Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Pomeroy's Portrait: Revisionist Renegade

Apologia for U.S. Imperialism

II. Isang Maling Kuwentada ng Imperyalismong Amerikano sa Pilipinas

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Maliwanag ang sinabi ng dakilang si Lenin tungkol sa mga kolonya:

Kalimitang malaki ang nakakamal na tubo sa mga gilid-gilid nabansang ito, sapagkat kapos ang kapital ssa mga lugar na iyon, masmura ang halaga ng lupa, mababa ang pasahod, mura ang mga hilaw nasangkap.

Sinabi rin niya:

Siyempre, "pinakamainam" para sa pananalaping kapital, atpinakamalaki ang tubong mahahamig nito mula sa gayong panlulupig namaglalaho pati ang kalayaang pampulitika ng nalupig na bansa atmamamayan.

Tanging ang kolonyal na pananakop ang nagbibigay sa mgamonopolyo nang lubus-lubusang garantiya laban sa lahat ng panganibng pakikipagtunggali sa mga kakompetensiya, pati na sa panganib naidipensa ng mga kakompatensiya ang mga sarili sa pamamagitan ngisang batas na nagtatayo ng isang monopolyong estado.Habanglalong umuunlad ang kapitalismo, lalong nadarama ang kakulangan samga hilaw na sangkap, lalong nagiging matindi ang kompetensiya atang paghahanap ng mga mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap sa buongdaigdig, lalong nagiging desperado ang tunggalian para sa pagsakopng mga kolonya.

Binigyang-diin din niya na ang pananalaping kapital ay interesado hindi lamang sa mga alam nang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap kundi pati sa mga puwedeng mapagkunan, dahil napakabilis ng kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya, at ang lupang walang pakinabang ngayon ay maaaring maging makabuluhan sa hinaharap.Totoo rin ang ganito sa paghahanap ng ma mineral, sa mga bagong paraan ng pagmamanupaktura at paggamit ng mga hilaw na sangkap, at iba pa.Kaya, hindi maiiwasan ang pagpupursige ng pananalaping kapital na palawakin ang mga sakop ng impluwensiya nito at maging aktuwal na kanyang teritoryo.

Ani Lenin:

Ipinapakita sa ain ng kabanata ng pinakahulng yugto ngkapitalismo na umuunlad ang ilang ugnayan sa pagitan ng mgakapitalistang pagsasanib (combines) batay sa pangkabuhayangpagkakatulad ng mundo; samanta;a, kaagapay at kakawing nito,umuunlad ang mga ugnayan sa pagitan ng mga estado batay sapagkakatilad ng mundo segun sa teritoryo, sa tunggalian para sa mgakolonya, sa "tunggalian para sa pangkabuhayang teritoryo."

Ang Pilipinas ay sinakop ng Estados Unidos upang ang Dagat Pasipiko ay magawa nitong "Lawa ng Amerika" at upang magkaroon ng base sa kamakailan lamang nitong "open door policy" hinggil sa Tsina, isang patakaran ng pagpupursiging magkaroon ng parte sa isang malaking pangkabuhayang teritoryo na noon pa man ay inangkin na ng iba pang imperyalistang kapangyarihan. (22)Subalit tinatanggihan ni Pomeroy ang istratehikong importansiya ng Pilipinas sa plano ng imperyalismong Amerikano; sukdulan pa niyang sinabi na ang kolonyal na pagsakop sa Pilipinas ay pabigat pa sa imperyalismong Amerikano sa Asya kaysa pakinabangan.Tinatawag niya ang "open door policy" na isang patakaran ng kahinaan sa halip na isang madaling lihim na landas para sa isang umaangat na im[eryalistang kapangyarihan sa masigasig na pagpupursigi nitong makapasok sa Tsina at sa buong Asya.

Inilalarawan ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano bilang isang kapus-palad na pipitsyging puwersa na kayang-kayang banggahin ng bansang Hapon noong unang dalawang dekada ng ikadalawampung siglo. Buung-buo niyang pinagtakpan ang mahigpit na alyansa ng imperyalismong Ingles at Amerikano sa Asya at ang katunayan na ang bansang Hapon ay nangungutang sa Estados Unidos.Dahil na rin sa kapahintulutan ng imperyalismong Amerikano at Ingles kaya sinakop ng bansang Hapon ang Korea at nagkaroon ito ng sakop na teritoryo sa Tsina.Ngunit iginigiit ni Pomeroy na noon pa mang 1916 takot na takot na ang imperyalismong Amerikano sa pagkapanlo ng mga Hapones sa mga Ruso noong 1905 at pati sa pagkamkam ng mga Hapones sa lahat ng espesyal na pribeliheyo ng Alemanya sa Tsina sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig na gusto na nitong bitawan ang Pilipinas bilang kolonya o kaya'y magmantini na lamang sa bansa ng pananatilin walang magdidiskitang kahit sino.Sa buong libro mas binigyan pa ni Pomeroy ng timbang ang pang-iipit ng bansang Hapon sa Estados Unidos kaysa sa walang lubay na paggigiit ng sambayanag Pilipino ng kalayaan bilang isa sa mga dahilan na nagobliga sa Estados Unidos na mangako ng huwad na kalayaan para sa Pilipinas.Aniya:

