Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Rodrigo Duterte, hindi sumipot sa korte
December 05, 2023

Hindi sumipot sa korte sa Quezon City para sa paunang imbestigasyon si dating pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 4. Kaugnay ito ng imbestigasyon sa kasong malalang pambabanta na isinampa ni House Minority Deputy Leader at ACT Teachers Rep. France Castro laban sa kanya. Nagpiket ang mga guro at aktibista sa korte para suportahan si Rep. […]

Mga bilanggong pulitikal, ikinalugod ang posibilidad ng negosasyong kapayapaan
December 04, 2023

Ikinalugod ng mga bilanggong pulitikal ng Pilipinas ang posibilidad ng panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Umaabot sa 800 ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa bansa. “Bubuksan kaya ang pintuan ng mga kulungan para sa mga nakapiit sa muling […]

Pagkamatay ng 67-anyos na bilanggong pulitikal sa Cagayan, pananagutan ng rehimeng Marcos
December 04, 2023

Isinisi ng National Democratic Front (NDF)-Cagayan Valley sa rehimeng Marcos ang pagkamatay ng 67-anyos na bilanggong pulitikal na si Cristeta Miguel sa sakit na kanser sa baga noong Nobyembre 20. Namatay siya sa loob ng kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tuguegarao City nang walang hustisya laban sa hindi makatarungang pag-aresto […]

Mga upisyal ng AFP, kontra sa pagpapalaya sa mga konsultant ng NDFP
December 04, 2023

Ilang araw matapos magkahiwalay na inianunsyo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) ang pagpirma ng kanilang mga kinatawan sa Oslo Joint Statement, sunud-sunod ang bwelta ng mga upisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga retiradong heneral na nasa gabinete ng rehimeng Marcos laban […]

Balangay Eduardo Aquino ng Kabataang Makabayan, itinatag
December 03, 2023

Inianunsyo ng Kabataang Makabayan (KM) sa University of the Philippines-Manila ang pagkakatatag ng balangay nitong tinaguriang KM-Eduardo Aquino noong Nobyembre 30. Ipinabatid ito ng grupo sa isang ipinaskil na pahayag sa College of Arts and Sciences sa unibersidad. Anang balangay, dahil sa kaliwa’t kanang krisis pampulitika at ekonomya, tinatawag ang mga kabataan ng Inang Bayan […]

Sara Duterte, gustong brasuhin ang DoJ kontra ICC
December 03, 2023

Nagsumite ng sulat si Bise Presidente Sara Duterte sa Department of Justice para ipahayag ang sinasabi niyang “balido” na mga argumento laban sa pakikipagtulungan ng ahensya at bansa sa International Criminal Court (ICC). Kinumpirma ito ng DoJ mismo noong Disyembre 1. Ayon sa tagapagsalita ng DoJ na si Mico Clavano, namumutiktik ang sulat ng “ligal […]

Pangingikil ng 62nd IB ng ₱2,000 sa Negros Occidental, ibinibintang sa BHB
December 03, 2023

Desperadong ibinibintang ng mga sundalo ng 62nd IB sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang pangingikil ng mga sundalo ng ₱2,000 kay Bitoy Garsula sa Sityo Patag, Barangay Riverside, Isabela, Negros Occidental noong Nobyembre 23. Ginamit ng mga bulaang sundalo ang pangalan ng hukbong bayan para mangikil. Hindi pa nakuntento, sapilitan pang pinasok at hinalughog […]

Dalawang bats ng pagsasanay militar, inilunsad ng BHB sa Southern Tagalog
December 02, 2023

Dalawang iskwad ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang nagtapos sa inilunsad na magkasunod na bats ng mga pagsasanay militar noong Nobyembre sa mga larangang gerilya sa Southern Tagalog. Inilugar ang pagsasanay sa gitna ng focused military operations ng pwersang militar at pulis sa mga larangan sa rehiyon. Ayon kay Ka Guillen, […]

Laban ng mga manggagawa ng Jollibee sa New Jersey, tagumpay
December 02, 2023

Matapos ang ilang buwang paggigiit, nagtagumpay ang siyam na manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa Jollibee Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US sa kanilang laban matapos iligal na tanggalin noong Pebrero. Makatatanggap ang siyam ng $84,600 (sa anyo ng back pay o sweldo sa panahong sila’y iligal na sinisante at bayad pinsala). […]

Kaso laban sa organisador ng manggagawa sa Quezon City, ibinasura
December 02, 2023

Ibinasura ng isang korte sa San Mateo Rizal ang kasong frustrated homicide laban sa organisador ng manggagawa na si Benjamin Cordero noong Nobyembre 29. Inaresto si Cordero noong Oktubre 25, 2022 sa kanyang tinutuluyan sa Quezon City at nakalaya rin matapos magpyansa. Si Cordero ay lider ng Samahan ng Manggagawa sa Quezon City at tumatayong […]