Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Sa Ngalan ng Imperyalismong Sobyet

I.Hinggil sa Diktadura ng Proletaryado

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Ani Marx:

Sa pagitan ng kapitalista at komunistang lipunan ay may isangpanahon ng rebolusyonaryong transpormasyon nang una tungo saikalawa. Kalakip ng panahong ito ang isang panahon ng pampulitikangtransisyon kung saan ang estado ay hindi maaaring maging anupaman maliban sa rebolusyonaryong diktadura ng proletaryo.

Sa patnubay ng Marxismo at batay sa dakilang praktika ng diktadura ng proletaryo sa Unyon Sobyet, malinaw na binigyang diin ni Lenin:

Ang transisyon mula kapitalismo tungong sosyalismo aykumakatawan sa isang buong kabanata ng kasaysayan. Hanggang hindinatatapos ang kabanatang ito, inaasam-asam ng mga mapagsamantala namanumbalik ang dating kalagayan, at ang mga pag-asam na ito aymauuwi sa mga pagtatangkang papanumbalikin ang mga datingkalagayan.

Kaya, kaugnay nito, paulit-ulit niyang binigyang-diin: "Kailangan ang diktadura ng proletaryo."

Sa patnubay ng Marxismo-Leninismo at batay sa istorikong karanasan ng diktadura ng proletaryo sa Tsina at sa ibang bansa, sinabi ni Tagapangulong Mao nang mas lalong maliwanag:

Ang sosyalistang lipunan ay sumasakop sa isang may kahabaangkabanata ng kasaysayan. Sa istorikong kabanata ng sosyalismo,mayroon pa ring mga uri, mga makauring kontradiskyon at mgatunggalian ng uri, may tungalian sa pagitan ng sosyalistangtunguhin at kapitalistang tunguhin, at namamalaging banta angpanunumbalik ng kapitalismo. Dapat palakasin ang ating mgainstrumento ng diktadura, at hindi pahinain.

Sa pagkatuto sa istorikong karanasan ng Unyon Sobyet at ng iba pang rebisyunistang bansa, isinulong ni Tagapangulong Mao ang teorya ng tuluy-tuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at pinamunuan ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura para mapigilan ang panunumbalik ng kapitalismo sa isang sosyalistang lipunan. Ang bagong teoretikal at praktikal na mga ambag na ito ni Tagapangulong Mao na pinasimulan ng bantog niyang akdang "Hinggil sa Paglutas ng mga Kontradiksyon sa Hanay ng Mamamayan" noon pa mang 1957 ay nagdala sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo sa isang ganap na bago at mas mataas na antas. Ang lahat ng ito ay alinsunod sa Marxista-Leninistang pananaw na sa isang sosyalistang lipunan, na may habang isang buong kabanata ng kasaysayan, mayroon pa ring mga uri, mga makauring kontradiksyon at mga tunggalian ng uri.

Ano naman ang sinabi ni Pomeroy laban sa buod ng teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo, ang diktadura ng proletaryo? Aniya:

ang nangingibabaw ay isang "estado ng buong bayan." Sa madaling sabi, ang diktadura ng proletaryo ay hindi na ipinalalagay na isanginstrumento sa pagsupil ng mga kontra-rebolusyonaryong tunguhin,kundi bilang isang instrumentong tuwirang nakatuon na lamang sakaaway mula sa labas.

Ito ay isang dalisay na Kruschovismo at Brezhnevismo.

Matagal pa bago ang marahas na kontra-rebolusyonaryong kudeta na inilunsad ni Kruschov, pinagpilitan na ng mga kapitalista-ang-tunguhin sa Unyon Sobyet na wala nang mga uri, makauring kontradiksyon at mga tunggalian ng uri. (Maging si Kasamang Stalin ay adelantadong nagpahayag noong 1936 na wala ng tunggalian ng uri sa Unyon Sobyet, ngunit winasto niya ang maling pagtinging ito noong 1952.) Lumabas na ang pagpapatigil o pagpapalabnaw ng paglulunsad ng rebolusyonaryong tunggalian ng uri ay pagpapahintulot sa mga kinatawan ng burgesya na makasingit sa estado at partido ng proletaryo, maagaw ang liderato at mapanumbalik ang kapitalismo. Ang hindi mulat at masigasig na pagkumpas ng proletaryong pulitika sa lahat ng bagay ay pagkumpas ng burges na pulitika sa isang sosyalistang lipunan. May mga natitira, lingid at lihim na kinatawan ng malalaking burgesya (na iniitlog ng imperyalistang patakarang mapayapang ebolusyon) na handang umigkas sa kontra-rebolusyonaryong aksyon sa balatkayong teknikismo at ekonomismo anumang sandaling malingat ang diktadura ng proletaryo sa pangangalaga at determinasyong ituloy ang rebolusyon.

