Protesta ng pakikiisa ng TK para sa Palestine

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan (Bayan-TK), inilunsad ang kilos protesta sa University of the Philippines (UP)-Los Baños noong Mayo 30 upang suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Palestine laban sa kampanyang henosidyo ng Zionistang Israel na suportado ng imperyalismong US. Sinundan ang protesta ng gabi ng pakikiisa kung saan naghandog ng kulturang pagtatanghal ang iba’t ibang sektor at grupo para sa mamamayang Palestine.

Ayon sa Bayan-TK, “Dapat nang itigil ng Israel ang pambobomba at pang-aatake nito sa Gaza na pumatay sa hindi bababa sa 36,000 Palestino, kabilang ang 15,000 bata. Nasugatan din sa pambobomba ang halos 82,000 Palestino at nagpalayas sa daan-daan libo mula Oktubre 7, 2023.”

Nagpapatuloy ang henosidyo ng Israel laban sa mamamayang Palestine. Noong Mayo 26 at 28, binomba ng Israel ang tinurang “ligtas na lugar” ng al-Mawasi na malapit sa timog na syudad ng Rafah na kumitil sa buhay ng higit 45 tao. Sunud-sunod din ang pang-aatake sa hilaga ng Gaza kung saan noong Mayo 30, siyam ang namatay sa pag-atake ng mga pwersa ng Israel sa isang bahay sa Beit Hanoon.

Protesta ng pakikiisa ng TK para sa Palestine