Pakikiisa ng KM-Laguna sa ika-53 anibersaryo ng NDFP
Nakikiisa ang rebolusyonaryong kabataan mula sa probinsya ng Laguna ngayong ika-53 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines at sa patuloy nitong pagbibigkis sa lahat ng mga uring inaapi’t pinagsasamantalahan.
Sa kabila ng tumitinding krisis panlipunan dulot ng umiigting na panliligalig ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo, higit na nahihinog ang sitwasyon para sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Itinutulak ng panggegera ng imperyalistang US at Zionistang Israel sa Iran at Middle East ang mga mamamayan para labanan ang gerang agresyon na ito at isiwalat ang mga epekto nito sa taumbayan—mula sa oil price shock hanggang sa pagtaas ng presyo ng iba 24pang pangunahing bilihin hanggang sa mga hindi siyentipikong mga patakaran na ipinatutupad ng rehimeng US-Marcos II, na imbes makatulong ay higit pang naglalagay sa mga mamamayan sa tagibang na sitwasyon.
Walang solidong suporta na natatanggap ang mga magsasaka, manggagawa, at mga malamanggagawa sa service sector mula sa rehimeng US-Marcos II para sana makasabay sa krisis na nararanasan ng bansa. Walang batbat ang mga emergency powers ni Marcos Jr. at ang ipinagmamalaki nitong milyon-milyong pondo pang-ayuda gayong hindi naman ito nararamdaman ng mga mamamayan. Ang totoo ay ipinapasa lamang ng rehimeng US-Marcos II ang pasanin sa mga mamamayan. Nakita na natin ito sa 4-Day Work Week na patakaran ng gobyerno para umano makapagtipid ng energy consumption at 100% distance learning na panukala ng Commission on Higher Education.
Sa probinsya ng Laguna, bago pa man ang panukalang 100% distance learning, nakararanas na ng pagsalig sa online na moda ng mga klase ang maraming mga paaralan tulad ng Laguna State Polytechnic University, UP Los Banos, Calamba City Colleges, PUP campuses, at marami pang iba dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at mga guro, dulot na rin ng tapyas sa pondo sa edukasyon.
Kaya naman, mahigpit na tinututulan ng mga kabataang estudyante ang panukalang 100% distance learning dahil higit lamang nitong patitindihan ang learning gap, at kalaunan ay posibleng mag-ambag sa learning crisis. Isasantabi ng panukalang ito ang mga estudyanteng walang maayos na akses sa internet, gadgets, at conducive spaces sa kani-kanilang mga tahanan. Walang konsultasyon at hindi lapat sa kalagayang ng mga kabataang estudyante at guro ang 100% distance learning. Gayundin, malaking adjustment ang kakailanganin ng mga guro para iangkop ang kanilang mga syllabus at lesson plans kung gagawing 100% online ang mga klase, lalo at wala rin namang plano ang rehimeng US-Marcos II para bigyan ng subsidy ang mga estudyante at guro. Walang konsultasyon at hindi lapat sa kalagayang ng mga kabataang estudyante at guro ang panukalang ito.
Sa kabila ng mga ito, nagpapatuloy ang pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan ng mga kabataan at estudyante sa probinsya. Sa pangunguna ng Kabataang Makabayan-Laguna, mas pinalalalim pa ang pakikipag-ugnayan at paglubog nito sa hanay ng mga kabataan at estudyante, higit lalo sa mga magsasaka, manggagawa, mala-manggagawa, maralitang lungsod, mangingisda, at iba pang mga inaapi’t pinagsasamantalahang uri sa probinsya ng Laguna.
Mas pinaiigting din ng Kabataang Makabayan-Laguna ang paghahanda nito para tumangan ng mas mabibigat na responsibilidad, kasama ang pagsusulong ng armadong pakikibaka, alang-alang sa higit na pagpapataas ng antas ng ating demokratikong rebolusyong bayan.
Kaya naman, himahamon natin ang lahat ng mga kabataan sa probinsya ng Laguna na naglalayon ng isang lipunang tunay na malaya mula sa anumang porma ng pang-aapi at pagsasamantala na tumungo kung saan pinakamahihirap ang sitwasyon ng mga mamamayan. Makipagkaisa at magbigkas laban sa pasista at korap na rehimeng US-Marcos II at isulong ang ating pambansa demokratikong rebolusyon hanggang sa tagumpay!
Mabuhay ang NDFP!
Mabuhay ang Kabataang Makabayan!
Mabuhay ang mamamayang nakikibaka!