Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Mga Kontra-Gerilyang Pananaw

II.Hinggil sa lideratong Jose-Jesus Lava

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Ang kabanatang "The Philippine Model" ay angsentro ng siyam na kabanatng aklat ni Pomeroy. Dito, nagbitiw siya ng ilang umuupasala-sa-sariling pag-amin na kumumpirma sa mga katotohanang binabanggit sa dokumento ng pagwawasto, ang "Iwasto ang mga pagkakamali at muling itatag ang Partido," ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Tungkulin naming pasinungalingan ang malabnaw na dipensa ni Pomeroy sa mga batayang pagkakamali ng mga Lava. Simple itong magagawa sa pamamagitan ng paglalantad sa magkakasalungat na pahayag, labulabong paghahain ng mga problema, di-pagpapakita ng pagkakaiba ng istratehiya at taktika, at pagbibigay ng pangunahing diin sa mga pumapangalawang usapin.

Kaya mapanganib ang mga akda ni Pomeroy para sa rebolusyonaryong kilusan sa kasalukuyang panahon ay dahil ginagamit ng mga ito ang "kaliwang" oportunismo ng lideratong Jose Lava para mabigyang-katwiran ang kanang oportunismo. Sa kasalukuyan, mandi'y gustung-gusto na rin ng mga Lava na itakwil ang mga pagkakamali ng lideratong Jose Lava, ngunit ang gayon ay para lamang katigan ang kanang oportunismo at makabagong rebisyunismo nina Jesus Lava at William J. Pomeroy. Sinadya nilang palabuin ang kahulugan ng "kaliwang" oporto para mapawalang-sala ang lideratong Jose-Jesus Lava at maatake sa pamamagitan ng pambabaligtad ang Partido Komunista ng Pilipinas at ang Bagong Hukbong Bayan hinggil sa usapin ng armadong pakikibaka. Sinasabi ng rebisyunistang si Pomeroy na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig "walang organisadong insureksiyunaryong pagpupunyagi na may malinaw na malinaw na estratehiko at taktikal na layunin sa Pilipinas" tulad nang mayroon sa ibang dako ng Asya. Inamin niya naang HUKBALAHAP na naglunsad ng pakikidig- manggerilya laban sa pananakop ng Hapon ay binuwag pagkatapos ng digma at bumaling ang mga kadre at miyembro nito sa "mga legal na anyo ng parliyamentaryo at pangekonomyang pakikibaka."

Pero, para maipagtanggol ang imbing hangarin ng mga Taruc at Lava na magkaroon ng puwesto sa papet na reaksiyunaryong gobyerno noong panahon iyon, ani Pomeroy:

Kailangang isaalang-alang ng kilusang Huk ang katotohanang limitado ang organisasyon nito sa kalahating dosenang lalawigan sa pulo ng Luzon samantalang nasa iba't ibang dako ang puwersang gerilyang suportado ng Amerikano. Bukod pa rito, may naasaad sa batas na pangakong kalayaan ang Estados Unidos na ipatutupad sa 1946, at handa na ang isang malakas na papet na organisasyong pampulitika na bawiin ang pagpapatakbo ng bansa sa tulong ng hukbong Amerikano at ng hukbong sandatahan ng Pilipinas na kontrolado ng mga Amerikano.

Ang masa at hindi ang mga Lava at Taruc ang sinisi ni Pomeroy sa pagiging hindi handa ng "kilusan" laban sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas. Ang kawalang ito ng kahandaan ang pinalalabas na dahilan sa pagbuwag sa HUKBALAHAP at sa pagsawsaw ng mga Lava at Taruc sa negosyo ng parliyamentarismong burges. Ganap na pinagtakpan ni Pomeroy ang katotohanang nabigo ang mga buhong na ito na wastong magtaguyod ng patakaran ng pagkakaisa at pagtutunggali sa loob ng anti-pasistang alyansa noong panahon ng digma; na itinaguyod ng mga ito ang maling linyang "umatras at magtanggol"; na nakaligtaan nilang balaan ang masa sa pagbabalik ng imperyalismong Amerikano at ng mga mapagsa- mantalang piyudal; at hindi sila nakapagtayo ng matibay na demok- ratikong base para labanan ang pagbabalik ng mga halimaw na iyon.