Tapos mapanumbalik ang kapitalismo sa pamamagitan ng mapayapang ebolusyon, hayagang iwinagayway ng mga anti-Marxista at anti-Leninista ang teoryang "estado ng buong bayan" at "partido ng buong bayan" para ipangalandakan ang pagkalusaw ng diktadura ng proletaryo at ng partido ng proletaryo. Itinayo ang bagong diktadura ng burgesya tulad nang kay Kruschov at kay Breshnev. Kaya, hindi na nakapagtataka na aminin ngayon nang buhong na anti-komunistang si Pomeroy na hindi na itinuturing ng kanyang panginoong rebisyunista ang diktadura ng proletaryo bilang ka- sangkapan sa pagsupil sa mga kontra-rebolusyonaryong tunguhin sa loob ng bansa. Para sa kanila ang kapangyarihang estado na mismo ang kasangkapan sa kontra-rebolusyon.

Sa buong aklat ni Pomeroy, malinaw na ang uri ng mga "tao" sa Unyon Sobyet na namumuhay sa istilong kapitalista ay nabibilang sa burgesya. Trinansporma nila ang sosyalistang ekonomya tungo sa monopolyo kapitalismong estado. Dinambong nila ang sentrong kaban ng estado at ng iba't ibang kompanya at mga bukirin, namuhay nang maluho para ng mga burges sa Kanluran, nilustay ang kayamanan ng lipunan na inipon sa loob nang kung ilang dekada sa pamamagitan ng sipag ng mga mamamayang anakpawis ng Unyon Sobyet at pinatindi ang pambubusabos at pagsasamantala para mapalaki ang kanilang tubo. Isang monopolyo burukratang burgesya ang kumukontrol sa estado at sa Partido, nagpapatakbo sa mga kasangkapan ng produksyon na parang mga kapitalistang empresa at nilalason ang edukasyon at kultura para umangkop sa mga kapitalistang mithiin nito. Nakakubabaw ang isang bagong burgesyang Sobyet sa manggagawang Sobyet, sa mga mamamayan ng iba't ibang nasyunalidad at mga mamamayan ng iba't ibang bansa, lalung-lalo na sa ilang bansa sa Silangang Europa at Republika ng Mamamayan ng Mongolia. (19)

Ang "diktadura ng proletaryo" ay itinuturing ni Pomeroy na isang kasangkapan "laban lamang sa kaaway mula sa labas." Gayunman, kapansin-pansin na hindi man lamang niya inatake, kahit pakunwari, ang imperyalismong Amerikano sa huling kabanata ng kanyang aklat kung saan pinakapuspusan niyang inilarawan ang rebisyunistang pananaw ng transisyon ng sosyalismo tungong komunismo. Sa kabilang dako, walang lubay ang kanyang pang-aalipusta sa Lenin ng kasalukuyang panahon, kay Tagapangulong Mao, at sa kanyang mga paninindigan -ang pandaigdigang rebolusyong proletaryo sa kasalukuyang panahon, ang Dakilang Proletaryadong Rebolusyong Pangkultura, ang proletaryo at mamamayang Tsino at ang Partido Komunista ng Tsina. Malinaw kung gayon na ang pagpapalakas ng armas at paghahanda sa digmaan ng mga rebisyunistang lider Sobyet ay nakalaan laban sa Tsina, sa komunismo, sa mamamayan at sa rebolusyon.

