Ibinasura ng korte ang panlima at huling kaso ng tax evasion (di pagbabayad ng buwis) laban kay Maria Ressa at kumpanyang Rappler na isinampa noong panahon ng rehimeng Duterte. Samantala, inilantad ng mga estudyanteng mamamahayag sa Ateneo de Naga ang panggigipit sa kanila ng mga sundalo. Binati ng National Union of Journalists of the Philippines […]
Binuo ng pitong organisasyong pangmidya at mamamahayag noong Mayo 29 ang isang online na platapormang susubaybay sa kalagayan ng malayang pamamahayag sa Southeast Asia. Layon ng pfmsea.org na bantayan at mabilis na mag-ulat ng mga kaso ng pag-atake at banta sa mga mamamahayag at manggagawa sa midya sa rehiyon. Sasaklawin ng plataporma ang mga usapin […]
Sa halos isang taong pamumuno ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, patuloy na naitatala ng grupong National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang maraming kaso ng paglabag sa karapatan sa malayang pamamahayag. Inilabas ng NUJP ang ulat na ito kahapon, kasabay ng paggunita sa World Press Freedom Day. Pahayag ng grupo, habang mayroong […]
Matapos igiit ng mga progresibo at demokratikong organisasyong kabilang ang Bagong Alansang Makabayan (Bayan), Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakabayan, ibinalik na ng Facebook ang tinanggal nitong mga page ng naturang mga grupo. Inianunsyo kahapon ng Bayan ang pagbabalik sa kanilang mga Facebook page. Walang paliwanag na sinensor ng Facebook ang tatlong page at marami […]
Nagprotesta ang mga mamamahayag mula sa Altermidya Network, National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), at College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa Department of Justice sa Manila noong Enero 23 para igiit ang kagyat na pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio at iba pang kabilang sa tinaguriang ‘Tacloban 5’. Kasabay ito ng unang […]
Walang-kapantay ang naitalang mga paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag sa nagdaang 2022. Ayon sa pag-aaral ng Reporters Without Borders (RSF) mula Enero 1, 2022 hanggang Disyembre 1, 2022, hindi bababa sa 704 ang mga mamamahayag na pinaslang, ikinulong, hinostage at nawawala. Nasa 57 ang bilang ng mga pinaslang na mamamahayag at manggagawa sa midya. […]
Kabi-kabilang pagkundena ang sumalubong sa hatol ng isang korte sa Quezon City noong Disyembre 12 na “guilty beyond reasonable doubt” sa mamamahayag na si Frank Cimatu sa kasong cyberlibel. Ayon sa mga mamamahayag, hindi katanggap-tanggap ang hatol na ito at pinagtitibay ang “chilling effect” na kinahaharap ng mga mamamahayag sa bansa. Naglabas ng kani-kanyang pahayag […]
Sa isang nagkakaisang pahayag ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at mga alternatibo at independyenteng midya, kinundena ang sunud-sunod na mga atakeng DDoS (o distributed denial of service) sa mga website ng mga pahayagan sa nagdaang mga linggo. Hinaharang ng mga atakeng ito ang paglalathalata ng mga balita at kwentong may katotohanan […]