Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Charter change, muling pinabubwelo ng pangkating Marcos
January 10, 2024

Tusong inilulusot ng mga kongresistang alyado ng rehimeng Marcos Jr ang pakanang charter change o pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng “people’s initiative” o pagkalap ng mga pirma para rito. Ibinunyag ng mga progresibong kongresista ng blokeng Makabayan ang paglipana ng gayong pakana sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pangunahing laman ng petisyon ang pagsingit […]

Mga kaso laban sa mga organisador ng KMU, ibinasura ng korte
January 09, 2024

Isinapubliko kahapon, Enero 8, ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyon ng korte sa Quezon City na ibasura ang mga kasong Direct Assault at Grave Coercion laban sa mga lider at organisador nito. Itinuring ito ng KMU bilang “mabuting balita” laluna sa pagbubukas ng taong 2024. Ang kaso ay isinampa ni Pcpl Mark Anthony Soliven […]

Pagpapalaya sa migranteng Pilipino na si Mary Jane Veloso, muling iginiit
January 09, 2024

Muling ipinanagawan ng Migrante International ang kagyat na pagpapalaya kay Mary Jane Veloso, migranteng Pilipinong biktima ng human at drug trafficking, na nakakulong sa Indonesia simula pa 2010. Iginiit ito ng grupo kasabay ng pagbisita ni Indonesian president Joko Widodo sa bansa mula Enero 9 hanggang Enero 11 para makipagpulong kay Ferdinand Marcos Jr. Nailigtas […]

Unyon ng manggagawa sa PhilFoods, papasok na sa negosasyon para sa CBA
January 07, 2024

Naigiit ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. (UPPFBPI-OLALIA-KMU) sa kapitalistang kumpanya na pagkasunduan na ang “bargaining ground rules” na gagamiting gabay sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Kasunod ito ng kilos-protesta ng mga manggagawa at ng unyon sa harap ng National Conciliation and Mediation […]

Bigas, pinakabilis tumaas ang presyo noong Disyembre
January 06, 2024

Sa gitna ng ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos na “bumagal” ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023, lalupang sumirit ang presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas tungong 19.6% ang tantos ng implasyon ng bigas (rice inflation) sa katapusan ng 2023, pinakamataas mula 2009. Mas mataas ito nang 3.7% kumpara sa […]

Pagtatanggal ng programang SHS sa mga SUC at LUC, binatikos
January 05, 2024

Binatikos ng mga guro at kabataang estudyante ang inilabas na memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nagsasabing ihihinto na ang mga programang Senior High School (SHS) o Grade 11 at 12 sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) sa darating na taong pampaaralan 2024-2025. Bahagi umano ito […]

Mga mersenaryong imbwelto sa pagmasaker sa Sagay 9, pinarusahan ng BHB-Northern Negros
January 04, 2024

Magkakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros laban sa mersenaryong Sarona Group noong Enero 2 sa bayan ng Purok Kawayan, Barangay Bug-ang, Toboso, Negros Occidental. Imbwelto ang Sarona Group sa pagmasaker sa tinaguriang Sagay 9 (o ng siyam na magtutubo) noong Oktubre 20, 2018 sa Barangay Bulanon, Sagay City. Ang […]

Iilang bagong klasrum ng DepEd, kinastigo ng mga guro
January 04, 2024

Kinastigo ng mga guro at ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) sa pagmamalaki nito sa karampot na 2,201 klasrum na naitayo ng kagawaran noong 2023. Malayong-malayo ito sa 165,000 kulang na klasrum sa buong bansa. “Ang DepEd mismo ang nagtarget na 5,000-6,000 ang mga […]

Daan-daang kabataan ng Southern Tagalog, ipinagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng PKP
January 03, 2024

Daan-daang kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Southern Tagalog ang nagdiwang sa ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa nagdaang linggo ayon sa balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa rehiyon. Ang ilan sa kanila ay nagdiwang sa loob ng larangang gerilya, kasama ang Bagong Hukbong Bayan. Sa balita ng dyaryo ng KM-Southern […]

Hindi lumiliit, bagkus ay lumaki, ang bilang ng naghihirap sa Pilipinas
January 03, 2024

Taliwas sa ipinagmayabang ng rehimeng Marcos kamakailan na lumiit ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap noong unang hati ng 2023, dumami sa aktwal ang mga pamilyang nabubuhay sa ilalim ng pamantayan ng kahirapan. “Nagmumukha lamang na mas mababa ang tantos ng kahirapan dahil ikinumpara ito sa tantos noong nakapailalim ang Pilipinas sa lockdown,” pahayag ng […]