Sa tingin ng rebisyunistang si Pomeroy, ang usapin ng kapangyarihang pampulitika at ang diktadura ng proletaryo ay pansamantala at panimula lamang at pagkatapos ay ang pagtatayo na lamang ng ekonomya ang mahalaga. Kayat katsang niya:

Kung tatanungin ang isang Komunistang kadre tungkol sa magandang ibubunga ng kanyang ginagawa, malamang na maging sagot niya na ang matinding pakikibaka para sa kapangyarihang estado ay pasakalye palamang ng pakikibaka, ang simula ng mga problema, tapos nito saka pa lamang magsisimula ang mabigat at nakakapagod na gawain....

Sinasabi namin na ang pakikibaka para sa kapangyarihang estado ay hindi nagtatapos sa pagkakaagaw nito, at hindi ito pinakukupas ng pagtatayo ng ekonomya. Magpapatuloy ang tunggalian ng uri ng proletaryo at burgesya sa loob ng buong istorikong kabanata ng sosyalismo. Marapat lamang na ipagpatuloy ng proletaryo ang rebolusyon, pamunuan ang lahat at patatagin ang makauring diktadura nito.

Lalo lamang nilamon ni Pomeroy ang sariling mga salita nang ibulalas niya:

Pagkatapos ng ilang dekada ng mahigpit na sentralisadong diktadura ng proletaryo na kinailangan para maisulong at maipagtangol ang pagtatayo ng sosyalismo, sumulpot naman ang problema ng pagpapalawak ng demokratikong partisipasyon sa lahat ng larangan ng buhay....

Sa tono ng pananalita parang kinikilala niya rito ang pangangailangan ng diktadura ng proletaryo sa pagsusulong at pagtatanggol sa pagtatanggol ng sosyalismo. Pero ang talagang motibo niya ay mapalabas na ang diktadurang ito ang umiipit sa demokrasya. Tinanggihan niya ang katotohanang sa panahon nina Lenin at Stalin, nalikha ng diktadura ng proletaryo ang pinakamalawak na demokrasya para sa mga manggagawa, magbubukid at rebolusyonaryong intelektuwal, samantalang sinusupil nito ang mga kaaway ng bayan. Nabuko ang pagkamuhi niya sa tunay na demokrasya nang sabihin niyang hindi sa ang rebolusyonaryong pagkilos kaysa sa gawaing pangkabuhayan at sa paggigiit na ang mismong gawaing pangkabuhayan ay insigidang rebolusyonaryo. Ngakngak niya: "Ang isang sosyalistang empresang mahusay na pinatatakbo ay baka maging di-hamak na rebolusyonaryo pa ang mga ibubunga kaysa pinakamalaking demonstrasyon..." Kontra-rebolusyonaryo lamang ang magsasaisantabi ng proletaryong pulitika o magpapailalim nito sa gawaing pangkabuhayan. Itinuturo sa atin ni tagapangulong Mao: "Ang gawaing pampulitika ang nagabibigay-buhay sa gawaing pangkabuhayan."

Ang ika-20 Kongreso ng CPSU ay pinagkapuri-puri ni Pomeroy na umpisa ng "demokrasya" sa Unyon Sobyet. Ito ang kongreso ng kadiliman noong 1956 kung kailan naglunsad ng surpresang pagsalakay ang mga modernong rebisyunista, isang kontra-rebolusyonaryong kudeta, laban sa diktadura ng proletaryo at tinangkang ihasik sa buong daigdig ang makamandag na mga rebisyunistang kaisipang "parliyamentaryong landas," "mapayapang transisyon" at makauring pakikipagsabwatan sa imperyalismong Amerikano. Isinakatuparan ni Kruschov ang kanyang mga rebisyunistang hangarin sa maskarang "pagsugpo sa bulag na pagsamba kay Stalin."

Nagbigay si Mao ng napapanahong pagpuna sa mga taksil na rebisyunistang Sobyet, nang mariin niyang sinabi:

Sa palagay ko may dalawang "espada": ang isa ay si Lenin at ang ikalawa ay si Stalin. Itinapon na ng mga Ruso ang espada ni Stalin... Tungkol naman sa espada ni Lenin, binitiwan na rin ba ito ng ilang lider ng Unyon Sobyet? Sa tingin ko, matagal na itong binitawan. May kabuluhan pa ba ang Rebolusyong Oktubre? Puwede pa rin ba itong maging modelo para sa lahat ng bansa? Sinasabi ng ulat ni Kruschov sa ika-20 Kongreso ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet na puwedeng maagaw ang kapangyarihang pampulitika sa pamamagitan ng parliyamentaryong paraan, ibig sabihin, hindi na kailangan pang matuto ng lahat ng bansa mula sa Rebolusyong Oktubre. Sa sandaling buksan ang pintuang ito, para na ring ibinasura ang Leninismo.

