Operasyon ng NPA, tagumpay

Ang artikulong ito ay may salin sa English

Matagumpay ang operasyong partisano na inilunsad ngayong araw, Pebrero 20, ng Santos Binamera Command (NPA-Albay) sa Barangay Cotmon, Camalig.

Dalawang sundalo ng 31st IBPA na namimili sa talipapa ng naturang barangay ang sinalakay ng mga Pulang partisano bandang alas-7:20 ng umaga. Agad na napatay sina PFC Mark June Esico at PFC John Dave Adcolin na kapwa kabilang sa security detail ng proyektong imprastruktura ng Centerways Construction sa Barangay Sulong ng naturan ding bayan. Nasamsam sa kanila ang isang pistolang kalibre .45.

Ang operasyon ay bahagi ng kampanyang pamarusa ng NPA sa mga yunit ng AFP at iba pang ahente ng estado na sangkot sa malulubhang paglabag sa karapatang pantao. Ang 31st IBPA na kinabibilangan ng dalawang tinarget na sundalo ay responsable sa napakaraming pasistang krimen laban sa mamamayan ng Albay, Sorsogon at Masbate.

Bahagi rin ito ng nagpapatuloy na pagbubunyi ng rebolusyonaryong kilusan sa rebolusyonaryong alaala at mga pamana ni Kasamang Jose Maria Sison.

Operasyon ng NPA, tagumpay