Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

NGO, lider-manggagawa sa Cebu, ginigipit sa kasong "terorismo"
September 28, 2023

Mariing kinundena ng Community Empowerment Resource Network (CERNET), Inc., isang non-governmental organization na nakabase sa Central Visayas, ang panggigipit ng estado sa mga tauhan at kaugnayan nitong organisasyon. Noong Agosto, nakatanggap ang NGO ng subpoena (pagpapatawag) mula sa Department of Justice kaugnay sa kaso ng “terrorist financing” ng 27 indibidwal na mga dati at kasalukuyan […]

Mga manggagawa sa Cebu, ginigipit gamit ang EO 23
September 28, 2023

Ibinalita ng AMA Sugbo-KMU noong Setyembre 25 ang dalawang beses na panggigipit ng mga pulis sa kanilang mga kasapi sa ngalan ng Executive Order 23 (EO 23). Binuo ng kautusang ito ang Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers, ang huwad na tugon ng rehimeng Marcos […]

Reaksyunaryong sistemang hustisya, di epektibo sa pagresolba sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao
September 28, 2023

Kinundena kamakailan ng grupo sa karapatang-tao ang sunud-sunod na mga desisyon ng Ombudsman at Court of Appeals kaugnay sa mga kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ayon sa grupong Karapatan, ang “nakababahala” na padron ng mga desisyong ito ay nagpapatunay sa kainutilan o kawalan ng mga mekanismo para harapin ang papalalang kalagayan sa karapatang-tao sa […]

Katiting na rolbak sa presyo ng langis, insulto sa maralita
September 27, 2023

Binatikos ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang malinaw na walang-saysay na ₱0.20/litro rolbak sa presyo ng gasolina at diesel, at P0.50/litrong rolbak sa presyo ng kerosene simula kahapon. Anila, isa itong malaking insulto sa masang maralita. “Wala itong epekto sa pagtugon sa lumiliit na kita ng mga drayber […]

Masaker sa 6 na indibidwal sa Kabankalan City, pinaiimbestigahan
September 27, 2023

Iginiit ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na dapat imbestigahan ng mga independyenteng institusyon at ng Commission on Human Rights ang nangyaring pagpaslang sa anim na indibidwal sa pinalalabas ng 47th IB na namatay sa engkwentro sa pagitan ng isang yunit nito at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ayon kay Bishop Alminaza, dapat malaman kung […]

Mga upisyal ng NTF-Elcac, 'guilty' sa red-tagging
September 26, 2023

Hinatulang maysala ng Ombudsman sa administratibong kasong may kaugnayan sa red-tagging ang mga dating upisyal at tagapagsalita ng National Task Force-Elcac na sina Lorraine Badoy at Antonio Parlade Jr. Batay ito sa desisyon ng Ombudsman noong Marso 23 na isinapubliko noong Setyembre 21. Batay ito sa kasong isinampa ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) […]

3 upisyal ng unyon ng Nexperia, balak tanggalin ng kumpanya
September 26, 2023

Nagprotesta ang mga manggagawang kasapi ng unyon sa Nexperia Philippines sa planong pagsisante ng kumpanya sa walong manggagawa nito, kabilang ang tatlong upisyal ng unyon, sa pamamagitan ng mandatory separation. Tinawag nilang “tahasang pambabalusabas” sa kanilang collective bargaining agreement (CBA) ang gagawing tanggalan partikular sa probisyon na Last In First Out (LIFO). Para bigyan-katwiran ang […]

Mga "crab net" ng mga mag-aalimango sa Gubat, iligal na kinumpiska
September 26, 2023

Iligal na pinasok ng armadong ahente ng estado ang mga tahanan ng 10 myembro ng Cota na Dako Crablet Workers Association at kinumpiska ang kanilang “duyan-duyan” o crab net noong Setyembre 22, bandang 6:30-7:30 ng umaga. Sinalakay ang mga bahay ng di bababa 25 elemento ng coast guard at pulis at mga tauhan ng Municipal […]

Organisador sa Isabela, inaresto sa gawa-gawang kaso
September 25, 2023

Iniulat kahapon, Setyembre 24, ng grupong Karapatan-Cagayan Valley ang di makatarungang pag-aresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 2 sa organisador sa komunidad na si Michael Eraña, 46, sa Barangay Nilumisu, Echague, Isabela. Inaresto siya noong Setyembre 21 at kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Santiago City. Inaresto siya ng mga pulis […]

Militanteng unyon ng mga panadero, panalo sa eleksyon sa Laguna
September 24, 2023

Naipanalo ng militante at makabayang unyon na Panadero ng Philfoods Fresh Baked Product Inc (PPFBPI)-OLALIA-KMU ang eleksyon sa sertipikasyon para sa unyong kakatawan sa mga manggagawa ng pagawaan noong Setyembre 22. Nakakuha ng 295 na boto ang unyon sa kabuuuang 341 bumoto sa eleksyon, habang 25 boto ang nakuha ng katunggaling unyon. Ang Philfoods Fresh […]