Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga magsasaka at maralitang Negrosanon, nagpetisyong ipabuwag ang NTF-Elcac
December 09, 2023

Nagprotesta sa harap ng lokal na Commission on Human Rights sa Bacolod noong Disyembre 7 ang mga magsasaka at maralitang Negrosanon para igiit ang kagyat na pagbubuwag sa NTF-Elcac. Kasabay nito, naghain sila ng pormal na petisyon at nakipagdayalogo sa mga upisyal ng ahensya. Pinirmahan ng 1,500 magsasaka at maralita ang petisyon. Pinangunahan ang pagpetisyon […]

5 sundalo ng 96th IB, napatay sa kontra-atake ng BHB-Masbate
December 09, 2023

Hindi bababa sa limang umaatakeng sundalo ng 96th IB ang napatay habang tatlo ang nasugatan sa kontra-atake ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate sa Sityo Macabuhay, Barangay Dorongan, San Jacinto sa isla ng Ticao, Masbate noong Disyembre 1. Para salagin ang umaatakeng yunit ng 96th IB, nagpasabog ng command-detonated explosive ang mga Pulang mandirigma. Samantala, ligtas […]

Oplan pinta-oplan dikit, ikinasa ng KM-Quezon
December 09, 2023

Inilunsad ng mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM)-Quezon Balangay Dani Lagrama ang oplan pinta-oplan dikit (OP-OD) sa Lucena City, sentrong bayan sa prubinsya ng Quezon, noong unang linggo ng Disyembre para ipagdiwang ang ika-59 anibersaryo ng KM. Ayon sa balangay, pinasisinungalingan nila ang naunang deklarasyon ng rehimeng US-Marcos at lokal na gubyerno na “insurgency-free” ang […]

Bai Bibyaon, magiting na lider ng Talaingod Manobo at pambansang minorya, pumanaw na
December 09, 2023

Inianunsyo ng grupong Sabokahan Unity of Lumad Women noong Disyembre 6 ang pagpanaw ng magiting na lider ng mga Talaingod Manobo na si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay noong Nobyembre 20. Pinamunuan niya ang iba’t ibang pakikibaka ng Lumad mula Mindanao hanggang Metro Manila. Ayon sa grupo, pumanaw siyang kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. […]

Mga kasapi ng Partido sa Central Negros, muling nanumpa sa gitna ng operasyong militar
December 09, 2023

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), inilunsad ng mga kadre at kasapi ng Partido sa Central Negros ang muling panunumpa sa bandila noong Disyembre 4. Pursigidong inilunsad ng yunit ng Partido ang aktibidad sa larangan sa gitna ng operasyong kombat ng militar sa erya. “Kolektibong inilunsad ang aktibidad […]

Magsasaka, pinagbabaril at pinatay ng 62nd IB
December 09, 2023

“Hindi yan totoo! Maghahanap ako ng hustisya para sa aking asawa!” Buong paghihinagpis na sigaw ni Nora Tobalado, asawa ng magsasakang si Braulio Tobalado o Banny. Si Banny ay pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB sa bakuran ng kanyang tahanan sa Sityo Karanawan, Barangay Amuntay, Binalbagan, Negros Occidental noong Disyembre 6 ng alas-5 ng […]

Mga mamamahayag sa Bicol, ginigipit ng 9th ID
December 08, 2023

Kinundena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at AlterMidya Network ang panggigipit ng mga elemento ng 903rd IBde kay Reynard Magtoto, myembro ng NUJP at Altermidya at mamamahayag ng Baretang Bikolnon. Napag-alaman ng NUJP na nagpadala ng sulat si Capt. Michelle Estares ng 903rd IBde sa kapitan ng barangay kung saan nakatira […]

Mababang kasanayan ng mga estudyante, resulta ng pagpapabaya ng estado sa edukasyon
December 07, 2023

Resulta ng pagpapabaya ng estado ang mababang performance o grado ng mga estudyante sa pinakahuling Programme for International Student Assessment o PISA. “Ang performance ng Pilipinas sa pagbabasa, matematiks at syensya ay halos katulad lamang noong 2018, kung kailan pinakamababa ang grado nito sa 79 bansang lumahok sa pag-aaral,” pahayag ni House Deputy Minority leader […]

Sara Duterte, kinastigo sa kontra-kapayapaang tindig
December 06, 2023

Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pahayag ni Sara Duterte, bise presidente at kalihim ng kagawaran sa edukasyon, laban sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at pangkatin ni Ferdinand Marcos Jr. Ito ay matapos hindi nakapagtimpi at lantaran niyang pinuno si Marcos Jr sa pagsabing ang […]

Pagbubuwag sa NTF-Elcac, muling ipinanawagan
December 05, 2023

Naglunsad ng protesta ang mga grupo sa karapatang-tao sa Quezon City noong Disyembre 4 para ipanawagan ang pagbubuwag sa National Task Force (NTF)-Elcac at pagpapatigil sa kampanyang teror at pambobomba ng AFP sa kanayunan. Isinagawa ang pagkilos kasabay ng ika-5 anibersaryo ng paglalabas ng dating rehimeng Duterte sa Executive Order No. 70 na nagbuo sa […]