Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Isang Gubat na Bangungot



Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

(This essay originally appeared in the Ang Bayan special issue of November 1, 1971 under the title "Pomeroy's Forest Nightmare".)

Ang librong The Forest ay isang "personal na kasaysayan" ng isang espesyal na ahente ng imperyalismong Amerikano na kasabay nito'y ahente rin ng makabagong rebisyunismong Sobyet. Ang libro ay tungkol sa pagtingin ng isang tao, isang nakakukuliling paguulit-ulit ng burges na tema na walang mararating ang pakikibaka at dumudusta sa rebolusyonaryong pakikibaka bilang isang bangungot.

Ang takutin ang masa sa armadong pakikibaka at papaniwalain silang wala itong kahihinatnan ang imbing layunin ni William J. Pomeroy sa pagsusulat ng aklat na ito. Ginamit niya ang patakbuhing paraang paglalarawan ng sarili bilang isang bayaning dumanas na kalunus-lunos na kapalaran sa loob ng isang gubat at pinalalabas na mas mabangis niyang kaaway ang kagubatan kaysa imperyalismong Amerikano, piyudalismo at burukrata kapitalismo.

Siyempre, para kay Pomeroy, pinakamadaling paraan ang sulatin ang makitid niyang karanasan sa ilalim ng lideratong Jose-Jeus Lava mula Abril 1950 hanggang Abril 1952 para maisagawa ang maitim niyang layunin na makaguhit ng mapanglaw na larawan at madilim na hinaharap ng rebolusyong Pilipino at makapagpalaganap ng mga lisya at kontra-rebolusyonaryong kaisipan. Bagaman 1963 na nang malathala, ang The Forest ay talagang walang ibinigay na paglilinaw tungkol sa "kaliwang" oportunismo ng lideratong Jose-Jesus Lava at sa pumalit na kanang oportunismo ng lideratong Jesus Lava mula 1955. Sukdulan pa ngang isa-isang pinapurihan ni Pomeroy sina Lava, Taruc, pati na si Sumulong.

Samantalang ang isang tunay na rebolusyonaryong proletaryo ay magpupursiging gumawa ng isang malinaw na Marxista-Leninistang pagtatasa at paglalagom sa mga kaganapan, si Pomeroy ay nagtampisaw sa pusalian ng pesimismong burges, itinuring ang sarili na isang "kapus-palad na bayani" gaya sa isang dulang Griyego, inaglahi ang sambayanang Pilipino, at pinagtakpan ang mga sanhi ng pagkabigo ng rebolusyonaryong kilusan. Ang dokumento ng pagwawasto ng Partido, ang "Iwasto ang mga Pagkakamali at muling Itatag ang Partido,"[7] ay matagal nang nagbigay ng paglilinaw hinggil sa panahon ng rebolusyonaryong pakikibaka na puntirya ng The Forest na sabuyan ng mga makamandag na kaisipan.

<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.