Tulad ng dati, ang pagpapakita ng bansang Hapon ng lakas ay mayepekto sa mga gawain ng Estados Unidos sa Pilipinas.Walang dudangpinabilis nito ang mga hakbang para magbigay ng pangako ng kalayaanpara sa Pilipinas, sa mga kadahilanang ang gayon ay nagpapaakita nahindi agresibo ang layunin ng Estados Unidos sa Asya kaya nawawalanng dahilan ang bansang Hapon na magtaguyod ng isang mapandigmangpostura tungkol sa pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Pomeroy:

Ang mga dahilan ng kabiguan ng mga puwersa ng imperyalistangAmerikano na masustini ang panimulang pagpasok nila sa Asya ay nasadalawang aspeto ng kanilang kalagayan,Ang una ay dahil ayawnilang mangalap ng sapat na puhunan na mailalagak sa Tsina partamakipagkompetensiya at makaagaw ng mga lugar na magsisislbingpamilihan at lagakan ng puhunan mula sa ibang imperyalistang naroonsa bansang iyon; maraming matatagpuang iba pang lugar na madalingmapapasok sa pamamagitan ng hindi ganong kalantarang pangongolonya.Ang pangalawa ay ang katunayang hidi pa anda ang gobyerno atmakinarya ng Estados Unidos para sa mga imperyalistang ambisyon sapamamagitan ng pagbangga sa malalakas na karibal sa Asya sapamamagitan ng dahas.

Isang kahalangalan para kahit kanino na asahang pantay-pantay ang katidad ng iniluluwas na labis na kapital ng Estados Unidos sa iba't ibang panig ng daigdig at pagkatapos ay palabasin kapag hindi ganito na hindi pa ito handa p[ara itaguyod ang mga imperyalistang mabisyon.Nasa likas na katagian ng bagong imperyalismo ang magsagawa ng pinakatingkad na hindi pantay-pantay at mga ningas-kugon na klase ng kaunlaran sa loob at labas ng bansa nito.Ani Lenin:

Ang daigdig ay pinaparte-parte ng mga kapitalista hindi dahil sa kung anupamang malisya, kundi dahil sa inabot nang tindi ng pagkakatipon ng kapital ay nagtutulak sa kanilang gawin ang ganitong diskarte upang makapagkamal ng tubo.At pinaparti-parte nila ang mundo 'segun sa laki ng kapital,""segun sa angking lakas," sasapgkat walang ibang paraan ang partihan sa ilalim ng produksyong pangkalakal at kapitalismo. Subalit mag-iiba-iba ang lakas kaakibat ng tindi ng kaunlarang pangkabuhayan at pampulitika.Upang maunawaan kung ano ang mga nangyayari, kailangang malaman kung ano ang mga nalutas na usapin ng pagbabago ng lakas.

Kahit ano ay sasabihi ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy mapagtakpan lamang ang kolonyal na rekotd ng imperyalismong Amerikano sa Asya. Pinipilit niyang palabuin ang mga nalinaw na nangyari sa kasaysayan. Gunggong at traydor lamang ang susulat ng isang buong aklat upang ibatbat ang isang hibang na paninindigan na ayawng imperyalismong Amerikano na dumambong sa pamilihan at paglalagakan ng puhunan sa Pilipinas at sa Tsina at ang gobyerno nito ay hindi pa handang magtaguyod ng mga imperyalistang ambisyon nitong pagpasok ng bagong daantaon.

Isang maling kuwentada ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas

Maliwanag ang sinabi ng dakilang Lenin tungkol sa mga kolonya:

Kalimitang malaki ang nakakamal na tubo sa mga gilid-gilid nabansang ito, sapagkat kapos ang kapital sa gayong mga lugar, masmura ang halaga ng lupa, mababa ang pasahod, mura ang mga hilaw nasangkap.

Sinabi rin niya:

Siyempre, "pinakamainam" para sa pananalaping kapital, atpinakamalaki ang tubong mahahamig nito mula sa gaong panlulupig namaglalaho pati ang kalayaang pampulitika ng nalupig na bansa atmamamayan.

Tanging ang kolonyal na pananakop ang nagbibigay sa mga monopolyo nang lubus-lubusang garantiya sa mga monopolyo ng panganib ng pakikipagtunggali sa mga kakompetensiya, pati na sa panganib na ididipensa ng mga kakompetensiya ang mga sarili sa pamamagitan ng isang batas na nagtatayo ng isang monopolyong estado.Habang lalong umuunlad ang kapitalismo, lalong nadarama ang kakulangan sa mga hilaw na sangkap, lalong nagiging matindi ang kompetensiya at ang paghahanap ng mga mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap sa buong daigdig, lalong nagiging desperado ang tunggalian para sa pagsakop ng mga kolonya.

