Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga samahang maralita sa Negros Occidental, ginigipit ng militar
July 12, 2023

Anim na aasosasyon ng mga magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda sa apat na barangay ng Cauayan, Negros Occidental ang nag-ulat na sila’y tinatakot at ginigipit ng mga sundalo ng 15th IB at 47th IB simula Hulyo 10. Ayon sa ulat ng grupo sa karapatang-tao na September 21 Movement South Negros, pinatatawag ng mga sundalo ang […]

Pilipinas, suki ng kriminal na kumpanyang Elbit System
July 12, 2023

Inianunsyo noong Hulyo 10 ng Elbit Systems na ginawaran ito ng kontrata para “magsuplay” ng dalawang eroplanong pandigma (Long Range Patrol Aircraft) na nagkakahalaga ng $114 milyon o ₱3.135 milyon kada isa ng isang “bansa sa Southeast Asia.” Bagaman hindi nakasaad sa pahayag ng Elbit, pinaniniwalaang ang tinutukoy nito ay ang Pilipinas dahil ito lamang […]

Cybercrime, tumaas nang 152% sa kabila ng SIM Card Registration
July 12, 2023

Ibinalita noong Hulyo 10 ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na hindi bumaba, kundi tumaas pa nang 152% ang cybercrime o kriminal na aktibidad sa cybespace, sa unang hati ng taong 2023. Ito ay sa kabila nang nagkabisa noong Disyembre 27, 2022 ang SIM Card Registration Law, na nag-obliga sa lahat ng gumagamit ng […]

Pagpapasabog ng mga rocket ng US at Pilipinas sa Nueva Ecija, perwisyo sa mamamayan
July 10, 2023

Perwisyo sa mamamayan at kalikasan ang muling paglulunsad ng live-fire exercises ng mga pwersang militar ng US at Pilipinas sa Barangay Canantong, Laur, Nueva Ecija noong Hulyo 7. Nagpakawala ng 20 rocket ang US sa tinaguriang PH-US Army Artillery Rocket System Subject Matter Expert Exchange (SMEE) gamit ang mga High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS). […]

Department of National Defense, tinuligsa ng mga abugado
July 10, 2023

Naghain ng reklamo ang grupo ng mga abogado na National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL) kasama ng iba pang grupong nagtataguyod ng karapatang-tao sa Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Biyernes, Hulyo 7. Ito ay para magsilbing babala at paalala sa buong pamunuan ng Department of Defense (DND) at sa bagong kalihim nitong si Gilberto […]

Waldaserong Coast Guard, bumili ng mga sasakyang pangmayaman
July 10, 2023

Pinuna ng Commission on Audit ang pagwawaldas ng Philippine Coast Guard (PCG) ng pondo ng bayan sa pagbili nito ng bulletproof na sasakyang pangmayaman (luxury vehicle) na nagkakahalaga ng ₱7.8 milyon. Ang sasakyan ay nagkakahalaga ng ₱4.9 milyon habang ang pagpapa-bulletproof dito ay ₱2.8 milyon. Ang sasakyan ay para diumano sa “ligtas” na pagbyahe ng […]

Trabahong part-time, lalong dumami sa ilalim ni Marcos Jr
July 10, 2023

Taliwas sa ipinipilit ni Ferdinand Marcos Jr na “paborable” na ang kalagayan ng “labor market” sa ilalim ng kanyang rehimen, nagpapatuloy ang kawalan ng disenteng mga trabaho sa bansa. Mahigit isang milyon sa ipinagmamalaki nitong bagong-likhang trabaho ay part-time, self-employed at iba pang nasa impormal na sektor. Ibig sabihin, ang mga ito ay mababang kalidad, […]

Mga sinisanteng manggagawa ng Jollibee sa US, nagprotesta
July 10, 2023

Nagprotesta ang sinisanteng mga manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa restawran ng kumpanya sa Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US noong Hulyo 6. Inilunsad nila ang pagkilos matapos magsumite ng reklamo sa US National Labor Relations Board noong nakaraang linggo at planong pagsumite ng sulat sa maneydsment ng Jollibee na tinanggihan ng […]

Operasyong harasment, inilunsad ng BHB-Agusan del Sur
July 09, 2023

Isang sundalo ng 41st Division Reconnaissance Company ng Philippine Army ang napatay habang isa ang nasugatan sa operasyong harasment ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Agusan del Sur sa Barangay Das-agan, San Francisco, Agusan del Sur noong Hunyo 27. Ayon sa ulat ng BHB, nag-ooperasyon ang naturang tropa ng sundalo sa lugar bandang alas-4:30 ng hapon nang […]

Ugat ng tangkang panghahalay sa UPD, kakulangang ng badyet
July 08, 2023

Kinundena ng mga progresibong grupo ang tangkang panggagahasa sa isang estudyante sa loob mismo ng kampus ng University of the Philippines Diliman (UPD) noong Hulyo 6. Giit ng Kabataan Partylist na dapat lamang taasan ang inilalaang badyet ng gubyerno sa mga pampublikong unibersidad katulad ng UP upang itaas ang kakayahang nitong pangangalagaan ang internal na […]