Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Alok na amnestiya ni Marcos, itinakwil ng BHB-Negros
November 25, 2023

Walang pag-aatubiling itinakwil ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros Island Regional Operational Command ang pinakahuling “programang amnestiya” ng reaksyunaryong estado. Noong Nobyembre 24, naglabas ng proklamasyon ang rehimeng Marcos na naggagawad ng amnestiya sa mga “dating kasapi ng CPP-NPA-NDF o kanilang mga prenteng organisasyon.” Tinawag ito ng BHB-Negros na “bogus at isang katangahan” na katulad ng […]

82nd IB, 2 beses na pinaputukan ng BHB sa Iloilo
November 24, 2023

Dalawang armadong opensiba ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay (Jose Percival Estocada Jr Command) laban sa tropa ng 82nd IB noong Nobyembre 21 at Nobyembre 12. Ayon sa yunit, ang serye ng armadong aksyon ay tugon sa malaon nang panawagan ng masang magsasaka para sa hustisya para sa mga biktima […]

21-gun salute para sa mga martir ng Eastern Visayas, inilunsad
November 24, 2023

Isinagawa ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Eastern Visayas kahapon ang tahimik na 21-gun salute bilang pagpaparangal sa Imelda 6 o anim na kasamang namartir sa teroristang pambobomba ng 8th ID sa Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar noong Nobyembre 23, 2022. Ipinanawagan ang gun-salute ng National Democratic Front-Eastern Visayas para pagtibayin […]

Mga testigong binawi ang sinumpaang salaysay kontra kay De Lima, umabot na sa 14
November 24, 2023

Matapos pansamantala nakalaya si Leila de Lima, pitong “saksi” pa ang bumawi ng kanilang mga sinumpaang salaysay laban sa dating senadora. Lahat sila’y nagsabing napilitan lamang silang magsalita laban kay De Lima dahil sa banta sa kanilang buhay. Lahat ng mga “saksi” na ito ay hinatulang mga kriminal na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) […]

Mga kasong paglabag sa terror law kontra sa 3 aktibista, ibinasura
November 24, 2023

Magkasunod na ibinasura ng mga korte ang patung-patong na mga kasong isinampa ng 59th IB laban sa tatlong aktibista sa Southern Tagalog. Ikinalugod ng mga grupo sa karapatang-tao at ng mga biktima ang naging desisyon ng korte na isaisantabi ang mga kasong ito na anila’y pawang panggigipit at paninindak ng estado. Noong Nobyembre 21, ibinasura […]

3 Lumad na kumukuha ng durian, pinaulanan ng bala ng 88th IB
November 23, 2023

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 88th IB ang mga Lumad na kinilala lamang bilang Levi at Jemboy at isang di pinangalanan sa Sityo Takukon, Barangay Indalasa, Malaybalay City, Bukidnon noong Nobyembre 17 ng umaga. Nasa gubat ang tatlo para kumuha ng duryan nang bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga sundalo. Bugbog, sugat […]

Daan-daang drayber at opereytor, nagmartsa tungong Mendiola kontra PUV phaseout
November 23, 2023

Nagmartsa ang mahigit isanlibong drayber at opereytor ng dyip at mga public utility vehicle (PUV), mga manggagawa, maralita at iba pang sektor mula sa Welcome Rotunda tungong Mendiola sa Maynila noong Nobyembre 22, huling araw ng tatlong-araw na tigil-pasada, para batikusin ang kontra-mahirap na sapilitang konsolidasyon sa prangkisa at phaseout sa mga dyip at PUV. […]

Pandaigdigang kumperensya sa karapatang-tao, nanawagan ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Pilipinas
November 22, 2023

Makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Pilipinas ang panawagan ng pandaigdigang kumperensyang pangkapayapaan na inilunsad ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) sa Bangkok, Thailand noong Nobyembre 7-9. Dinaluhan ang kumperensya ng 120 delegado mula sa 30 organisasyon. Uminog ang talakayan ng kumperensya sa temang “The Peace We Want” (Ang Kapayapaang Gusto Natin). […]

18 pasistang tropa, napatay sa mga opensiba ng BHB-Eastern Visayas
November 21, 2023

Hindi bababa sa 18 pasistang sundalo ang napatay nito na mga sundalo ng 8th Infantry Division habang lima ang nasugatan sa serye ng mga taktikal na opensiba ng mga yunit ng BHB sa Northern at Western Samar mula Hunyo hanggang Agosto. Ito ang laman ng ulat kamakailan ng panrehiyong kumand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) […]

Karahasang militar at panganganyon ng 803rd IBde noong eleksyong pambarangay
November 21, 2023

Walang pakundangan at walang pagkukubli ang 803rd IBde sa paghahasik ng terorismo sa mga barangay ng Northern Samar na ibayo nitong pinatindi noong Oktubre, panahon ng eleksyong Barangay-Sangguniang Kabataan. Sa ulat ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Samar (Rodante Urtal Command), kabi-kabila ang mga kaso ng panganganyon at pagkakampo ng mga yunit ng 803rd Infantry Brigade-Philippine Army […]