Buong kahambugang sinabi ni Pomeroy na kustombre ng mga Huk ang pangaraping maging kapanalig nila ang hukbong Amerikano." Dapat paalalahanan ang buhong na rebisyunistang ito na bago, habang at matapos ang anti-pasistang digmaan laban sa Hapon, ang mga Lava at Taruc ang nanindigan na totoong ipagkakaloob ng imperyalismong Amerikano ang kalayaan ng sambayanang Pilipino. (May paniwalang-paniwala pang sinasabi ngayon si Pomeroy na isang "Anti-imperyalistang Liga" sa Estados Unidos para "tumulong na maitadhana ng Kongreso ng Amerika ang batas na maglalagay sa Pilipinas sa landas ng sariling pamamahala." Anong sariling pamamahala ang pinagsasasabi niya?)

Kinontra ni Pomeroy ang sarili nang aminin niyang sa harap ng kamay-na-bakal ng kaaway ay muling nagorganisa at lumaban ang Huk sa sarili nilang inisyatiba at nang halos walang gumagabay na sentro; na noong panahong ito ay sabog ang Partido Komunista, hindi nagkakaisa sa istratehiya at taktika at walang malinaw na perspektiba tungkol sa hinaharap. Noong tuluy-tuloy at lumalawak ang armadong pakikibaka mula kalagitnaan ng 1946 hanggang 1948, ang mga pinuno ng "kilusan" ay garapal na tumutulong sa kontra-rebolusyonaryong papt na estado sa kampanya niyong pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan at nagsusumamong "ibalik sa dating katayuan ang mga demokratikong karapatan."

Sa hangad na mapagtakpan ang lideratong Jose Lava, sinasabi ni Pomeroy na noong Mayo 1946 napili na ang "lideratong may mas malinaw na pananaw" at napagtibay na ang isang programa ng pakikibaka na "malinaw ang mga layunin ng kalayaan." Baligtad na namang muli sa nauna niyang sinabi, inamin ni Pomeroy na "ginawa ang gayong hakbang para magamit ang lumalakas na puwersa ng mga Huk bilang kartada sa paghingi ng demokratikong kapayapaan, para sa muling paglulunsad ng parliyamentaryong pakikibaka." Nagpakagumon ang mga Lava at Taruc sa pagsusumamo sa reaksiyunaryong gobyerno na pagtibayin ang "makabansa at anti-imperyalistang linya," sa halip na linawin at itaguyod ang tamang istratehiya at taktika ng digmaang bayan.

Kaya, noong Hunyo 1948, pinahintulutan ng "lideratong mas may malinaw na oryentasyon" si Luis Taruc na lantarang makipagtawaran sa papet na rehimeng Quirino sa pagbibenta ng rebolusyon. Pinagbunyi ni Pomeroy ang kataksilang ito sa rebolusyonaryong masa bilang tagumpay ng kilusang Huk. Tuwang-tuwa si Pomeroy na "ang kilusang Huk ay nakapagmaniobra at tumanggap ng amnestiya buhat sa pangulo."

Inamin pa ni Pomeroy na bagaman itinuloy ng liderato ng Huk ang "armadong pakikibaka at ang pagpapalakas ng puwersa mula 1948 hanggang 1949, hindi naman nito binitawan ang "posibilidad ng demokratikong pakikipagkasundo." Ayon sa kanya, inakala nito na ang suportang ibinigay sa partido Nacionalista at sa kandidatong si Jose P. Laurel noong eleksiyon ng 1949 ay magbubunga ng isang "mapayapang makabansang kasunduan."

