Desisyon ng Korte Suprema sa impeachment ni Sara Duterte pagkitil sa demokrasya at paghadlang sa mamamayan na malaman ang katotohanan
Ang impeachment ay isang pulitikal na proseso para panagutin sa taong-bayan ang sino mang mataas na opisyal ng bansa sa kanilang accountability. Sa kabila ng malakas na demanda ng masa na panagutin si VP Sara Duterte sa maraming kaso nito, tila pinoprotektahan ng Korte Suprema ang mga Duterte lalo na si Sara Duterte matapos nitong magpalabas ng hindi na-aangkop, nakaka-insulto at hindi popular na desisyon. Ang mga hakbang ng Korte Suprema na hadlangan ang Kongreso at Senado sa paggampan sa mandato na paglilitis sa isang impeachment court ay isang “out right” na pag-abuso ng kaniyang kapangyarihan na hindi isinaalang-alang ang pagkamakatarungan ng pulitikal na prosesong ito at ang popular na opinyon ng madla mula sa iba’t-ibang sektor at grupo sa bansa.
Matindi ang pagnanais ng mamamayan na iharap si VP Sara Duterte sa impeachment court at mapanagot sa kinakaharap niyang mga kaso. Kung alalahin may pitong artikulo ang impeachment.
1. “Pakikipagsapakatan na patayin si Presidente Bongbong Marcos, kanyang asawang si Liza Araneta-Marcos, at si House Speaker Martin Romualdez” (ginawa ang pagbabanta noong Nobyembre 23, 2024 sa gitna ng pagdinig sa anomalya sa gastos sa confidential funds na inilaan sa kanyang opisina);
2. Korapsyon sa Php615.5 milyon sa confidential funds;
3. Korapsyon at panunuhol sa Department of Education;
4. Di-maipaliwanag na yaman at kabiguang isiwalat ang kanyang mga ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth;
5. Pagkakasangkot sa ekstra-hudisyal na pamamaslng sa Davao City;
6. Mga maniobrang destabilisasyon kabilang na ang pagboykot sa State of the Nation Address at pagharang sa mga pagdinig sa Kongreso; at
7. “Pangkalahatang kondukta” bilang bise presidente at pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
Nasa Kongreso na ang bigat kung papaano mapapanagot si VP Sara sa pamamagitan ng paghahapag ng mga ebidensya at tumpak na mga argumento. Kasunod nito, Senado na ang may pinal na desisyon kung hahatulang guilty o ipawalang-sala si VP Sara. Ang mahalaga, matuloy ang prosesong ito para malaman ng mamamayan ang buong katotohanan sa likod ng kanilang matagal na paghihintay.
Ilang buwan na ang lumipas at tila bola itong pinagpapasa-pasahan lang. Maliban dito may ilang senador pa na maki-Duterte na naglalayong pigilan sa umpisa pa lang ang impeachment sa pamamagitan ng pagpapabasura nito. At nitong huli nga ay pinatay na ng tuluyan mismo ng senado ang kasong impeachment na derektang pakahulugan ay pag-aabswelto kay VP Sara Duterte kung saan ang pinatitingkad na basehan ay ang nauna ng naging desisyon ng Korte Suprema at mga pagpapaikot-ikot sa hinabing teknikal na usapin. Marahil nakita na ng taong bayan ang buong pangyayari sa senado kung paano nagawa ng mga mapagkunwari ang pambabaluktot sa kung ano ang nakararapat.
Ang malakas at malawak na demanda at pagkilos ng mamamayang Pilipino ang makakatulong para maimpluwensyahan, mapamulat at mapwersa ang Senado at Kongreso na manindigan sa katotohanan at hustisya at tupdin ang katungkulang iniatas sa kanila.
Ang paggigiit na ibasura ang impeachment ay lalong maglilikha ng gusot sa pulitikal na proseso at magreresulta sa kawalan ng tiwala ng mamamayan sa sistema ng hustisya sa bansa. Lalo nitong ihinihiwalay ang rehimeng US-Marcos II, ang Korte Suprema at ang Senado dahil sa kanilang mga kontra-mamamayan, kontra-demokrasya at kontra-hustisyang mga hakbang. Pinapatunayan lamang nila kung kaninong interes ang kanilang pinangangalagaan at ang layong panatilihin ang status quo.
Dahil dito, tiyak na kakaharapin nila ang nag-aalab na damdamin ng galit at paniningil ng masa. Pinapatunayan lang din nito na walang aasahang katotohanan at hustisya sa ilalim ng rehimeng US-Marcos II. Higit sa lahat, lalo lang nitong itinutulak ang masa sa tamang landas ng pagkamit ng hustisya at tunay na pagbabago ng lipunang Pilipino na pagsulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Tanging sa paglulunsad lang ng armadong pakikibaka sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan kasama ang malawak na masa ang sagot sa pagkamit ng isang makatarungan at may hustisyang lipunan.
Panagutin si VP Sara Duterte sa kaniyang mga kaso!
Manindigan para sa katotohanan at hustisya!
Mamamayan sumulong sa landas ng Armadong Pakikibaka!