Sa pagkatig sa anti-Marxista at anti-Leninistang tindig ng ika-20 Kongreso, itinuring ni Pomeroy na "demokratiko" ang anumang aksyon o asal na "kontra sa pagsamba kay Stalin." Ganap niyang ibinasura ang kabanata ng kasaysayan na nauna sa kontra-rebolusyon ng taksil na rebisyunistang pangkating Sobyet sa pamamagitan ng simpleng salamangka na ibunton ang lahat ng sisi kay kasamang Stalin, ang nangungunang kinatawan ng proletaryo tapos ni Lenin at bago ang pagkamkam sa kapangyarihan nang mga buktot na rebisyunista. Tulad nang kanyang among rebisyunistang Sobyet, wala siya ni katiting na pagpipitagan sa Marxista-Leninistang teorya ng mga uri, ng masa, ng mga partido at mga liderato. Ang ganap na pagtakwil kay kasamang Stalin ay isang buktot na pagtuligsa sa dakilang lider ng diktadura ng proletaryo at sa pandaigdigang kilusang komunista sa loob ng kulang-kulang tatlumpung taon. Ang pangangatwiran ng mga taksil na rebisyunista ay kumulapol maging kay Lenin nang pinakanakaririmarim na pandudusta bunga ng kanyang pagiging dakila at pinagpipitagang lider ng Sobyet at ng proletaryo ng buong daigdig at dahil sa malupit na pagsugpo sa mga kontra-rebolusyonaryo.

Ang itinuturing ni Pomeroy na "demokrasya" ay ang kudetang burges na isinagawa ng kanyang mga among rebisyunistang Sobyet, ang laganap na pasistang pamumurga sa lahat ng organisasyon ng Partido at gobyerno, mula sa ituktok hanggang sa laylayan, at ang paghalili sa mga namumunong proletaryong kadre nang burges na intelehensiya at nang mga pinakamasasamang latak ng lipunang burges. Halos 70 porsiyento ng kasapian ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Unyon Sobyet na nahalal noong ika-19 ng Kongreso ng 1952 ang pinurga sa ika-22 Kongreso noong 1961. Ang pagpurgang ito sa ibabaw ay sumasalamin sa mas malaking pagpurga sa ilalim. Isinaayos ng ika-22 Kongreso ang rebisyunistang programa ni Kruschov hinggil sa "tatlong kapayapaan" ("mapayapang pakikipamuhay," "mapayapang kompetensiya," at "mapayapang transisyon") at "dalawang kabuuan" (ang "partido ng buong bayan" at "estado ng buong bayan"). Pagdating ng ika-23 Kongreso noong 1966, pinurga ang halos 60 porsiyento ng miyembro ng Komite Sentral ng CPSU na nahalal sa ika-20 Kongreso. Benindisyunan ng ika-23 na Kongreso ang "bagong istema" o "repormang pangkabuhayan" na unang pinagtibay sa plenum ng Setyembre 1965 ng Komite Sentral ng CPSU na hawak ni Breshnev at ibayong nagsulong sa ganap na pagpapanumbalik ng kapitalismo.

