Pahayag

Sa ika-5 SONA ni Marcos Jr: Labanan ang gyera ng US at teroristang papet nitong si Marcos Jr!

, ,

Ang National Democratic Front-Laguna ay lubos na nakikiisa sa malawak na sambayanang nakikibaka upang singilin at panagutin ang korap, pahirap at tuta ng US na si Marcos Jr. ngayon sa kanyang ikalimang State of the Nation Address. Sa SONA na ito, hindi natin malilimutan ang patong-patong na krimen ng rehimeng US-Marcos sa sambayanang Pilipino.

Sa loob ng 5 taong panunungkulan, lalo lamang naghirap ang mamamayang Pilipino. Ipinako ni Marcos at ng imperyalistang US ang bansa sa hindi maampat na krisis sa ekonomiya. Sa katunayan, hindi pa nakakabangon ang milyon-milyong Pilipino mula nang pumutok ang oil price shock na naghatid ng dramatikong pagtaas ng presyo ng diesel at mga pangunahing bilihin. Idinulot nito ang malawakang pagkalugi sa kita ng mga drayber at pagbagsak ng halaga ng sahod ng mga manggagawa.

Walang nilutas ang kakarampot at selektibong ayudang ibinigay ni Marcos dahil nananatiling napakababa ng sinasahod at kinikita ng mamamayan. Lalo pa itong liliit ngayong sumasabay pa ang pagtaas ng presyo sa singil ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) na pinagtutubuan ng burgesya kumprador na si Manuel V. Pangilinan.

Harap-harapan pang ninakawan ni Marcos Jr. at Sara Duterte ng bilyon-bilyong piso ang mamamayan mula sa mga maanomlyang flood control projects ng DPWH at pondo ng DepEd. Todo hugas-kamay ngayon si Marcos matapos sumabog sa kanyang mukha ang usapin ng flood control para umiwas sa pananagutan.

Ngayon, tahasang isinusuko ng rehimen ang soberanya at kasarinlan ng bansa sa plano ng US na pagtatayo ng Pax Silica. Bago pa ito, hinawan na ni Marcos ang daan para makapandambong ng likas na yaman ang Imperyalistang US at mga kasapakat nito sa pamamagitan ng RA 12252 o amended Investors’ Lease Act na nagbibigay kapangyarihan sa mga dayuhan na umupa ng lupa sa bansa sa 75 hanggang 99 taon.

Walang pinipiling lugar ang pagpapahirap ni Marcos. Ang mamamayang Lagunense ay patuloy na namumuhay sa kadusta-dustang kalagayan. Ang mga manggagawang Lagunense ay isang kahig, isang tuka dahil sa napakababang P508-600 na minimum na sahod sa kabila ng napakataas na presyo ng mga batayang pangangailangan.

Ang mga magsasaka, mangingisda, manggawang-bukid at maralita sa probinsya ay binabalot pa ng pangambang mawalan ng hanapbuhay at panirikan dahil sa nakaambang pagtatayo ng mga dambuhalang proyektong 37.06km Laguna Lakeshore Road Network (LLRN), Floating Solar Panel Farms sa Laguna Lake at Windmills ng mga malalaking panginoong maylupa at burgesya kumprador.

Ito ang mga kundisyon na paulit-ulit na nagbibigay dahilan sa mamamayang-api para mag-armas at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan. Kaya ngayong SONA, marapat lamang na higit pang paingayin ang panawagan ng pagpapabagsak sa papet at teroristang rehimeng US-Marcos II!

Mamamayang Lagunense, isulong ang digmang bayan laban sa imperyalistang digmaan!

Digmang bayan sagot sa Imperyalistang Digmaan!

Ibagsak ang rehimeng US-Marcos II!

Sa ika-5 SONA ni Marcos Jr: Labanan ang gyera ng US at teroristang papet nitong si Marcos Jr!