Binigyang diin niya na ang pananalaping kapital ay interesado hindi lamang sa mga alam nang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap kundi pati sa mga puwedeng mapagkunan, dahil napakabilis ng kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya, at ang lupang walang pakinabang sa ngayon ay maaaring maging makabuluhan sa hinaharap.Totoo rin ang ganito sa paghahanap ng mga mineral, sa mga bagong paraan ng pagmamanupaktura at paggamit ng mga hilaw na sangkap, at iba pa.Kaya, hindi maiiwasan ang pagpupursige ng pananalaping kapital na palawakin ang mga sakop ng impluwensiya nito at amaging ang kanyang aktuwal na teritoryo.

Talagang katawa-tawa ang umasang tulad ni Kautsky na ang imperyalismo ay sasandig sa "bukas na pamilihan" para sa mga hilaw na sangkap nito. Talagang naging mas bentahe para sa imperyalismong Amerikano kaysa noong panahon ng kolonyalismong kastila na hawakan ang Pilipinas bilang isang kolonya nito at kunin ang mga hilaw na sangkap ng bansa na walang sinusunod na batas Espanyol.Maaaring natawa ang mga imperyalistang Amerikano sa sermon ni Kautsky na ang "mapayapang demokrasya" imbes na ang "pananakop militar" ay maaaring mas mabilis na nagbukas sa Ehipto para sa kalakalang Ingles kung gayon ang sinabi niya nang si Dewey ay maglayag tungong Manila Bay.

Upang makaguhit ng isang larawan ng mga mangangalakal na Amerikano na walang mapala sa kolonya nilang Pilipinas, mabusising tinalakay ni Pomeroy ang mga kalamangan ng mga Ingles sa umpisasa pag-aangkat ng mga kalakal na bulak, pagluluwas ng abaka at sa pagbabarko sa panahon ng sampung taong transisyon (1899-1909) sa ilalim ng kasunduan sa Paris. Sinadya niyang palabuin ang maliwanag na pangingibabaw ng mga kompanyang Amerikano sa komersiyo at sa paglalagak ng puhunan pagkatapos mapagtibay ang Payne-Aldrich Act noong 1909 na nagtakda ng "malayang kalakalan" sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at nagpahintulot sa Estados Unidos na manipulahin ang taripa laban sa mga dayuhang kakom- petensiya. Magandang gunitain na bago pa man sumilab ang Digmaang Kastila-Amerikano, mas malaki nang parte sa kalakalan ng Pilipinas ang mga komersiyal na kompanyang Amerikano, lalo na sa asukal.Iyon nga lamang at pinalalabas ni Pomeroy na pagkatapos lamang masakop ng Estados Unidos ang Pilipinas saka kumita ang mga mag-aalak na Amerikano, na hindi pa sa kolonyang mamamayan kundi sa mga sundalong Amerikano mismo.

Baligtad sa ipinakita ni Lenin na sariling interes ng imperyalismo ang mangolonya, inilalarawan ni Pomeroy ang pagiging kolonya ng Pilipinas na mas naging "malaking sakit ng ulo" pa ng imperyalismong Amerikano kaysa kanilang nakulimbatan.Madiing-madiin niyang sinabi na ang mga imperyalistang Amerikano ay mga "urong-sulong na kliyente," na bantulot maglagak ng puhunan sa Pilipinas at hindi naglagak nang ayon sa inaasahan sa kanila, dahil sa ipinalalagay na mga kahirapan. Itinuturing niya na ang Organic Act of 1902 ay nagsasaad ng mga "anti-monopolyong pagtatakda" imbes na bilang isang legal na instrumento na magagamit ng kolonyal na gobyerno ng Estados Unidos sa pagkakaloob ng prankisa, pagkilala sa mga karapatan sa pagmimina at pagbibenta o pagpapaupa ng lupa sa mga mangungulimbat na Amerikano.

Pinagkakamalan ni Pomeroy ang maigsing panahon ng pag-uumpisa ng paglalagak ng puhunan ng Estados Unidos (noong 1902 at mga sumunod na taon) na kumakatawan sa buong panahon ng tuwirang pananakop ng Estados Unidos.Itinuturing niya iyon na masyadong nakapanghihina ng loob dahil masyadong "magastos" para sa mga imperyalistang Amerikano ang sumabak sa pagpapahusay ng mga kalsada at komunikasyon.Hindi niya tinitingnan na hindi lamang paborable ang mga iyon para sa mga negosyong Amerikano at sa mga operasyong militar sa Pilipinas kundi binabayaran din ng buwis na ipinapataw sa mga kolonyang mamamayan. [23]Ang pangungutang ng gobyerno para sa pagpapaige ng mga lalawigan at munisipyo ay pinagtabuan ng malalaking tubo ng mga nagpapautan na Amerikano.nagkamal naman ng malaking tubo ang mga kompanyang Amerikano mula sa pagsusplay ng mga materyales at pagkuha ng kontrata sa paggawa ng mga tulay at kalsada at pagtatayo ng komunikasyon.Sa kabila nito, basta na lamang binanggit ni Pomeroy ang mga "pagkalugi" na dinanas sa pagpapatakbo ng mga perokaril sa Cebu at Panay bilang isang malaking dahilan ng "pagkadismaya" sa Pilipinas bilang kolonya.Hindi niya isinaalang-alang na nagkamal ng tubo ang mga monopolyong Amerikano sa pagtatayo ng mga perokaril na ito at pinagtakpan niya ang sandamukal na tinubo ng Amerikano sa pagkuha nito sa pagpapalawak at sa operasyon ng Manila Railroad Company.

