Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

AFP, kidnapper at sinungaling!
September 24, 2023

Naglunsad ng raling-iglap ang kabataan sa ilalim ng Anakbayan at iba pang grupo sa harap ng Camp Aguinaldo kahapon, Setyembre 23, para kundenahin ang pagdukot o pagkidnap, detensyon at pamimilit sa dalawang aktibistang pangkalikasan na sina Jhed Tamano at Jonila Castro. Kinundena din nila ang mga kasinungalingang patuloy na ipinalalaganap ng militar matapos matapang na […]

1-linggong kampuhan ng mga magsasaka sa Antipolo, inilunsad
September 24, 2023

Inilunsad noong Setyembre 18 ng mga magsasaka sa ilalim ng Pagkakaisa at Bukluran ng Magsasaka sa Nagpatong Inc (PBMSN, INC) ang kanilang 1-linggong kampuhan sa Sityo Nagpatong, Barangay San Jose, Antipolo City. Layunin ng kampuhan na igiit ang kanilang karapatan sa lupa na dalawang dekada na nilang binubungkal. Kasabay ito sa dayalogo na nais nilang […]

Mag-asawang sibilyan, pinaslang ng militar sa Masbate
September 24, 2023

Namatay sa pamamaril ng mga sundalo at elemento ng CAFGU ang mag-asawang sina Jover “Dodo” Villegas, 40 anyos, at Aimee Villegas na taga-Sityo Basak, Barangay Luna, Placer noong Setyembre 21, bandang alas-5 ng umaga. Para makatakas sa pananagutan, pinalalabas ng mga berdugo na mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay sa engkwentro ang […]

Mapanirang operasyong kwari sa Mindoro, pinarusahan ng BHB
September 24, 2023

Pinatawan ng aksyong pamarusa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang operasyong kwari sa gitna ng Ilog Bongabong, Barangay Hagupit, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 20 ng hapon. Pinaralisa at sinunog ng mga Pulang mandirigma ang isang payloader na ginagamit sa operasyong kwari ni Mayor Elgin Malaluan ng bayan ng Bongabong. Ayon kay Ka Madaay Gasic, […]

Unyon sa Pasig City, nagprotesta kontra 'deadlock' sa CBA
September 24, 2023

Naglunsad ng protesta ang mga manggagawa ng Valle Verde Country Club, Inc. Employees Union (VVCCIEU) sa Pasig City noong Setyembre 18 bilang pagkundena sa kasalukuyang deadlock o hindi pag-usad sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at maneydsment. Anila, bagaman ibinaba na nila ang kanilang mga kahingian sa maneydsment ay […]

CAFGU at aset ng militar, inambus ng BHB-Western Samar
September 23, 2023

Isang CAFGU at isang aset ng militar ang inambus ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) noong Setyembre 16 at 17. Ang dalawa ay sangkot sa mga operasyong kombat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pangunahing mga aset sa paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya. Isinagawa ng […]

Klase sa mga paaralan sa Masbate, nakansela dulot ng palabas na engkwentro ng 2nd IB
September 23, 2023

Nagbunsod ng pagkansela ng klase sa mga eskwelahan ang palabas na engkwentro at walang patumanggang pamamaril ng tropa ng 2nd IB sa hangganan ng Barangay Villahermosa, Cawayan at katabing bayan na Placer noong Setyembre 16 ng ala-6 ng umaga. Inilinaw ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate na wala itong yunit na nakasagupa ng mga sundalo. “Hindi […]

Nag-ooperasyong tropa ng 4th SRB at 42nd IB, binigwasan ng BHB-Eastern Samar
September 23, 2023

Pinaputukan at hinaras ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Samar (Sergio Lobina Command) ang nag-ooperasyong tropa ng pinagsanib na 4th Scout Ranger Battalion (SRB) at 42nd IB sa Sitio Barayan, Barangay Pandol, Can-avid, Eastern Samar noong Agusto 23. Pilit itinago ng militar sa publiko ang kanilang pagkatalo dahil dineklara na nitong “insurgency-free” ang […]

500 war game at ibang aktibidad militar; dagdag na base militar, itinutulak ng US sa Pilipinas
September 22, 2023

Dalawang araw bago ang ika-32 anibersaryo sa pagbabasura sa Military Bases Agreement, walang kahihiyang inianunsyo ng tutang rehimeng Marcos Jr at Armed Forces of the Philippines na magsasagawa ang militar ng US ng 500 war game at aktibidad militar sa Pilipinas sa susunod na taon. Kasunod ito ng inianunsyo ng US na pagnanaisa na dagdagan […]

Barangay sa Iloilo, 2 oras na kinanyon ng 301st IBde
September 20, 2023

Labing-isang bala ng kanyon ang pinakawalan ng 301st IBde sa loob ng dalawang oras na kampanyang pambobomba nito sa Barangay Cabatangan, Lambunao, Iloilo alas-7 ng umaga noong Setyembre 15. Bumagsak ang mga bala ng howitzer nang 100 metro ang layo mula sa kabahayan ng mga residente. Dulot ng panganganyon, napilitang tumigil ang mga residente sa […]