Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Inilunsad ng mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Samar ang isang 12-araw na pagsasanay militar noong ikatlong linggo ng Hulyo. Nailunsad ito sa gitna ng maigting at tuluy-tuloy na mga operasyong militar sa prubinsya. Nakapagtapos sa naturang pagsasanay ang mahigit 30 mandirigma at upisyal ng BHB sa Samar. Ang 12-araw na pagsasanay […]
Kinundena ng mga grupo sa transportasyon sa pangunguna ng No To PUV Phaseout Coalition Panay ang panggigipit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 6 sa mga tsuper at opereytor na lumahok sa tigil-pasada noong Hulyo 24. Ipinatawag ng LTFRB Region 6 ang mga tsuper para sa isang pagdinig noong Agosto 4 sa […]
Dismayado ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa deklarasyon ng presidente ng European Union (EU) na si Ursula von der Leyen matapos bumisita sa bansa noong Hulyo 30 hanggang Agosto 1. Ayon kay der Leyen, ang kalagayan ng karapatang-tao sa Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr ay “higit na maayos.” Hindi naitago […]
Iligal na inaresto ng mga sundalo ng 15th IB ang walong magsasaka sa Sityo Tugas, Barangay Pinggot, Ilog, Negros Occidental noong Hulyo 29. Malisyosyong idinadawit ang walo sa isinagawang armadong opensiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang bayan noong Enero 28. Ang walong biktima na kinilala bilang sina Allen Fica, (35 anyos), Alfonso Fica […]
Pinaulanan ng bala ng dalawang sundalo ng 31st IB ang bahay ng Punong Barangay na si Erwin Vista sa Barangay Alin, Donsol, Sorsogon noong Agosto 4. Ganti ito ng mga sundalo matapos magreklamo ang kapitan sa pagkakampo ng mga sundalo, pagkakalat ng basura at pag-iwan ng dumi sa banyo ng evacuation center ng barangay. Sa […]
Niyanig ng tatlong malalakas na pagsabog ang mga komunidad malapit sa Barangay Villegas, Guihulngan City, Negros Oriental noong Agosto 5 bandang alas-5 ng umaga. Ito ay mula sa panganganyon ng mga sundalo mula sa detatsment sa naturang barangay. Narinig ang pagsabog sa mga barangay ng Nagsaha, Balugo, Magsaysay, at Imelda. Ayon sa ulat, tumagal nang […]
Naglunsad ng protesta ang mga manggagapak at mga kasapi ng Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform (SUGAR) Batangas at Kaisahan ng mga Manggagagawang Bukid sa Tubuhan (Kaisahan) noong Agosto 4 sa Barangay Sampaga, Balayan, Batangas para kundenahin ang okupasyon at panggigipit sa mga manggagapak ng 59th IB sa Barangay Putol sa bayan ng Tuy simula […]
Nagsampa ng counter-affidavit noong huling linggo ng Hulyo ang tagapagtanggol sa karapatang-tao na si Nimfa Lanzanas laban sa mga pulis na umaresto sa kanya at iba pa sa binansagang “Bloody Sunday” ng mga aktibista sa Southern Tagalog. Noong Disyembre 2022 pa siya nagsampa ng kontra-asunto ng grave misconduct at pag-abuso sa kapangyarihan laban sa mga […]
Nagprotesta ang mga manggagawang pangkalusugan mula sa mga pribadong ospital sa harap ng upisina ng Department of Health (DOH) sa Maynila noong Agosto 3 at Agosto 4 para singilin si Secretary Dr. Teodoro Herbosa sa matagal nang naantalang Health Emergency Allowance (HEA). Nakiisa ang mga lokal na unyon sa aabot sa 30 ospital sa dalawang […]
Binatikos ng ilang senador at kongresista ang ₱10.14 bilyon na nakalaang confidential at intelligence fund (CIF) para sa mga upisina ng presidente, bise presidente at iba’t ibang ahensya sa panukalang badyet para sa 2024. Sa isinapubliko nang panukalang ihaharap ng rehimen sa Kongreso, nakalagay ang alokasyon na ₱5.277 bilyon para sa “intelligence” o “gastusing paniktik” […]