naghatid lamang ng mga "kahirapang" pangkabuhayan sa imperyalismong Amerikano sa halip na magdulot ng pakinabang at ang gayong "mga kahirapan" ang palaging humihikayat sa imperyalismong Amerikano na hayaan na ang Pilipinas sa isang "matatag na gobyerno" ng mga papet na Pilipino.Sa sarili niyang paraan, ipinangaral niya ang ideya ni Kautsky na "mapayapang demokrsya" bilang isang mas mabisang paraan para sa mga kapitalistang bansa upang makakuha ng mga bentaheng pangkabuhayan.Dahil sa masamang hangarin ay initsa-puwera niya ang hindi mapigilang paggigiit ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya na palaging sinisikap mapigilan ng imperyalistang Amerikano at ng mga papel na lokal na lider sa pamamagitan ng kanilang kahinahinalang mga kasunduan hinggil sa "kalayaan ng Pilipinas."

Upang mapagtakpan ang lawak ng pagsasamantala ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas, gumawa si Pomeroy ng isang madayang pagtutuos at ipinagwagaywayan ang isang palsipikadong kuwentada.Tinataya niya an ang mga gastos sa militar na pananakop, pagsupil sa mga rebelde, pagmamantini ng mga kampo at garison ay umaabot nang hindi kukulangin sa limandaang milyong dolyar noong panahong mapagtibay ng Kongreso ng Estados Unidos ang Tydings-McDuffie Act noong 1934.Nagkakatsang siya na hindi pa kasali sa halagang ito ang tinatawag niyang "hindi matutuos" na gastos sa muling pagskop sa kapuluan at sa "rehabilitasyon" nito resulta ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ibinatbat niya na ang gayong mga gastusing militar ay hindi napunuan ng mga tinubo ng Estados Unidos sa kalakalan at mga lagak na puhunan sa Pilipinas.

Sinabi niya na kung pinapatungan ng bente porsiyento ang mga kalakal ng Estados unidos, ayon sa pagtataya ng mga komersiyante bago napagtibay ang Payne-Aldrich Act, ang mga pabrikante at komersiyanteng Amerikano ay kumita ng $160 milyon dolyar* mula sa kalakalan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa unang tatlong dekda ng pananakop ng Estados Unidos. Tinatawag niya itong isang "mabait na pagtataya" para sa kanila ang kumita ng 200 milyong dolyar sa loob ng naturang panahon, samantalang kasali pa ang mga di-nakikitang gastos sa seguro at sa transportasyon. Idinain niya na ang mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos ay mas malaki pa ng 400 milyong dolyar kaysa inaangkat.** (Hanggang noong 1927, 1.2 bilyong dolyar ang iniluluwas laban sa 900.1 milyong dolyar na inaangkat.)Ikinalulungkot niya na ang kabuung tubo ng Estados Unidos "ay di-hamak na mas maliit" kaysahalaga ng nalilibre sa mga buwis ng mga kalakal ng Pilipinas na pumapasok sa Estados Unidos sa ilalim ng patakarang "malayang kalakalan" na itinatadhana ng Payne-Aldrich Act.Batay sa kanyang gunggong at mali-maling kuwentada, nagkungklusyon si Pomeroy na ang mga imperyalistang Amerikano ay nalugi kaysa kumita sa kalakalang Estados Unidos-Pilipinas.Subalit sinasabi niya na "sa ilang banda," na hindi naman niya ipinakita sa kuwentada, ang kita sa pagluluwas ay napunta sa mga kompanyang Amerikano sa bansa, sa pagrirepina ng asukal, sa pagmamanupaktura ng mga produktong galing sa niyog at sa paghawak ng komersiyo.Gayunman, sinasabi niya na mas malaking halaga ang kumakatawan ng kabayaran ng mga nagbubuwis na mamamayang Amerikano sa mga "Pilipinong gumagawa ng podukto" na di-hamak na mas malaki sa tinutubo ng Estaos Unidos sa kalakalan.

Ibinabatbat ni Pomeroy na ang kabuuang tubo na kinita sa lahat ng negosyo sa buong panahon ng tuwirang pananakop ng Estados Unidos ay malayong makapuno sa diperensiya ng kalakalanm huwag nang isali pa ang mga ginastos sa milirar.itnuturing niya na mababa ang antas ng paglalagak ng puhunan ng Estados Unidos na malaki lamang ng bahagya sa 200 milyong dolyar noong pagtibayin angTydings-McDuffue Law.Ayon sa kanya, kinakatawan ng malaking parte nito ng mga ipon at mga tubo na inilalagak bilang puhunan.Bagaman inaamin ni Pomeroy na ang malaking tubo ay kinita mula sa orihinal na lagak ng puhunan, iginigiit niya ang kabuuang kinitang tubo ay hindi nakapampuno sa "diperensiya ng gastos sa militar at kalakalan."