Para kay Pomeroy, "kahanga-hanga" ang paglalabasan ng lahat ng uri ng halimaw mula sa kanikanilang lungga sa Unyon Sobyet. Labis niyang ikinagalak na sa mga halalan sa Sobyet ay nawala ang prestihiyo ng Partido Komunista at nahalal sa puwesto ang mga sagadsarang kontra-reboluyonaryo; na kontrolado ng mga burges na tagapamahala ang mga gamit sa produksyon at hinihigop ang yaman ng lipunan ng kanilang matataas na sahod at allowances, malalakig bonus at iba pang espesyal na pribilehiyo; na ginagaya ng burges na intelehensiya ang pinakabulok sa burges na Kanluraning Kultura sa maskarang "internasyunalismo." At ang lahat ng katiwaliang ito ay tinitingnan niya bilang "liberal na kapaligiran" at bilang "paglawak ng demokrasya." Sa pagtataguyod ng tinatawag ni Pomeroy na "sosyalistang legalidad," laksang bilang ng mga tunay na komunista ang ipinatapon ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa mga mental hospitals, sa mga bilangguan at mga concentration camps sapul noong lusawin ni Kruschov ang diktadura ng proletaryo. Naganap ang mga harap-harapang pagpaslang. Dinispatsa ang mga tangke at armored cars para supilin ang pag-aaklas ng mga rebolusyonaryong masa ng iba't ibang nasyunalidad laban sa malupit na pamumuno ng mga rebisyunista. Itinanim sa utak ng hukbong Sobyet ang rebisyunistang idolohiya at tinanggal ang mga rebolusyonaryong elemento. Nagpalabas ng sangkaterbang batas at kautusang pasista gaya ng "paglilimita sa mga gawaing hawak ng mamamayan," "mga amiyenda sa mga batayang prinsipyo ng batas kriminal," batas hinggil sa mga batayang alituntunin ng paggamit ng paggawa bilang kaparusahan" at mga "regulasyon hinggil sa panimulang pagkakapiit." Lumobo ang bilang ng mga pulis at espiya na naging parang mga asong ulol sa pagmamalabis. Walang lubay na ginamit ng hukbo, ang pulisya, ang mga bilangguan at ang mga korte sa pagpapatupad ng diktadura ng burgesya laban sa mamamayang Sobyet. Sa ilalim ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev, higit na naging mabangis ang sosyal-pasismo, sosyal-militarismo, at ang kapalaluan ng Dakilang Rusya kaysa sa panahon ni Kruschov.

Talagang ikinumpara ni Pomeroy ang "demokrasya" sa burukratismo at sinabing ito'y isang "kontroladong palakad sa pamamagitan ng mga daluyan" na dinisenyo ng taksil na rebisyunistang pangkatin. Para sa kanya kasumpa-sumpa ang rebolusyonaryong kilusang masa. Kaya, pahayag niya:

Kahanga-hanga ang pagkatalo ng Stalinismo at ang pagpapalawak sa demokrasya. Mula sa kasalukuyang repormang pangkabuhayan, sampu ng mga hinihinuhang mga epekto nito sa mga burukratikong gawi, makikita ang pagpunta nito tungo sa mas masaklaw na pagbabago. Ang gayong mga proseso ay hindi kailanman nakita sa mga pakikibakang masa ng mga mamamayang Sobyet.

Inamin ni Pomeroy na ang pag-alipusta kay stalin at ang "repormang pangkabuhayan" ay hindi kailanman nakita sa pakikibakang masa, manapa'y isinaksak lmang sa masa.

Sa ilalim ng pamumuno ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev, ganap na tumindig ang sosyal-imperyalismong Sobyet at nanalakay ng teritoryo ng ibang bansa at nagsamantala sa mga mamamayan ng mga bansang iyon. Pinatindi nito ang kanyang bagong tsarista at kolonyal na paghahari sa mga bansa sa Silangang Europa at sa Republika ng Mamamayang Mongolia. Sinalakay nito ang Czechoslovakia at pinagmalupitan ang mamamayan ng bansang iyon. Hindi nito pinalalampas ang munti mang paglihis ng opinyon ng liderato ng ibang rebisyunistan bansa at ugali na nitong gamitin ang Warsaw pact at ang COMECON para balaan ang takutin ang ibang bansa. Gayundin, hindi ito naglubay sa mga pagtatangkang sabotahiin at gibain ang Republika ng Mamamayang Albanya. Maraming ulit itong marahas na nanalakay sa teritoryo ng Tsina at tinangkang higitan pa amg mga lumang tsars. Sa iba't iba pang panig ng daigdig, lalo na sa Asya, Aprika, at Latin Amerika, panay ang pakikipagkutsabahan o kaya'y pakikipagkompetensiya nito sa imperyalismong Amerikano sa pagsasamantala at pagmamalupit sa mamamayan.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.