasin ng mamamayan. Dapat tahakin ng sinumang nagmamahal sa tunay na kalayaan at kapayapaan ang landas ng paglaban sa panibagong pakana ng rehimeng US-Marcos II at lokal na kasapakat nito.

Hindi ito panahon ng pananahimik at pagpayag na diktahan ang pagsangayon sa bagay na hindi katanggap-tanggap. Dapat na lumahok at magbuklod sa mga samahang lalaban at magpapabagsak sa pasistang paghahari ng rehimeng US-Marcos II. Sumapi sa New People’s Army at sama-sama muling patunayan na hindi pa nawawala at hindi natapos ang armadong paglaban ng uring api sa lalawigan ng Quezon.

Daan sa Kapahamakan ng Mamamayan ang Deklarasyong Insurgency Free ang CALABARZON