Sa pagtingin sa gastusing militar sa pagsakop sa Pilipinas at sa pagpapanatili nito bilang kolonya, ganap na itinago ni Pomeroy ang katotohanang hindi solong kinargo ng mga mponopolyong Amerikano ang mga iyon.Sa isang banda pa nga, nagkamal ng tubo ang mga monopolyong Amerikani sa kagyat at sa pangmatagalang takbo ng pagkolonya nito sa Pilipinas.Ang gastos sa militar na pananalakay ay ipinakrgo sa mamamayang Amerikano at gayundin sa mga mamamayang biktima ng kanilang pananalakay at pangongolonya.Tapos na malupig, ang sambayananag Pilipino ay inobligang magbayad ng buwis na kailangan para mabayaran ang mga gastusing militar ng Estados Unidos at para sa pananatili ng Pilipinas bilang isang kolonya.Tungkol sa mga gastos militar na nagugol ng Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, malinaw nang kumita ng malaki, at wala pang kapantay na tubo ang mga monopolyong Amerikano mula sa produksyon ng mga kagamitang militar kaya nagawa nito sa paglaon na maging Numero Unong imperyalistang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananako, panghihimasok at subersiyon ng ibang bansa.

Masyadong mababaw at malabo para kay Pomeroy ang i[palagay na maaari lamang kumita ng tubo ang mga komersiyanteng Amerikano sa mga produkto ng Estados Unidos na ipinapasok sa Pilipinas.Tuwiran nilang hawak ang malaking parte ng mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas.Talagang hindi sapat ang paghambingin ang deklaradong halaga ng mga pag-aangkat at pagluluwas para masukat ang mga tubong nahahamig ng mga imperyalistang Amerikano.At isang lantay na pagsisisnungaling ang sabihing bente porsiyento lamang ang tinutubo ng mga komersiyanteng Amerikano sa mga angkat na produkto ng Estados Unidos.Ang pinakamahalagapagtitimbang kung magkano ang tinutubo ng mga imperyalistang Amerikano (at hindi lamang ng mga komersiyante)sa kalakalang Estados Unidos-Pilipinas ay ang pagsasaalang-alang ng murang hilaw na sangkap na ipinagpapalit ng mga yaring produktong Amerikano at nakatakdang imanupaktura ng mga kompanyang Amerikano.Sa esensiya, pinagsasamantalahan ng mga imperyalistang Amerikano at ng mga komprador-panginoong maylupa ang mga anakpawis na Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga iyon ng murang mga hilawna sangkap sa napakababang sahod at pagbili ng mga yaring produktong Amerikano nang napakamahal.Resulta ng ganito, nananatili ang Pilpinas na isang maliit na kolonyal at agraryo ekonomya na walang kakayahang malayang manahak sa landas ng nagsasariling ekonomya at ng industriyalisasyon at lagi na lamang nasa ilalim ng manipulasiyon ng imperyalismong Amerikano.

Ang mga libro ng Kawanihan ng Sensus at Estadistika ay nagpapakita na ang nakatalang halaga (book value) ng mga probadong lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ay 537 milyong dolyar (piso?) o 268.5 milyong dolyar.Hindi makukuha ng buo ang nakatalang halaga sa mga libro ng gobyernong kolonyal.Pero sinobrahanni Pomeroy ang kanyang papel bilang Tagapagtanggol ng imperyalistang Amerikano sa pamamagitan ng pagturing sa ganitong antas ng lagak na puhunan ng Estados Unidos na "mababa" sabay lundag sa kongklusyon na hindi masyadong malaki ang kinitang tubo o hindi sapat para lampasan ang mga gastos sa militar at ang "mag pagkalugi" sa kalakalan.Dapat nating bigyang-diin ang katunayang sa kabila ng maliit na lagak ng puhunan sa mga kolonya at mala-kolonyang bansa, napakalaki ng maaaring malikha at maiuwing tubo sa mga kapitalistang Amerikano.Ngunit tulad ng mga amo niyang imperyalista, ayaw ni Pomeroy maglabas ng kuwentada tungkol dito.Ang tantos ng tubo samga subsidiaryo ng Estados Unidos sa mga mala-kolonya ay ilang beses na mas malaki kaysa sa Estados Unidos at ibang kapitalistang bansa. Kakatiting lamang ng taunang kinikita ang muling inilalagak bilang puhunan at malilikom taun-taon.Masyadong mababaw para sa kahit kanino ang magtuon lamang ng pansin sa laki ng lagak na puhunanng Estados Unidos sa Pilipinas at ituring ito pagkatapos na hindi tumitimbang dahil masyado itong maliit kaysa sa mga lagak na puhunan ng Estados Unidos sa kanlurang Europa o Canada.malaki ang lagak na puhunan ng Estados Unidos sa ibang kapitalistang bansa dahilgayon kalaki ang kailangan upang makasingit sa medyo siksik an nang lugar at upang magkaroon ng mahalagang papel sa mga patakarang pangkabu- hayan at pampulitika ng mga bansang iyon.Ang minamata ni Pomeroy na "maliit" na lagak na puhunan ng Estados Unidos ay malaki at istratehiko nang kapital kung dito lamang sa Pilipinas at kaya na nitong humamig ng supertubo at kontrolin ang buong ekonomiya ng bansa. (24)