Malinaw na sinabi mismo ni Pomeroy na dibdibang naglingkod ang mga Lava at Taruc bilang mga kinatawang pampulitika ng burgesya sa loob ng rebolusyonaryong kilusan pati na sa loob ng nagsanib na lumang partido. Nang mabigo lamang sa kanilang burges na ambisyong pampulitika saka nila inagaw ang pormal na pamumuno sa nagsanib na lumang partido mula sa mas walanghiyang Makakanan tulad nina Pedro Castro at Jorge Frianeze.[13] Tinangka nilang patuloy na gamitin ang rebolusyonaryong kilusang masa sa paghingi ng pampalubag-loob sa kaaway na mas tuso sa kanila sa larong trayduran.

Kumpisal ni Pomeroy:

Kung sa mula't mula o hanggang nitong 1948 ay nagluwag lamang ang imperyalistang Amerikano at mga kaalyadong komprdor-panginoong maylupa, natamo sana ang kapayapaan sa Pilipinas nang walang radikal na pagbabago sa sistemang panlipunan at nang walang marming nasayang na buhay at kayamanan.

Hindi namamalayan ni Pomeroy na ipinakikita niyang handa sanang makipagkasundo ang mga Lava at Taruc kung ibinigay lamang ng kaaway ang kanilang mga kahilingan at handang itigil ang armadong pakikibaka para pareparehong mapanatag ang lahat.

Sinabi ni Pomeroy na noong enero 1950, matapos ng tatlong taon ng panunupil at paglaban, idineklara ng kilusang Huk ang pag-iral ng isang "rebolusyonaryong kalagayan." Isinulong niya ang isang malabong pananaw na "umabante na ang kilusang Huk mula sa taktikal na depensiba at taktikal na pakikipagkasundo tungo sa taktikal na opensiba." Mapapansin natin dito na alinman sa hindi alam ni Pomeroy ang kanyang sinasabi o sinasadya niya lamang lituhin ang mga mambabasa.

Anong ibig sabihin ng "rebolusyonaryong kalagayan" na sumulpot noon lamang 1950? Madaling makita ang kakaibang pagpapakahulugan ni Pomeroy sa terminong ito, isang pagpapakahulugang hindi kumikilala sa kongkretong kalagayan ng isang malakolonyal at malapiyudal na bansa kung saan ang mga inaaping masa ay nakikibaka na laban sa mga reaksiyunaryo bago man noong 1950. Anu't anuman, ginamit niya ang termino para palabasing nang pormal na ideklara ng mga Lava at Taruc ang "rebolusyonaryong kalagayan" noong 1950, hinog na ang kondisyon para sa hukbong bayan na wala pang limang libo ang puwersa na maglunsad ng "istratehikong opensiba" upang makamit ang istratehikong layuning agawin ang kapangyarihang pampulitika sa buong bansa sa loob ng napakaigsing panahong dalawang taon.

Ang ibig niyang sabihin ng pag-abante mula sa "taktikal na depensiba at taktikal na pakikipagkasundo tungong taktikal na opensiba" ay pagtalon mula sa paglulunsad ng parliyamentaryong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka at paglahok sa Kanang oportunistang palasukong tindig tungo sa "kaliwang" paglihis sa matagalang digmaang bayan at kagyat na paglulunsad ng "istratehikong opensiba" para mapalaya ang bayan sa isang iglap. Ang kapusukan ng mga Lava at Taruc ay katangian ng mga talamak na elementong petiburges na nakapasok sa proletaryadong partido. Tulak ng suhetibismong burges o petiburges ang mga pabigla-bilang pagpaling sa kanan at "kaliwang" oportunismo.

