18 pasistang tropa, napatay sa mga opensiba ng BHB-Eastern Visayas

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

Hindi bababa sa 18 sundalo ng 8th ID ang napatay at lima ang nasugatan sa serye ng mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northern at Western Samar noong Hunyo hanggang Agosto.

Kabilang sa mga napaslang ang limang tropa ng 4th Scout Ranger Battalion (SRB), isa sa pinakahuling pwersang “elite” na ipinakat sa rehiyon para “tapusin” ang hukbong bayan.

Sa Northern Samar, limang magkakasunod na operasyong haras ang isinagawa ng hukbong bayan sa Silvino Lobos at Las Navas. Limang armadong opensiba rin ang inilunsad ng mga Pulang mandirigma sa Matuguinao, Western Samar.

Samantala, sa Southern Leyte, iniulat kamakailan ng BHB-Leyte Island ang pagbigo sa isang reyd ng 14th IB na naganap noong Abril at mga pasistang ganting hakbang ng yunit militar sa sibilyang mga komunidad. Napatay sa armadong opensiba ng BHB ang dalawang ahenteng militar at nakumpiska sa kanila ang dalawang kalibre .45 pistola, at tatlong selpon.

Inilunsad ang mga operasyong ito sa gitna ng mga focus military operation ng 8th ID na may daan-daang pasistang tropa, at gamit ang kanilang abanteng mga kagamitang pandigma katulad ng mga helikopter, drone at iba pa.

18 pasistang tropa, napatay sa mga opensiba ng BHB-Eastern Visayas