Sa kaso ng MERALCO, halimbawa, dalawang milyon lamang ang kapital nito sa umpisa noong 1901.Pagkalipas ng 60 taon, ang malaking parte ng saping puhunan ay ibinebenta sa magkakasosyong kompanyang Pilipino sa halagang 50 milyong dolyar.Kitang-kita ang tindi ng paglaki ng lagak na puhunan.Ngunit masmatindi pa ang ang laki ng dibidendo na iniuuwi ng mga kapitalistang Amerikano sa loob ng animnapung taon.Madali kay Pomeroy na huwag itong ilantad.Hindi pa kasali rito ang tinubo sa MERALCO ng mother company nito at ng iba't ibang tiyahing kompanya.Ang General Electric Company ay hindi kumita sa MERLACO kung wala ang U.S. Steel Corporation, ang mga kompanya ng langis na Amerikano, ang mga bangko ng Estados Unidos at iba pang mga kaugnay na kompanyang Amerikano na may transaksiyon sa kompanyang ito sa Pilipinas.

Tungkol sa mga monopolista sa ibang bansa, namasdan ni Lenin.

Ang pagluluwas ng kapital, isa sa pinakamahalagang batayang pangkabuhayan ng imperyalismo, ay ibayong naghiwalay sa mga rentiers [mga taong nabubuhay sa kita mula sa kanilang mga ariarian at mga pautang] sa produksyon at itinakda ng mga ito ang pamumuhay linta sa buong bansa na nabubuhay sa pagsasamantala sa paggawa ng ibang bansa at nga mga kolonya.

Sa paggigiit na isang "hindi kumikitang" pakikipagsapalaran ang kolonyal na pagsakop ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas, talagang pinagtatakpan ni Pomeroy ang imperyalismong amerikanoi at ipinagkakaila ang pagsipsip nito ng dugo sa sambayanan.Tinitingnan natin na kumita nang malaki ang imperyalismong Amerikano mula sa pangongolonya nito sa Pilipinas.Isang pakikipagtalo laban sa tunany na nangyari sa kasaysayan at upang pabanguhin ang imperyalismong Amerikano ang igiit ang tindig na matagumpay nitong kinolonya ang Pilipinas upang dumana lamang ng mga pagkalugi sa negosyo.

Sa tindig na walang ganap na pakialam ang mga monopolyong Amerikano sa kolonyal na rehimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, sukdulang sinabi ni Pomeroy:

Ang mga negosyanteng Amerikano, pati ang mga kilalang sirkulongindustriyal ay ayaw makibalikaty sa buwis at sa mga problema ngpagtaas ng mga bikihin resultya ng mga gastos militar atadministratibo sa pagkuha, pagmamantini at pagtatanggal sa bangkolonyal na emperyo.

Bagaman sinasabi niyang isang "medyo maliit na mga dayuhang komersyante at kapitalista" ang nakikinabang sa kolonyal na rehimen, ayaw niyang tukuyin na ang mga ito ay ang mga nangungunang monopolyo na nagtatakda ng mga patakaran ng Estados Unidos.Makaisang panig at katunggakan ang ipahimatong na ang pagbalikat sa buwis at mga pagtaas ng presyo, resulta ng mga imperyalistang pakikioagsapalaran, ay solong ipinapasa ng mga "negosyanteng Amerikano pati na ang mga kilalang sirkulong "industriyal."Ito ay binalaikat ng mga mamamayang Amerikano, lalo ng uring manggagawa.Bukod pa rito, sa ilalim ng kolonyal na gobyernong Amerikano, obligadong pasanin ng sambayanang Pilipino ang mga gastos militar at administratibo hanggang wala pang tuluy-tuloy na epetibong reaksyunaryong pagtutol.

Bilang isang lantay na ahente ng imperyalismong Amerikano, isa pang tiyempo ang nakita ni Pomeroy para mapuri ang sistemang pampulitika ng Estados Unidos nang sabihin niyang "maging ang mga mas agresibong komersiyal at kapitalistang pangkatin na pabor sa pagsakop ng mga bansa ay may katwirang magduda sa kapakinabangan ng pagkakaroon ng mga kolonya" at pabor bitawan ang pagiging kolonya ng Pilipinas dahil "kailangan nilang harapin ang katotohanang ang kongreso ng Estados Unidos ang nasusunodsa mga gawain at batas ng mga kolonya."Dagdag niya, "Nakikita ng mga korporasyon at ng mga indibidwal na interesadong pumasok sa gayong mga lugar na sapol ng mga paghihigpit at ng mga imbestigasyon ng samutsaring mga repormista at proteksyunistang impluwnsiya sa kanilang bansa ang kanilang mga aktibidad."

Sermon niya:

Kakaunti ang hawak na kapangyarihan ng kongreso pagdating sa mgadi-kolonyang larangan ng negosyo at kalakaran; mas hindi binubusisiang mga gawain ng isang neo-kolonyalismo.

Gusto ni Pomeroy na maniwala ang lahat na ang kongreso ng Estados Unidos at ang mga kolonyal na batas ay puro hindi pabor sa mga monopolyong Amerikano dagdag sa mga pagtatalong manaka-nakang sumuslupot sa mga burges na huntahan.

