Ipagdiwang ang ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan! Siyentista’t inhinyero, tumungo sa kanayunan!
Binabati ng Liga ng Agham para sa Bayan (LAB) ang lahat ng mga Pulang mandirigma sa ika-56 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan noong Marso 29, 2025. Para sa LAB, nagsisilbing rebolusyonaryong kamao ang Hukbo na dumudurog sa nabubulok na estado at nagpapaliyab ng armadong pakikibaka sa kanayunan. Ikinatutuwa namin ang bawat ulat ng mga matagumpay na tactical offensive, hakbang-parusa, at aktibong depensa ng BHB, gayundin kung papaano lumalawak at lumalalim ang rebolusyong agraryo at pagtatayo ng rebolusyonaryong pulang kapangyarihan sa kanayunan.
Ngayong araw, inaalala rin natin ang mga dakilang rebolusyonaryo mula sa ating sektor na naglaan ng kanilang buhay para sa masa at rebolusyon. Ang diwang rebolusyonaryo nila Aloysius Baes, Engr. Mon Ramirez, Jan Michael “Ka Simon” Ayuste, at marami pang iba ay nagsisilbing tanglaw para sa ating lahat. Kagaya nila, yakapin natin ang ating makasaysayang tungkulin na gamitin ang ating kasanayan at kaalaman para basagin ang paghahari ng imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo sa bansa, at isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon na may sosyalistang perspektiba.
Sa nakaraang taon, nagbunga ang ating kampanya para sa mas masiglang suporta sa BHB, mula sa pagbibigay-rekurso hanggang sa pagpapapunta sa kanayunan. Tuloy-tuloy pa rin ang kampanyang ito sa mga balangay ng LAB, salamat sa pagsisikap ng dumadaming kasapi ng ating rebolusyonaryong organisasyon. Sa pagpupursigi natin, siguradong maabot natin ang mas mataas na antas ng pagsuporta sa BHB at paggampan ng rebolusyonaryong tungkulin.
Ngayong ika-56 na anibersaryo ng BHB, ipamandila natin ang rebolusyong Pilipino! Siyentista, inhinyero, propesyunal, estudyante, paglingkuran ang sambayanan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!