Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Anti-Marxismo at Eklektisismo



Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

(This essay originally appeared in the Ang Bayan special issue of June 15, 1971 under the title "The Anti-Marxism and Eclecticism of the Revisionist Pomeroy".)

Sa kalakhan, ang Guerilla Warfare and Marxism ay isang koleksiyon ng mga halaw sa iba't ibang akda. Pinamatnugutan ito ni William J. Pomeroy na umaming sentral na layunin ng aklat ang:

pagtingin hinggil sa armadong pakikibaka, ang ipakita kung paano sumulpot ang mga ito sa loob nang mahigit isandaang taon ng samutsaring pangyayari, at kung paano, base sa mga bagong karanasan, magagamit ang mga ito para linawin ang mga paksa ng pagtatalo na sumulpot sa mga kasalukuyang armadong pakikibaka.

Makikita agad sa isang sulyap lamang sa nilalaman, sa pangalan ng mga may-akda at sa bilang ng mga pahinang inilaan sa bawat artikulo, na mali ang pamagat ng aklat at ang sinasabing sentral na layunin at isang ganap na sinungaling ang patnugot na walang muwang at kontra sa Marxismo at sa rebolusyonaryong digmaang gerilya. Sa sarili niyang paraan ng pagpili at pagsusunud-sunod ng mga halaw na kinabibilangan ng mga lantarang anti-komunista, isang baluktot na paglalarawan ng Marxismo at ng lahat ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka ang ipinakita ni Pomeroy.

Sa pagturing sa sarili bilang isang Marxistang hukom at beteranong rebolusyonaryo, pinakamakapal ang sinulat ni Pomeroy sa kanyang aklat. Nagbigay siya ng isang mahabang pangkalahatang pambungad at mga pambungad sa bawat seksiyon, na puro naglalarawan ng kanyang anti-Marxistang paninindigan at sentrong layuning banatan si Kasamang Mao Tse Tung at ang kanyang Marxista-Leninistang teorya ng digmaang bayan. Dahil hindi niya pinagsisisihan na minsa'y naging bayaran siya ng taksil na anti-komunistang si Luis Taruc, isinama niya sa kanyang koleksiyon ang sipi mula sa kontra-rebolusyonaryo at pagbubuhat-ng-sariling-bangkong aklat na Born of the People. Isinama niya rin ang sipi mula kay Jorge Maravilla (na walang iba kundi siya rin) tungkol sa rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas, lalo na ang hinggil sa pagbagsak ng lideratong Jesus Lava noong 1950.

Ang pinagsama-samang sipi mula kina Marx, Engels, Lenin at Mao, ay di-hamak na mas maigsi kaysa sa mga patutsada ni Pomeroy. Sinarili ni Pomeroy at ng mga katoto niyang manunulat ng rebisyunistang World Marxist Review (gaya nina Enrique Lister ng Espanya, Zizis Zografos ng Gresya, Bashir Hadj Ali ng Algeria, Juan Rodriguez ng Venezuela, Alberto Gomez ng Columbia, Jose Manuel Fortuny ng Guatemala, Jose Guello at Asdrubal Dominguez ng Dominican Republic, at Luis Corvalan ng Chile) ang mga pahina ng aklat at mas marami pa silang sinabi kaysa pagsama-samahin man ang sinabi nina Marx, Engels, Lenin, Mao Tse Tung at Ho Chi Minh. Para kay Pomeroy, talagang walang alam si Stalin tungkol sa Digmaang Sibil at sa anti pasistang Dakilang Digmaan para sa Pagta- tanggol ng Inang Bayan bagaman pinahintulutan nito si Tito at ilang di-gaanong kilalang tao tulad nina I. Minz at A. Fyodorov na magsalita tungkol sa armadong pakikibaka sa Unyon Sobyet.

Si Pomeroy ay talagang isang experto sa pandurugas sa idolohiya na ang ilang pahinang sinipi mula sa mga dakilang lider kumunista ay nagawa niyang maging pambalot ng kanyang bulok na kalakal. Tumbok ng lahat ng pahina ng kanyang aklat ang garapal o kaya'y tusong pagtuligsa sa pandaigdigang kahalagahan ng teorya at praktika ng digmaang bayan ni Kasamang Mao Tsetung. Kaiba sa iba pa niyang mga kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang akda, si Kasamang Mao Tsetung, ang Lenin ng kasalukuyang panahon, ay madalas banggitin ni Pomeroy sa Guerilla and Counter Guerilla Warfare, iyon nga lamang at para ipakita na isa lamang si Mao sa maraming lider na kapantayan nina Kwame Nkrumah, Regis Debray, Ernesto "Che" Guevarra, ni Pomeroy mismo at ng mga katoto niyang rebisyunista.

Ang Guerilla at Counter-Guerilla Warfare ay isang patakbuhing imitasyong piyesa. Pansamantala, sapat na ang pagtutuon ng pag-aaral na ito sa mga kontra-rebolusyonaryong rebisyunistang pahayag ni Pomeroy para mailantad ang pangkalahatang katangian ng aklat at ang kanyang kontra-rebolusyonaryong layunin sa pagbubuo nito. Gayunman, itinatagubilin sa lahat ng kasama na masusing pag-aralan ang bawat siping mababasa sa akda at alamin ang teoretiko at istorikong kontexto niyon.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>
Back to CPP Documents


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.