Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

₱100 dagdag-sahod, itinulak sa Region 7
August 10, 2023

Nagpiket kahapon, Agosto 9, ang mga manggagawa sa harap ng Department of Labor and Employment sa Cebu City para ipanawagan ang kagyat na pagpapatupad ng dagdag-sahod sa syudad. Kasabay nito, isinumite nila ang petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board in Central Visayas para sa ₱100 pagtaas ng minimum na sahod sa Region 7. […]

Mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita, muling iginigiit ang kanilang karapatan sa lupa
August 10, 2023

Nagtungo sa Mendiola noong Agosto 8 ang mga manggagawang-bukid sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), kasama ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), para muling igiit ang kanilang karapatan sa Hacienda Luisita. Ang aksyong protesta ay kasabay ng paghahapag ng kanilang mga abugado ng motion for reconsideration para […]

Marcos Jr, binweltahan sa kainutilan sa harap ng pagsirit presyo ng langis
August 10, 2023

Kabi-kabilang batikos ang inani ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pahayag na wala siyang magagawa sa harap ng walang awat na pagtaas na presyo ng langis. Sa panlimang pagkakataon sa loob ng limang linggo, itinaas ng mga kumpanya ng langis noong Martes, Agosto 8, ang presyo ng gasolina nang ₱.50, diesel nang ₱4 at kerosin […]

Grupong Save Gubat Bay Movement, nagtayo ng nursery ng mga bakawan sa Sorsogon
August 09, 2023

Nagtayo ng nursery ng mga bakawan ang grupong Save Gubat Bay Movement na magsisilbing pangtanim at pangrehabilitate sa nasisirang mga bakawan sa prubinsya. Ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapangalagaan ang sistema ng ekolohiya ng karagatan sa Sorsogon. Ang nursery ng bakawan ay lugar para patubuin at alagaan ang mga punla hanggang […]

Reklamasyon sa Manila Bay, "rerepasuhin" matapos itulak ng US
August 08, 2023

Kara-karakang nagpatawag ng “pagrepaso” ang mga senador at upisyal ng rehimeng Marcos Jr kaugnay sa nagaganap na mga operasyon para sa reklamasyon ng maraming bahagi ng Manila Bay. Kaagad ring binuo ng Department of Environment and Natural Resources ang isang grupo para magsagawa ng pag-aaral sa epekto ng mga aktibidad na ito sa Manila Bay. […]

₱750 minimum na sahod sa Calabarzon, iginiit
August 08, 2023

Nagtipon sa upisina ng Regional Wage Board 4-A sa Batangas City kahapon, Agosto 7, ang mga manggagawa mula sa Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP) at Workers’ Initiative for Wage Increase-ST. Lumahok ang mga manggagwa sa ipinatawag na public hearing para sa dagdag-sahod sa rehiyon. Panawagan ng mga manggagawa na gawing ₱750 ang minimum […]

SM City Santa Rosa, pinananagot sa pagkamatay ng 2 manggagawa
August 08, 2023

Nanawagan ang mga manggagawa sa Laguna sa ilalim ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Probinsya ng Laguna (AMPL) para papanagutin ang SM City Santa Rosa sa pagkamatay ng dalawang manggagawa habang naglilinis sa septic tank o poso negro ng gusali noong Agosto 6. Nakiramay din ang grupo sa mga pamilya ng mga nasawi. “Marapat lang […]

Hustisya, giit ng ina ng pinatay sa Bloody Sunday Massacre
August 08, 2023

Nagsumite ng petisyon noong Agosto 4 si Rosenda Lemita, ina ng pinaslang na si Chai Lemita-Evangelista, para iparepaso ang naging desisyon ng Department of Justice Manila na ibasura ang kaso laban sa mga pumaslang ng kanyang anak. Dalawang beses nang nagsampa ng petition for reconsideration ang pamilya Lemita hinggil sa naunang murder complaint laban sa […]

Bahay ng lider-magsasaka sa Tarlac, pinagbabaril
August 08, 2023

Ilang ulit na nagpaputok ang hindi kilalang mga indibidwal sa labas ng bahay ng lider-magsasakang si Alvin Dimaracut sa Tarlac noong Agosto 6, alas-10 ng gabi. Ayon sa ulat ng Malayang Samahan ng mga Magsasaka sa Tinang (Makisama-Tinang), inikutan ng mga indibidwal na nakasakay ng motor at isang kotse sa bahay at huminto sa tarangkahan […]

Protesta kontra pagmimina sa Eastern Samar, inilunsad
August 08, 2023

Nagmartsa ang humigit-kumulang 2,000 residente mula sa iba’t ibang prubinsya ng Samar noong umage ng Agosto 7 para manawagan na itigil ang mapanirang pagmimina sa mga isla ng Homonhon at Manicani at iba pang bahagi ng isla. Pinangunahan ang protesta ng Commission on Social Action ng Diocese of Borongan na inilunsad sa sentro ng Borongan […]