Hindi maglubay sa kanyang imbing gawain, pinalalabas ni Pomeroy na ang kongreso ng Estados Unidos ang tumutulong sa sambayanang Pilipino. Satsat niya:

Ang mga pangyayari sa Pilipinas pagkatapos makamtan ang kalayaannoong 1946 - ang malupit na pagsupil sa kilusang napagpalaya ng Hukat sa mga mamamayang kapanalig nito, ang malaganap na katiwalian sapulitikong Pilipino, ay walang patumanggang pangungulimbat sa"malayang" ekonomya, ang paglabag sa mga batas hinggil sa lupa naminsa'y mahigpit na tinatanuran, ang mga krimeng nagagawa ng mgasundalong Amerikano sa mga base militar, ang pagkabulok ngmoralidad ng lipunang Pilipino resulta ng kawalan ng kaunlaran aymaaaring nagbunga ng malaking iskandalo at mga pagsisiyasat kungnangyari sa ilalim ng tuwira'y paghahari ng Amerika.

Dapat ipamukha kay Pomeroy na malimit pa ting magsagawa ng mga pagsisiyasat ang Kongreso ng Estados Unidos hinggil sa mga gawain ng mga Amerikano sa ibang bansa at isinasagawa ang gayon tulad nang dati hindi upang bawasan o hadlangan ang mga interes ng mga imperyalistang Amerikano kundi upang suportahan ang mga iyon.Tulad ng dati ang Kongreso ng Estados Unidos ay nananatiling isang Kamara ng mga monopolyong Amerikano.

Ang librong American Neo-Colonialism ay isang burges repormistang pagtatanggol sa mga pinaggagawa ng kolonyalistang Amerikano sa Pilipinas at sa tinatawag ni Pomeroy na isang "mapagkalingang estado sa sariling bayan" at "neo-kolonyalismo sa ibang bansa," na pareho niyang tinatawag na "kambal na suporta sa kasalukuyang imperyalistang balangkas."Imbes na ipakita ang patuloy at tumitinding katangian ng imperyalismong Amerikano, pinakapursi-pursigihan nitong buhaying muli ang matandang kasinungaliangang pagbabago ng imperyalismong Amerikano tungo sa "hindi na paglahok sa mga pandaigdigang ugnayang pangkabuhayan at pampulitika" (isolationsim) at tungo sa "pagsasaalang-alang ng mga kagalingan ng ibang bansa" (altruism) o pagkakawanggawa (benevolence). Samantalang pinaghirapan nitong maipakita ang "anti-kolonyal na mukha" ng imperyalismong Amerikano at ang mga "pagkalugi ng mga monopolyong Amerikano, pinagtatakpan nito ang busabos at huthot na kalagayan ng sambayanang Pilipino at ang rebolusyonaryong tradisyon at papel na kanilang ginagampanan laban sa paghahari ng mga kolonyalista.

Ang pagsakop sa Pilipinas ay isang malinaw na palatandaan ng imperyalismong Amerikano.Kailangan ito ng imperyalismong Amerikano upang maibsan ang likas na pagkauhaw sa supertubo at pagpapalawak ng teritoryo, ang maipasunod ang kapangyarihan at impluwensiya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Tsina at sa buong Asya.Tulad ng dati, patuloy na ginagamit ng imleyalismong Amerikano ang Pilipinas bilang isang mahalagang base ng mapanalakay, mapanakop at mapagsamantalang mga gawain nito.Gayunman, sa dakong huli, lulugihin ng sambayanang Pilipino ang imperyalistang Amerikano sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya ng mamamayan. Malaon nang inilantad ni Lenin ang naghihingalo at bulok na katangian ng imperyalismo.

Talagang sinadya ni Pomeroy na huwag bigyang-pansin ang mas tubo subalit mas marahas na pananalanta ng imperyalismong Amerikano pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang resulta ng mga nauna nitong pananalanta at bilang lalong pagkalantadng mabangis at lintang katangian nito.Ginawa niya ang lahat upang maipakita na pagkatapos ng kolonyal na pananakop sa Pilipinas, unti-unting bumitaw ang imperyalismong Amerikano mula sa "tradisyunal na kolonyalismo," lalo na sa pagsakop ng mga kolonya.Kaya ganap siyang napipilan sa harap nang pagdami ng mga base militar at kolonya (gaya ng Timog Korea, Timog Vietnam, Okinawa, Taiwan, at iba pa) at sa gayong mga digmaan na pananalakay gaya sa Korea at saIndotsina sa kasalukuyan na ginusto niyang tawaging "neo-kolonyal" na yugto ng imperyalismong Amerikano. Ang sinabi ni Lenin tungkol kay Kautsky ay totoo rin para kay Pomeroy.

Sa halip na magpakita ng buhay na ugnayan sa pagitan ng mga panahon ng imperyalistang kapayapaan at imperyalistang digmaan, ang ipinakita ni Kautsky sa mga manggagawa ay isang patay na paglalahat upang maitugma sila sa kanilang walang kabuhay-buhay na lider.

