Reminders

 

In canopied silence
We lurk
Longing to bask
In the freeing sunshine

In the waning gibbous moon
We advance
Step by spiral step
Towards the crimson dawn

In jagged slopes
We descend
To homes downtrodden
In treading our mass line

In mirage of leaves
We await
Camouflaged men
Daunted by our reckon

In sacrifice and hunger
We endeavor
For a bountiful tomorrow
Enslaving no longer

In blood, sweat, and bitter
We press on
For the liberation
Of farmhand and overworker

As in all unmentioned
Of these protracted polarities
Remind us every second over
That the people’s war
Is for the people’s peace.

2022

____

Mga paalala

Sa lilim ng katahimikan
Nakakubli kami
Nangangarap na mainitan
Sa mapagpalayang sikat ng araw

Sa ilalim ng maputlang nakukubang buwan,
Sumusulong kami
Hakbang-hakbang na pumapaimbulog
Tungo sa kulay-dugong bukang-liwayway

Sa matutulis na dalisdis
Bumaba kami
Tungo sa mga bahay ng pinagsasamantalahan
Sa yapak ng aming linyang masa

Sa likod ng kunwa’y mga dahon
Hinihintay namin
Mga lalaking nakakamoplahe
Na takot sa aming pagmamatyag

Sa sakripisyo at gutom
Pinagsisikapan namin
Ang isang masaganang bukas
Pagtatapos ng pang-aalipin

Sa dugo, pawis, at pait
Nagpupunyagi kami
Para sa kalayaan
Ng magbubukid at manggagagawa

Sa lahat na hindi na nabanggit
Na katulad sa mga matagalang pagkakaibang ito
Segu-segundo kaming napaaalalahanan
Na ang digmang bayan
Ay para sa kapayapaang bayan.


Reminders