3 sibilyan, dinukot ng militar sa Batangas

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Dinukot ng 59th IB noong Marso 27 ang tatlong sibilyan sa Batangas at itinago ng halos isang linggo. Dinampot sa harap ng Medical Center-Western Batangas sa Balayan sina Lloyd Descallar, Alfred Manalo at Angelito Balitostos. Si Balitostos, 65 anyos, ay nataon na nagdaraan habang dinudukot ang naunang dalawa.

Sina Manalo at Descallar ay mga boluntir ng Sugarfolks Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR)-Batangas. Matapos ang ilang araw na paghahanap at paggigiit ng grupo sa karapatang-tao, napilitan ang 2nd ID na amining nasa kustodiya nila ang tatlo.

Pwersahang pagpapasuko sa La Union. Sapilitang “pinasuko” ng mga pulis ang apat na mangingisda ng Timek ken Namnaman dagiti Babassit a Mangngalap iti La Union (TIMEK La Union-Pamalakaya) noong ikalawang linggo ng Marso. Ang apat ay mga residente ng Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union. Inimbitahan sila sa presinto para tumanggap diumano ng ayuda pero pagdating doon ay ipinresenta bilang mga “sumukong rebelde.”

Panggigipit sa mga sibiliyan sa Negros Occidental. Pinasok ang bahay at ininteroga ng mga pwersa ng 62nd IB sina Danilo at Libeth Gerunda ng Sityo Caliban, Barangay Banog-banog, Isabela noong Marso 26 at Marso 28. Kinunan ng mga sundalo ng litrato ang mga anak ng mag-asawa na edad 16, 12 at 5-taong gulang.

Militarisasyon sa Tondo at Batangas. Nanghalihaw sa komunidad ng Hapilan at Aroma sa Barangay 105, Vitas, Tondo ang mahigit-kumulang 90 sundalo ng 11th IB noong Marso 9. Nag-ikot sila para alamin ang kinaroroonan ng mga kasapi ng Gabriela at Kadamay. Ang Hapilan at Armona ay mga komunidad na nahaharap sa mga banta ng demolisyon para bigyan-daan ang proyektong Skyway Extension at land reclamation.

Nagbahay-bahay din ang mga elemento ng 59th IB sa Barangay San Isidro Sur, Sto. Tomas, Batangas noong Marso 12. Tata-maan ang komunidad ng itatayong proyektong Sto. Tomas-Malvar Diversion Road.

3 sibilyan, dinukot ng militar sa Batangas