Sa pagharap sa kasalukuyang panahon, hindi na puwedeng lumampas si Pomeroy sa "pag-uulit" ng mga debate sa loob ng hanay ng mga imperyalista.Aniya:

Sinuri ang kasalukuyang panahong makikita ang matingkad napagkakahawig sa panahon ng pagtatalo tungkol sa imperyalistangpatakaran pagkatapos ng Digmaang Kastila-Amerikano.(Angtunggalian sa pagitan ng militar at sibili na pananaw sa patakaran,sa awtoridad at administrasyon ay paulit-ulit ding nangyari gaya ngaway nina McArthur at Truman hinggil sa Digmaan sa Korea, angbakbakan ng "lawin at ng kalapati" hinggil sa Digmaan sa Vietnam,bangayan ng Pentagon at ng State Department na halos alingawngawlamang ng mga away na Otis-Schurman at McArthur-Taft sa panahon ngpananakop sa Pilipinas.)

Dito ang pagtingin ni Pomeroy na maganda ang hinaharap ay oportunista na sa kalakhan ay nasa sa pag-asa sa mga tagagawa ng patakaran ng imperyalistang Amerikano na "mapagmahal sa kapayaan." Maihahalimbawa ito ngayon sa paniniwala sa mapanlilang na "Nixon Doctrine."

Ang ibig sabihin ni Pomeroy na "bagong larawan" ng neokolonyalismo ay walang iba kundi ang sinasabi ni Lenin na usurang imperyalismo, isang lumang paraan ng pagsakal sa ibang bansa, pangingikil ng supertubo at paghamig ng mga bagong mga hilaw na sangkap.Yayamang ang Pilipinas ay naging malakolonya na mula 1946, ibayong tumingkad ang katangian nito bilang nangungutang na bansa.Pinili ni Pomeroy bansagan ang usurang kapitalismo na isang "hindi mabangis na paraang neokolonyal" at sadya niyang isinaisantabi ang katotohanang umubra lamang ang ganito resulta ng mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano at ng nakalipas na imperyalistang pagsakop sa Pilipinas.Segurado rin na hindi papayagan ng imperyalismong Amerikano na matigil ang sistemang usura nito sa Pilipinas hanggang hindi nagtatagumpay ang rebolousyonaryong armadong pakikibaka laban sa nananatiling mga base militar at mga armadong papet.

Samantalang ang kongklusyon ni Pomeroy ay patuloy ang imperyalismong Amerikano sa "muling pagbibigay-pansin hinggil sa hindi tuwirang mga pamamaraang neo-kolonyal" at sa pagpapakita "nang mas pinong mga paraan ng neo-kolonyalismo upang mapahaba nito ang buhay na walang nakikitang pagtatapos sa malapit na hinaharap, magsikhay tayo na maiangat ang kamalayang pang-idolohiya at pampulitika at ang organisadong lakas ng sambayanang Pilipino upang makapagbigay ng nakamamatay na dagok laban sa imperyalismong Amerikano at sa lahat ng alipuris nito.Sa bagay na ito gumawa tayo ng pag-aaral at pagbabasura sa aklat ni Pomeroy na American Neo-colonialism alinsunod sa sinabi ni Lenin:

Hungkag at katarataduhan ang pakikibaka laban sa imperyalismongmaliban kung lubos itong nakakawing sa pagbaka laban saoportunismo."

Tagubilin sa atin ni Tagapangulong Mao: Dapat makita kung ano talaga ang imperyalismong Amerikano at ang lahat ng reaksiyunaryo, sa esensiya ng mga iyon, sa matagalang pagtingin--bilang mga tigreng papel. Batay dito natin dapat buuin ang ating istratehikong pag-iisip.Sa kabilang banda, sila ay mga buhay na tigre rin, mga tunay na tigre na maaaring pumatay ng tao.Batay dito natin dapat buuin ang ating taktikal na pag-iisip.

Hindi mananatili nang matagal ang imperyalismo dahil puro kasamaan ang ginagawa nito.Nagpapatuloy ito sa pamamagitan ng pagpili at pagsuporta sa mga reaksiyunaryo ng lahat ng bansa laban sa mamamayan, marahas itong nanakop ng maraming kolonya, malakolonya at mga base-militar, at binabagabag nito ng bomba atomika ang kapayapaan. Kaya, tulak ng imperyalismo na gawin iyon, mahigit siyamnapung porsiyento ng mamamayan ng daigdig ang nagbabangon o bumabangon laban dito.Ngunit buhay pa ang imperyalismo, nagwawala pa sa Asya, Aprika at latin Amerika.Sa kanluran binubusabos pa rin ng imperyalismo ang mamamayan ng kanilang bansa.Dapat baguhin ang kalagayang ito. Tungkulin ng mamamayan ng buong daigdig na wakasan ang pandarahas at pambubusabos na isinasagawa ng imperyalismo, at ang imperyalismong Amerikano sa kalakhan.

---------------------------------

* Ang halaga ay dapat 180 milyong dolyar na bente porsiyento ng 900 milyong dolyar.

** Dapat ay 300 milyon ang halaga.Lagi na lamang nagkakamali si Pomeroy sa kanyang kuwentada.

v


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.