4 na armas, nakumpiska ng BHB-Sultan Kudarat

,

Dinis-armahan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang despotiko at ahente ng 57th IB na si Junior Martinez sa Sityo Badiangan, Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat noong Nobyembre 13, alas-5 ng umaga. Nakumpiska sa kanya ang isang M16, isang shotgun, dalawang pistola, isang hand grenade, at radyong VHF.

Ginagamit ni Martinez ang naturang mga armas sa paninindak para mang-agaw ng lupa ng masang magsasaka sa lugar. Suportado si Martinez ng 57th IB at aktibong nakikipagtulungan sa mga sundalo.

Noong Nobyembre 10, naglunsad ng operasyong haras ang BHB-Sultan Kudarat laban sa detatsment ng 37th IB sa Sityo Pangyen, Barangay Hinalaan, Kalamansig. Pasimuno ang mga sundalo ng 37th IB sa pagsusugal, paglalasing at iba pang panggugulo sa baryo. Paulit-ulit din itong nangigiipit at namumwersa sa mga residente para “sumurender.” Ikinalugod ng mga residente ang opensiba dahil sa perwisyong hatid ng tropa nito sa lugar.

Sa Quezon, winasak at sinilaban ng BHB-Quezon ang dalawang dump truck na gamit ng kumpanyang kwari sa bayan ng Unisan noong Nobyembre 8. Isinagawa ito bilang babala sa mga kumpanyang sangkot sa proyektong nakasisira sa kalikasan.

4 na armas, nakumpiska ng BHB-Sultan Kudarat