Pahayag

Pekeng engkwento sa Cataingan, nagdulot ng pangamba sa mga sibilyan

Kinukundena ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate ang muli na namang pagsaggawa ng pekeng engkwentro ng pwersa ng militar sa ilalim ng 2nd Infantry Battalion-Phil. Army na nagdulot ng pangamba at takot sa mga sibilyan. Naganap ang pakanang labanan sa Barangay Nadawisan, Cataingan kanina, alas-5 ng umaga, Abril 23, 2025. Pinagyayabang pa ng militar ang umanoy mga nakuha nilang mga kagamitang militar tulad ng bomba at baril.

Pinangangambahan ng mga sibilyan na madamay sa mga ginagawang mga pakanang engkwentro ng militar. Laluna makailang ulit nang idinadamay ng pwersa ng reaksyunaryong estado ang mga sibilyan upang takpan ang kanilang kabiguang masukol o tuluyang madurog ang NPA at buong rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya. Ibinabaling rin ng militar sa mga sibilyan ang kanilang galit sa tuwing nabibigo o napipinsalaan sila sa kanilang ilinulunsad na mga operasyon laban sa NPA.

Habang papalapit ang araw ng halalan, dapat maging mapagbantay at alerto ang masang Masbatenyo dahil tiyak, gagamiting pagkakataon ng militar ang panahong ito upang maglunsad ng malawakang pakanang atake laban sa mga sibilyan.

Sa mga pakanang ito, ninanais ng pwersa ng reaksyunaryong estado na ipakitang naghahasik ng kaguluhan ang NPA. Papalabasing nananatiling nasa hotspot o hindi matiwasay ang magiging halalan sa prubinsya. At sa mga pakanang ito palaging isinasapanganib ng militar ang buhay ng mga ordinaryong mamamayan.

Dapat kumilos ang masang Masbatenyo upang ilantad at labanan ang kahangalan at di makatarungang gerang ilinunlunsad ng reaksyunaryong estado ni Bongbong Marcos Jr, AFP at PNP laban sa mamamayan sa ilalim ng di deklaradong batas militar. Singilin si Marcos Jr at kanyang mga tutang sandatahang lakas sa paghahasik ng pasismo at terorismo sa kanayunan. Ang lakas ng nakikibakang masang Masbatenyo at paglakas ng NPA at buong rebolusyonaryong organisasyon ang magtitiyak na makakamit ang tunay na katiwasayan at kapayapaan sa prubinsya ng Masbate.

Pekeng engkwento sa Cataingan, nagdulot ng pangamba sa mga sibilyan