Dalawang sundalo, patay sa magkasabay na haras ng BHB sa Samar!

,

Dalawang sundalo ang napatay sa magkasabay na operasyong haras ng Bagong Hukbong Bayan-Arnulfo Ortiz Command o BHB-AOC sa dalawang baryo sa San Jose de Buan, Western Samar noong Mayo 31.

Sa inisyal na ulat ng BHB-AOC, magkasabay na hinaras ng mga Pulang mandirigma ang mga tropa ng 87th Infantry Battaliob sa Brgy. San Nicolas at Brgy. Can-aponte sa nasabing bayan.

Tatlong Pulang mandirigma ang bahagyang nasugatan na kaagad ginamot ng mga medik.

Dalawang sundalo, patay sa magkasabay na haras ng BHB sa Samar!