Marami tayong makikitang pumupusturang Marxista-Leninista na mahina ang kukote. Wala pang batayan ng istratehikong opensiba noong 1950. Tulad pa rin ang mga kalagayan noong bago mag-1950 na istratehikong depensiba at taktikal na opensiba pa rin batay sa balanse ng mga puwersa. Ang paglulunsad ng digmaang gerilya at paglaban sa labas ng linya ng depensa (exterior line) sa loob ng larangan (interior line) ang pinakamabisang paraan ng pakikipaglabang magagawa natin sa isang malakolonyal at malapiyudal na bansa, ang isa-isang durugin ang malakas na puwersa militar ng kaaway sa malawak na kanayunan, at magkaroon ng mahabang panahon na kailangan para sa pagmumulat at pagpapakilos sa malawak na masa ng sambayanan sa buong bansa, ang mapalalim ang rebolusyong agraryo at anti-imperyalistang pakikibaka, at maitayo ang mga batayang sandata ng rebolusyon. Kung pinag-aralan lamang ng mga nagpapanggap na rebolusyonaryong ito ang mga akda ni tagapangulong Mao at ang mga kongkretong kalagayan ng Pilipinas, nalaman sana nila ang dapat gawin at hindi isinugal ang maliit na armadong puwersa ng rebolusyonaryong kilusan.

Nagbitiw si Pomeroy ng dalawang magkasalungat na pahayag na parehong tantiyadong magpapagaan at magtatakip sa istratehiko at taktikal na pananagutan ng lideratong Jose Lava:

  1. Ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng kilusang Huk ay ang malupit na panunupil militar, na inilunsad nang may malaking suportang militar ng Estados Unidos, ng isang hukbong inarmasan, sinanay at pinangangasiwaan ng isang pulutong na tagapayong militar na Amerikano.
  2. Bumagsak ang kilusang Huk, una sa lahat, dahil na rin sa mga taktikal na pagkakamali nito; pangalawa lamang ang lakas at ang mga patakaran ng mga puwersang pansupil.

Tulad ng sinumang sinungaling, sariling bibig mismo ni Pomeroy ang nagkanulo sa kanya.

Responsable ang lideratong Jose Lava sa mga istratehikong pagkakamali at hindi lamang sa mga taktikal na pagkakamali. Ang mga istratehikong pagkakamaling ito ay ginamit ng kaaway na nakalalamang sa puwersang militar. Kalokohan ang paggigiit ni Pomeroy na "hindi maiiwasan" ang isang armadong pakikibaka na may "insureksiyunistang katangian." Lalong kalokohan ang sinasabi niyang dapat ay sinabayan iyon ng iba't ibang anyo ng legal na pakikibaka." Isang baluktot na interpretasyon ng isang matagalang digmaang bayan ang kanyang sinasabi sa pagmumungkahing dapat itong itinaguyod bilang pampuno sa legal na pakikibaka.

Dapat maging malinaw sa lahat na segun sa angking lakas ng rebolusyonaryong armadong puwersa at ng buong rebolusyonaryong kilusan noong panahon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang patakarang istratehikong depensiba at taktikal na opensiba, na paglipol sa kaaway ang pangunahing anyo, ay dapat inilunsad na bago at pagkatapos ng 1950. Sa buong panahong ito, dapat naglunsad na ng mga legal na pakikibakang masa sa mga lungsod at kabisera upang suportahan ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

Napakatanga ni Pomeroy na sabihing ang mga pagkakamali sa teorya at istratehiya ng lideratong Lava ay dahil sa "kalakhan" sa "pagiging hiwalay ng pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas sa mga rebolusyonaryong kilusan ng ibang bansa" dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas.[14] Itinatangis niya na isa o dalawang pinuno lamang (siyempre, kasali ang sarili ng tarantado) ang nakalabas ng Pilipinas para makabahagi sa mga karanasan at aral ng mga pakikibaka ng ibang bansa. Sa halip amining nakarating na sa Pilipinas ang mga akda ni Tagapangulong Mao na buong kayabangang ibinasura ng mga Lava at Taruc na anila'y hindi angkop sa bansa, pinili ni Pomeroy na tumahi ng malaking kasinungalingan at sabihing "wala ang kilusang Huk nang ni isang teoretikal na akda ng sinumang Marxista o di-Marxista na maalam sa pakikidigmang gerilya."

