Digmang bayan ang sagot sa pasismo ng estado! Labanan ang militarisasyon sa Mindoro!
Hindi maipagkakaila na ang ginawang pambobomba ng AFP sa Sitio Mamara, Barangay Cabacao ay isang mapanlinlang, berdugo, at pasistang atake sa mga Mangyan-Iraya na naninirahan sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Ang sana’y makabuluhang medical mission ng Bagong Hukbong Bayan ay nauwi sa trahedyang ikinamatay ng hindi bababa sa tatlong batang Mangyan-Iraya, habang nasugatan naman ang ina ng mga nasawing bata, at ang pagkasawi ng isang estudyanteng nananaliksik na si Jerlyn Rose Doydora at pagdakip kay Chantal Anicoche.
Walang lehitimong dahilan ang 76th Infantry Battalion, 59th Infantry Battalion, 67th Infantry Battalion, at 5th Scout Ranger Battatlion, kasama ang apat na attack helicopter na naglaglag ng 12 bomba upang gumawa ng isang operasyon kundi sambahin at maging tuta ng mga malalaking korporasyon na ngayo’y asong parang uhaw sa hilaw na materyales at mga likas na yaman ng Mindoro. Dahil sa kanilang gahaman na operasyon, nauwi sa malubhang paglabag sa karapatan ng mga sibilyan at bata at sa International Humanitaran Law ang sana’y masiglang medical mission at makabuluhan at mapayapang pananaliksik ni Doydora at Anicoche upang malaman ang sitwasyon ng mga katutubong Mangyan at kung bakit may armadong pakikibaka.
Dagdag pa ang lantarang pamamasismo ng mga militar sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao upang malaman ang sitwasyon ng 769 na indibidwal mula sa 188 pamilya na ngayo’y bakwit sa Mataas na Paaralan ng Cabacao pagkatapos ng pangyayari. Sumasambulat ang madungis at mabahong mukha ng AFP sa kanilang mga ginagawa ngayon sa Abra de Ilog, na lantarang de facto na batas militar ang umiiral sa bawat araw na lumilipas.
Inilalantad nito ang pagiging hibang ng reaksyunaryong estado, na mas pipiliin pang magsagawa ng kampanyang teror laban sa sarili nitong mamamayan para lamang umangkop sa interes ng mga malalaking dayuhang kapitalista at mga naghaharing burgesya. Hindi maitatago ang koneksyon ng presensya ng AFP sa presensya ng mga minahan, mga ginagawang development project, at mga pinapatayong proyektong eko-turista at renewable energy.
Sa Barangay Cabacao mismo, nais gawing pook-turismo ang kweba ng Luyang Baga, na magsasaalang-alang ng mga palayan at palaisdaan ng mga Mangyan-Iraya sa lugar. Walang umpat din ang pagmimina sa ADI at sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, at Mamburao, sa pangunguna ng Agusan Petroleum. Namumuro rin ang Pieceland Corporation sa pagkagahaman sa ginagawang land-grabbing at food blockade sa komunidad ng mga Mangyan-Iraya sa Sitio Malatabako.
Palatandaan din ito na ipinagpapatuloy ng rehimeng US-Marcos II ang pag-iral ng malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan. Sa pagkontrol sa likas na yaman ng kanayunan at pagsupil sa makatarungang pakikibaka ng mamamayan para sa kanilang karapatan, pinapanatili ni Marcos ang burukrata kapitalismo na nagpapahintulot sa nagpapatuloy na imperyalistang agresyon at pyudal na pagsasamantala. Sa madaling sabi, ang patuloy na millitarisasyon sa Mindoro ay patunay na nananatiling bulok ang lipunan at kailangang baguhin sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan.
Nakikiisa ang Kabataang Makabayan sa Laguna sa rebolusyonaryong hangarin ng mamamayan ng Mindoro at ng Timog Katagalugan na biguin ang de facto Batas Militar sa Mindoro at wakasan ang nabubulok na sistemang malakolonyal at malapyudal sa bansa. Dapat tapatan ang reaksyunaryong dahas ng isang rebolusyonaryong pakikidigma upang mapuksa ang mga tunay na salot sa lipunan: ang mga imperyalista, mga burukrata kapitalista, malalaking burgesya komprador, panginoong maylupa, at ang lahat ng mga reaksyunaryong galamay nito tulad ng AFP at PNP.
Kaisa sa panawagang makamit ang hustisya sa mga biktima ng masaker sa Cabacao, nararapat lang na panagutin ang AFP at si Marcos sa kanialng inutang na dugo. Sisingilin natin ito sa pamamagitan ng digmang bayan, sa pangunguna ng mga makapangyarihang sandata ng masang api: ang Partido Komunista ng Pilipinas, ang Bagong Hukbong Bayan, at ang Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas.
Makakamit lamang ang rebolusyonaryong tagumpay sa pagkakaisang isulong ang demokratikong rebolusyong bayan. Susi ang papel ng kabataan para dalhin ang digmang bayan sa mas mataas na antas. Yakapin natin ang hamon na sumampa sa BHB at isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay! #
Hustisya para sa mga biktima ng pasistang estado!
Kabataan, tumungo sa kanayunan, isulong ang digmang bayan!