Salubungin ang bagong taon ng pinaigting na pakikibaka para sa demokratikong rebolusyong bayan! Kabataan, ibayong sumulong at magwasto!
Maligayang binabati ng Kabataang Makabayan-Timog Katagalugan at lahat ng balangay ng KM at ang lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon at sa buong bansa. Ating salubungin ang bagong taon gamit ang ating taglay na lakas, talino at tapang bilang kabataan upang ubos-kayang umambag sa pakikibaka ng mamamayan para sa sosyalismo.
Sa nagdaang taon, ang sambayanang Pilipino ay humarap sa lalu pang matinding krisis sa kabuhayan, korapsyon at pasismo. Muling pinatunayan ng administrasyong Marcos Jr at ng naghaharing uring mga panginoong may-lupa’t dambuhalang komprador na walang pagpipilian ang mamamayan kundi kamatayan sa ilalim ng bulok na sistema o paglaban upang bawiin ang kapangyarihan para itayo ang lipunang tunay na malaya at makatarungan.
Sa kabila ng karahasan ng rehimeng US-Marcos Jr, patuloy na dumaluyong ang mga kilos protesta upang ipaglaban ang katarungang panlipunan, kabuhayan, lupa at tunay na kalayaan mula sa dayuhang pambubusabos. Nararapat na magpatuloy ang militansyang ating naipakita upang tuluyang mapanagot at mapatalsik si Marcos Jr at Sara Duterte na silang mukha ng kasalukuyang reaksyunaryong gobyerno. Ngayong bagong taon, ating patuloy na tanganan ang ating rebolusyonaryong tungkulin upang sugupuin ang kahirapan at marating ng bayan ang tagumpay ng pambansang demokrasyang may sosyalistang perspektiba. Patuloy tayong susulong upang palawakin ang ating pwersa ng rebolusyunaryong kilusan at tutungo sa kanayunan upang lumahok sa armadong pakikibaka ng mamamayan.
Kabataan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Ibayong sumulong at magwasto upang ipagtagumpay ang matagalang digmang bayan!