Ang totoo, bago pa man magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakarating na sa Pilipinas ang mga teoretikal na akda nina Marx, Engels, Lenin, Stalin at Mao Tse Tung. Higit pa rito, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may karanasan na ang sambayanang Pilipino at ang HUKBALAHAP na mapag-aaralan at malalagom. Kaso nga lamang at ang laman ng kukote ng mga Lava at Taruc ay ang pagsalubong sa imperyalistang Amerikano, kaya pati na rin sa mga panginoong maylupa, noon pa mang Setyembre 1944, bagaman nahinto na ang patakarang "umatras para magtanggol." Noong hindi na mapigilan ang paglakas ng armadong pakikibaka ng rebolusyonaryong masa, sinabotahe iyon ng lideratong Jose Lava sa pamamagitan ng paggamit sa 90-week Master Training Schedule ng hukbong Amerikano at sa kaalaman ni Pomeroy tungkol sa hukbong Amerikano bilang mga pangunahing gabay.

Talagang katawa-tawang sabihin na ang kapalpakan ng Oktubre 1950, ang pagkakadakip sa buong prinsipal na liderato ng nagsanib na lumang partido sa Maynila, ay bunga lamang ng "sobrang tiwala," kawalang-ingat at mga maling hakbanging panseguridad ng pambansang kilusang mapagpalaya." Dapat malinaw na mapaabot sa lahat ng taksil na rebisyunista sa bansa na resulta ang kapalpakang iyon ng napakalaki at napakagagong pagkakamali, ng tahasang pagsalungat sa Marxismo-Leninismo ng mga namumunong kinatawan ng burgesya sa loob ng lumang nagsanib na Partido. Kahit ngayon, inuulit ang ganitong katunggakan ng mga taksil na rebisyunista. Ang pagpirmi ng lideratong Jose Lava sa isang lugar (sa Maynila) kung saan mas lalong mahirap itong makadipensa ay bunga ng kamalian sa teorya at istratehiya.

Sa lubus-lubusang pagtutuon sa mga sekundaryong dahilan para mapagtakpan ang mga pangunahing sanhi ng kabiguan ng lideratong Jose Lava at pati na rin ng pumalit na lideratong Jesus Lava, idinaing ni Pomeroy na "wala ni isa mang lider ang may kakayahang umunawa sa kabuuang teoryang militar o sa mga elemento ng istratehiya at taktika batay sa mga kalagayan ng Pilipinas"; na ang "kakulangan sa lideratong militar ay sinasaliwan pa ng mababang kalidad ng armas at paraang gerilya ng mga Huk"; at "wala ni anumang uri ng tulong, armas, pondo o kagamitan sa pagsasanay man lamang na dumating mula sa labas ng Pilipinas."

Desidido talaga si Pomeroy na linlangin ang sambayanang Pilipino at ang lahat ng rebolusyonaryo. Naghahanap siya ng mahuhusay na heneral na nagtapos sa burges na akademyang militar at hindi niya nakita kung paano lubos na humuhusay ang tunay na proletryadong rebolusyonaryong partido sa Marxista-Leninistang teorya at praktika at isinisilang ang mga tunay na lider nito sa takbo ng rebolusyonaryong pakikibaka. Hinamak niya "ang mababang kalidad ng armas na naagaw noong panahon ng anti-pasistang pakikidigma laban sa Hapon at ang mga puwede pang maagaw sa kaaway. Matindi niyang inirireklamo na mga machine guns at Browning automatic rifles lamang ang mga sandata ng hukbong bayan. Ano ba gusto niya? Ang magkaroon agad ang hukbong bayan ng mga tangke at eroplano? Baka pati atomic bomb ay gusto niyang magkaroon yayamang sagadsaran siyang tumahi ng kasinungalingan na ang hukbong bayan ay wala ni granada (na meron naman).

Ipinanlulumo ni Pomeroy na halos giting lamang sa pakikibaka ang sandata ng mga manggagawa at magbubukid. Hindi ba ito mabuti? Kung wastong mapanghahawakan ang puwersang pampulitikang ito, di sana'y nalikha nito ang mga bihasang teknisyan, ang sistemang radyo, ang gamit sa komunikasyon, ang mga bomba at ang iba pang ipinagdarasal lamang ni Pomeroy na makamtan. Ang pangunahing pagkakamali ng mga Lava at Taruc ay ang kanilang lantay militr na pananaw at putsismo.

