Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagtapon sa dagat ng kontaminadong basura ng Japan, malawakang pinrotesta
August 26, 2023

Nagtungo ang mga mangingisda at tagapagtanggol ng kalikasan ngayong araw sa Japanese Embassy sa Maynila para batikusin ang gubyerno ng Japan sa pagtatapon sa Pacific Ocean ng mahigit isang milyong toneladang kontaminadong tubig na ginamit sa pagpapalamig ng plantang nukleyar sa Fukushima. Lumahok sa protesta ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), Earth […]

Tatlong babae, minasaker ng AFP sa Masbate
August 25, 2023

Sadyang pinatay ng mga sundalo ng 96th IB at mga pulis ng Masbate ang tatlong sibilyang babae sa Barangay Jagnaan sa San Jacinto, isla ng Ticao, Masbate noong Agosto 19. Pinalalabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na napatay ang tatlo sa isang armadong sagupaan sa pagitan ng 96th IB at ng Bagong Hukbong […]

Pagdukot at pagpatay sa 2 mandirigmang hors de combat sa Iloilo, kinundena
August 25, 2023

Kinundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay (Napoleon Tumagtang Command) ang pagdukot at sadyang pagpatay ng mga pwersa ng estado sa dalawang mandirigmang wala sa katayuang lumaban noong Hulyo 29. Sa naunang pahayag ng 61st IB, pinalalabas nito na napatay sina Jenny Fariolan (Ka Hope) at John Eric Talibo (Ka Blue) sa isang sagupaan sa […]

Tsuper sa Batangas, dinukot ng mga pulis
August 25, 2023

Dinukot ng mga ahente ng Philippine National Police (PNP)-Batangas ang tsuper na si Jose Escobio noong Agosto 24 sa hindi malinaw na mga dahilan, ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan. Si Escobio ay isang tsuper na namamasada ng multicab sa Lipa City, Batangas at inaarkila para sa mga byahe. Ayon sa […]

Mga barko at eroplanong pandigma ng US, nakatigil sa karagatan ng Pilipinas
August 24, 2023

Hindi lamang mga barko ng China ang naglipana sa teritoryong dagat ng Pilipinas. Mas malaki pa ang presensya dito ng mga barko at sasakyang pandigma ng US at mga kaalyado nitong bansa. Kasalukuyang isinasagawa ng Australia, sa direksyon ng US, ang war game na “Exercise Alon” sa Palawan, 200 kilometro mula sa Spratly Group of […]

Mga manggagawang tinanggal, nagpiket sa Mandaue City
August 24, 2023

Nagpiket sa upisina ng Cebu Easy General Services Corporation, isang man-power agency, sa Barangay Subangdaku, Mandaue City ang mga manggagawa noong Agosto 22 para igiit ang kanilang karapatan sa trabaho. Tinanggal ang mga manggagawang kinokontrata ng Liwayway Marketing Corporation (LMC), nagmamanupaktura ng OISHI Snack Products, sa pagdadahilang ililipat ang operasyon nito sa bagong planta sa […]

Panggigipit sa mga Pilipinong tagapagtanggol sa karapatang-tao, malawakang kinundena
August 23, 2023

Walong internasyunal na organisasyon sa karapatang-tao at 34 sa rehiyon ng Asia Pacific ang nagpahayag ng suporta sa mga Pilipinong tagapagtanggol sa karapatang-tao laban sa walang tigil na pangigipit laban sa kanila ng reaksyunaryong estado. Pinirmahan ng Asian Forum for Human Rights and Development (FORUM-ASIA), Amnesty International, the Asia Pacific Forum on Women, Law and […]

Kababaihan, nangalampag laban sa nagtataasang presyo ng bilihin
August 23, 2023

Inilunsad ng grupong Gabriela ang “Kalampagang Kababaihan” kahapon, Agosto 22, sa harap ng Philcoa sa Quezon City para iparating ang hirap na dinaranas ng kababaihan sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis at ng mga bilihin. Sa pampitong pagkakataon sa loob ng pitong linggo, itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng mga […]

Mga mag-aaral ng University of San Carlos, nagprotesta sa unang araw ng klase
August 22, 2023

Nagtipun-tipon sa isang kilos-protesta ang mga estudyante ng University of San Carlos (USC) sa harap ng kampus nito sa downtown sa Cebu City noong Agosto 21, unang araw ng klase sa pamantasan. Ipinahayag nila ang pagtutol sa napipintong 6.9% pagtataas ng matrikula, pagtutol sa mapanupil na dress code, pagtatanggal ng badyet sa pahayagang pangkampus, at […]

Pagtitipon ng APEC kaugnay ng kababaihan at ekonomya, binulabog ng protesta
August 22, 2023

Binulabog ng protesta ang pagtitipon ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Seattle, US noong Agosto 20, kasabay ng isinagawang porum hinggil sa kalagayan ng kababaihan at ekonomya sa mundo. Sa pangunguna ng protesta ng International Women’s Alliance (IWA), naantala ng protesta ang panapos na talumpati sa naturang porum ng APEC. Ayon sa IWA, sa […]