Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Grupo sa karapatang-tao, nababahala sa mungkahing pagbabalik sa barangay intelligence network
January 26, 2024

Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang grupong Karapatan sa mungkahi ng upisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling buhayin ang barangay intelligence network (BIN) para umano sawatahin ang iligal na droga. Nangangamba ang grupo na magdudulot ito ng pagtindi ng ekstra-hudisyal na mga pagpatay at iba pang malulubhang paglabag sa […]

Reporma sa pensyon ng mga sundalo at pulis, tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos
January 25, 2024

Tuluyan nang binitawan ng rehimeng Marcos Jr ang tangkang pagreporma sa sistema ng mga pensyon ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang unipormadong tauhan ng estado. Sa huling mga pahayag ng kalihim ng Department of Defense na si Gilbert Teodoro at katatalagang kalihim ng Department of Finance na si Ralph […]

Dedlayn sa sapilitang konsolidasyon ng PUV, muling napaatras
January 25, 2024

Natulak ng sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor, sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at Tanggol Pasada Network ang rehimeng US-Marcos na muling iatras ang dedlayn ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) na […]

Ikinulong na mamamahayag na sinampahan ng kaso kaugnay sa "terorismo," muling iginiit na palayain
January 25, 2024

Muling ipinanawagan ng mga grupo ng mamamahayag at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na palayain ang pinakabatang mamamahayag na nakakulong sa buong mundo, si Frenchie Mae Cumpio, noong Enero 23. Nagprotesta sila, sa pangunguna ng Altermidya Network, sa Department of Justice sa Maynila. Itinaon ang protesta sa ika-25 kaarawan ni Cumpio at sa pagbisita ng Special […]

Paggunita sa anibersaryo ng Partido, inilunsad sa Rizal
January 25, 2024

Nagtipon ang mga kinatawan ng National Democratic Front of the Philippines upang sama-samang gunitain noong Enero 12 ang ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Kasabay nito, pinagpugayan at inalala ng PKP-Rizal ang isang taong anibersaryo ng pagpanaw ni Prof. Jose Maria Sison (Ka Joma) at ng iba pang mga rebolusyonaryong martir ng […]

Iligal na pagkukwari sa Zambales, inirereklamo
January 25, 2024

Inireklamo ng grupo ng mga tagapagtanggol ng kalikasan na Zambales Ecological Network (ZEN) ang iligal na pagkukwari sa dagat ng mga bayan ng San Narciso at San Felipe na kanilang napansin kahapon, Enero 24. Anila, dalawang aggregate carrier at isang dredger ang nasa dagat at nagkukwari ng buhangin na gagamitin sa reklamasyon sa Manila Bay. […]

Nakatakdang porum ng US Air Force sa UP Diliman, ipinaaatras
January 24, 2024

Nangangalap ng pirma para sa isang petisyon ang University of the Philippines Diliman (UPD) College of Science Student Council (CSSC) sa mga estudyante at organisasyon sa kampus nito para pigilan ang nakatakdang porum ng US Air Force Office of Scientific Research (AFOSR) sa UP Diliman sa darating na Pebrero 1. Ayon ito sa ulat ng […]

Estilong "Tokhang" na profiling sa La Union, kinundena
January 24, 2024

Kinundena ng grupo ng maliliit na mangingisda na Timek ken Namnama dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK) ang tangkang profiling ng pulis ng Agoo, La Union laban sa pangulo nitong si George “King” Cacayuran at tatlo pa nitong myembro. Ibinahagi ng grupo na “binisita” ng PNP-Agoo si Cacayuran at mga kasama nito sa […]

Planong pagpapalayas sa mga residente sa isang barangay sa Bataan, nilalabanan
January 24, 2024

Tutol ang mga residente ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan sa nakatakdang pagpapalayas ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa kanila mula sa komunidad sa darating na 2025. Itinutulak ito ng BBJVI para sa planong pagtatayo ng commercial-industrial zone sa naturang komunidad. Sa ulat ng Nagkakaisang Manggagawa ng Freeport Area of Bataan (NMFAB), nakipag-usap na […]

Grupo sa karapatang-tao, nanawagan sa rehimeng Marcos na itigil ang panloloko sa mga rapporteur ng UN
January 24, 2024

Binweltahan ng grupong Karapatan ang rehimeng Marcos sa pagkukunwari nito kaugnay sa kalagayan ng karapatang-tao sa bansa sa harap ng pagbisita ng Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion ng United Nations (UN.) “Itigil na ang panloloko,” ayon sa grupo laban sa pahayag ng rehimen na ang “malugod na pagsalubong” nito sa naturang rapporteur […]