Itinangis ni Pomeroy ang pangyayaring walang tulong na dumating mula sa ibang bansa para sa pambansang kilusang mapagpalaya ng Pilipinas. Sinulat niya na walang grupo o komite na magpapaabot sa daigdig kung ano na ang mga nangyayari sa bansa o mangangalap ng pandaigdigang suporta. Talagang pilipit ang ang pagtingin ni Pomeroy sa dakilang panuntunan ng proletaryong internasyunalismo. Mula't sapul nakakatanggap ng mga suportang babasahin ang rebolusyonaryong kilusan ng Pilipinas na sobra-sobra sa hinihingi ni Pomeroy. Hindi matatawaran ang malaking tulong ng pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo sa isang tunay na rebolusyonaryong kilusan. Lalaging malaking tulong sa sambayanang Pilipino ang mga rebolusyonaryong pakikibaka ng ibang bansa laban sa imperyalismong Amerikano.

Si Pomeroy ang "banyagang tagapayo" hindi lamang ng lideratong Jose Lava kundi pati na rin ng lideratong Jesus Lava. Siya ang nagbibigay ng "tagubiling teoretikal" sa patakaran ng "matagalang pakikidigma na may elemento ng pagkainip (attrition)" na pinagtibay sa isang biglaang komperensiya ng Komite Sentral noong Pebrero-Marso, 1951. Wala ring nangyari sa patakarang ito dahil hindi naiwasto at sa katunayan ay pinatgal pa nga ang "kaliwang" oportunismo ng lideratong Jose Lava. Ayon kay Pomeroy, kinailangan ng ng lideratong Jesus Lava sa dakong huli na "magbago ng taktika" noong 1955 "na sa wakas ay kumilala sa kahalagahan ng matagalang pakikibaka at sa taktikang pagsasanib ng armadong pakikibaka at legal na pakikibaka." Ang talagang ibig sabihin dito ay ang pagttaguyod ng linyag matagalang legal na pakikibaka at ng lagalag na rebeldeng pananaw ng mga natitirang kasapi ng hukbong bayan na nang lumaon ay nabulok at naging bandidong pangkating pinamunuan nina Taruc at Sumulong.

Laging ginagamit ni Pomeroy ang salitang "taktika" sa pagtukoy sa bawat yugto ng rebolusyonaryong kilusang masa sa ilalim ng mga Lava. Lumilitaw na walang tiyak na istratehikong linya ang liderato ng pangkating Lava. Siyempre, lagi silang may kung anong istratehikong linya at istratehikong pagkakamali. Sa katunayan, ang mga istratehikong pagkakamali ng mga Lava at ng kanilang mga alipuris ay sobra-sobra para ilublob sila sa kangkunga ng kasaysayan.

Mandi'y walang pagkalupig ang burges na liderato ng mga Lavaista, naniwala si Pomeroy na ang muling paglakas ng rebolusyonaryong kilusan noong dekada 60 ay bunga ng matagalang pakikibakang legal sa pamumuno ni Jesus Lava. [15] Alam ng lahat na pagtuntong ng 1960, wala ni isa mang sangay ng Partido ang nasa ilalim ng solo-katawang liderato ni Jesus Lava. Itinaguyod ang tuluy-tuloy na armadong pakikibaka sa kanayunan at ang rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran na wala siyang manda. Sa pagitan ng 1955 at 1964, inilunsad ni Jesus Lava ang sumusunod na mga "dakilang gawain" ng matagalang pakikibakang legal: paglayas sa kanayunan, pagkawalay sa pulitika dahil sa pagkukulong sa kanyang kuwarto, ang patakaran niyang buwagin ang partido at ang pagsuko niya sa reaksiyunaryong gobyerno sa katapustapusan. Noong 1963-64, garapal na pinasimulan ng bandidong pangkating Taruc-Sumulong ang sarili nitong kontra-rebolusyonaryong pamumuno sa mga gerilya ng Gitnang Luzon nang hindi man lamang tinutulan ni Jesus Lava.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.